Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Wastong Paggamit ng Wika, Lecture notes of Social structure and social organization

wastong paggmit ng wika sa pagpapaunlad

Typology: Lecture notes

2023/2024

Uploaded on 03/16/2025

mon-ladines
mon-ladines 🇵🇭

1 document

1 / 3

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Wastong Gamit ng mga Salita
Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang
pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings alita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit.
Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap.
At dahil dito, nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe
o pahayag.
Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:
1. MAY at MAYROON
Ginaga
Pangngalan
Pandiwa
Pang-uri
Panghalip na Paari
Pantukoy na Mga
Pang-ukol na Sa
May prutas siyang dala.
May kumakatok sa labas.
May matalino siyang anak.
May kanila silang ari-arian.
May mga lalaking naghihintay sa iyo.
May sa-ahas pala ang kaibigan mo.
Ginagamit ang mayroon kung ito’y:
Sinusundan ng isang kataga o ingklitik
Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?
Mayroon nga bang bagong Pajero sila?
Sinusundan ng panghalip palagyo
Hal. Mayroon siyang kotse.
Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.
Nangangahulugang “mayaman”
Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.
Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid.
2. KITA at KATA
Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan. Ginagamit
ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Samantala, ang kata naman ay
panghalip panao sa kaukulang palagyo at may kailanang dalawahan. Ang kita ay tumutukoy sa
kinakausap, at ang kata naman sa magkasamang nagungusao at kinakausap.
Hal. Nakita kita sa Baguio noong Linggo.
Kata nang kumain sa kantina.
3. KILA at KINA
Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.
Hal. Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.
4. NANG at NG
Ginagamit ang ng bilang:
a....... Katumbas ng of ng Ingles
Hal. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan.
b...... Pang-ukol ng layon ng pandiwa
Hal. Umiinom siya ng gatas bago matulog.
Naglalaro ng chess ang magkapatid.
c....... Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak
Hal. Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.
Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto.
Ginagamit ang nang bilang:
pf3

Partial preview of the text

Download Wastong Paggamit ng Wika and more Lecture notes Social structure and social organization in PDF only on Docsity!

Wastong Gamit ng mga Salita

Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings alita sa Filipino ang nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito, nagkakaroon tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o pahayag. Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:

1. MAY at MAYROON Ginaga Pangngalan Pandiwa Pang-uri Panghalip na Paari Pantukoy na Mga Pang-ukol na Sa May prutas siyang dala. May kumakatok sa labas. May matalino siyang anak. May kanila silang ari-arian. May mga lalaking naghihintay sa iyo. May sa-ahas pala ang kaibigan mo. Ginagamit ang mayroon kung ito’y: Sinusundan ng isang kataga o ingklitik Hal. Mayroon ba siyang pasalubong? Mayroon nga bang bagong Pajero sila? Sinusundan ng panghalip palagyo Hal. Mayroon siyang kotse. Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan. Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas. Nangangahulugang “mayaman” Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan. Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid. 2. KITA at KATA Ang kita ay panghalip panao sa kaukulang palayon at may kailanang isahan. Ginagamit ito bilang tuwirang layon o di-tuwirang layon ng pandiwa. Samantala, ang kata naman ay panghalip panao sa kaukulang palagyo at may kailanang dalawahan. Ang kita ay tumutukoy sa kinakausap, at ang kata naman sa magkasamang nagungusao at kinakausap. Hal. Nakita kita sa Baguio noong Linggo. Kata nang kumain sa kantina. 3. KILA at KINA Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay. Hal. Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris. Makikipag-usap ako kina Vec at Nona. 4. NANG at NG Ginagamit ang ng bilang: a. Katumbas ng of ng Ingles Hal. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan. Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan. b. Pang-ukol ng layon ng pandiwa Hal. Umiinom siya ng gatas bago matulog. Naglalaro ng chess ang magkapatid. c. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak Hal. Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay. Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto. Ginagamit ang nang bilang:

a. Katumbas ng when sa Ingles Hal. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting. Tapos na ang palabas nang pumasok ng tanghalan si Ben. b. Katumbas ng so that o in order to sa Ingles Hal. Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y makapasa. Magsumikap ka nang ang buhay mo’y guminhawa. c. Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng Hal. Kumain (na+ng) nang lugaw ang batang maysakit. Tinanggap (na+ng) nang nahihiyang bata ang kanyang regalo. d. Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa Hal. Siya ay tawa nang tawa. Kumain nang kumain ang nagugutom na bata.

5. DAW/DIN at RAW/RIN Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig. Hal. May sayawan daw sa plasa. Sasama raw siya sa atin. 6. KUNG at KONG Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito ang if sa Ingles; ang kong ay panghalip panao sa kaukulang paari. Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw. Nabasâ ang binili kong aklat 7. KUNG DI at KUNDI Ang kundi ay galing sa salitang “kung hindi” o if not sa Ingles; ang kundi naman ay except. Hal. Aaalis na sana kami kung di ka dumating. Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang. 8. PINTO at PINTUAN Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Samantala, ang pintuan (doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto. Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto. Natanggal ang pinto sa pintuan. 9. HAGDAN at HAGDANAN Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantala, ang hagdanan (stairway) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan. Hal. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan. Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana. 10. PAHIRIN at PAHIRAN; PUNASIN at PUNASAN Ang pahirin at punasin ( wipe off ) ay nangangahulugang alisin o tanggalin. Ang pahiran at punasan ( to apply ) ay nangangahulugang lagyan. Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata. Pahiran mo ng palaman ang tinapay. Punasin mo ang pawis sa iyong likod. Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti. 11. OPERAHIN at OPERAHAN Ginagamit ang operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin. Ang operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis. Hal. Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado. Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado. 12. WALISIN at WALISAN Ginagamit ang walisin ( sweep the dirt ) kung tumutukoy sa bagay na aalisin o lilinisin samantalang ang walisan ay tumutokoy naman sa lugar ( to sweep the place ). Hal. Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig. Walisan ninyo ang sahig. 13. IKIT at IKOT Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.