Name:______________________________ Grade&Section:__________________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ng maayos at malinis ang titik na inyong sagot. Good Luck!!!
1. Anong sub-sektor ng agrikultura ang tumutukoy sa pag-aalaga ng hayop tulad ng baka, manok, at baboy?
a) Paggubat
b) Pangingisda
c) Paghahayupan
d)Paghahalaman
2. Aling mga produkto ang mahalagang pinagkukunan ng pangkabuhayan mula sa paggugubat?
a) Palay, mais, niyog
b) Tabako, abaka, gulay
c) Plywood, tabla, troso
d) Kape, mangga, saging
3. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng pag-aalaga ng hayop tulad ng baka, baboy, at manok?
a) Pagtatanim ng mga gulay
b) Pagpapalago ng kagubatan
c) Pag-supply ng pangunahing produkto tulad ng karne
d) Paggawa ng mga kagamitan tulad ng plywood at tabla
4. Sa isang komunidad na umaasa sa agrikultura, ano ang maaaring gawin ng mga lokal na pamahalaan upang mapalakas ang
sektor ng agrikultura?
a) Pagtutok sa pagpapalakas ng industriya ng pangingisda lamang
b) Pagtanggi sa pagbibigay ng suporta at tulong sa mga magsasaka
c) Pagbibigay ng incentives at training para sa modernisasyon ng agrikultura
d) Pagsasara ng mga lokal na pamilihan upang paboran ang imported na produkto
5. Saan nagaganap ang munisipal na pangingisda?
a) Sa tabing-dagat na lugar
b) Sa ilalim ng tubig pangisdaan
c) Sa malalaking daungan gamit ang mga barko
d) Sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas
mababa pa.
6. Anong uri ng pangisdaan ang tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda sa iba't ibang uri ng tubig pangisdaan?
a) Aquaculture
b) Paggugubat
c) Munisipal na pangingisda
d) Komersiyal na pangingisda
7. Ano ang layunin ng mga kompanya sa subsektor ng utilities?
a) Magtinda ng mga kagamitan
b) Magbenta ng mga hilaw na materyal
c) Magproseso ng mga produkto ginagamit ng tao
d) Matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa tubig, kuryente, at gas
8. Saan kabilang ang paggawa ng mga produkto tulad ng sasakyan, aparato, at mga kagamitan sa bahay?
a) Utilities
b) Pagmimina
c) Konstruksiyon
d) Pagmamanupaktura
9. Ano ang ginagawa sa subsektor ng pagmimina?
a) Pagtatayo ng mga gusali at istruktura
b) Pagtugon sa pangangailangan ng tubig, kuryente, at gas
c) Paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o makina
d) Pagkuha at pagproseso ng mga metal, di-metal, at enerhiyang mineral
10. Ano ang pangunahing layunin ng sektor ng industriya?
a) Magtinda ng mga kagamitan
b) Mag-imbento ng bagong teknolohiya
c) Magbenta ng mga hilaw na materyal
d) Magproseso ng mga produktong ginagamit ng tao