Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

The Promdi Girl Meets The Playboy, Summaries of Natural Language Processing (NLP)

Read at your own risk. Please read it with understanding.

Typology: Summaries

2022/2023

Uploaded on 04/24/2024

rossdelyn-fernandez
rossdelyn-fernandez 🇵🇭

1 / 653

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
That Promdi Girl (PUBLISHED)
by owwSIC
(Wattys 2015 Winner, People's Choice Award) PUBLISHED UNDER PSICOM.
(Falcon Series #1)
Nagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang
para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya
pero hindi pala.
Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi basta-bastang
lalaki lang kundi isang super sayan - si San Goku. JOKE. Apo lang naman ng multi-
millionaire businessman ang mapapangasawa ng ate niyo. Kabog, 'di ba?
Paano niya pakikisamahan ang masungit, palaging wala sa mood, at ginagawang hobby
ang pagsimangot na si Elton Alexander Falcon? Kung pati ang paghinga ni Althea 'e
kinaiirita ni Elton?
FALCON SERIES PRESENTS:
THAT PROMDI GIRL.
Ang babaeng bobita. Chos.
=================
Simula
https://youtu.be/8M47mA3lB3M
FALCON SERIES PRESENT:
THAT PROMDI GIRL (Ang babaeng bobita. 'chos!)
written by owwSIC
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a
pf1b
pf1c
pf1d
pf1e
pf1f
pf20
pf21
pf22
pf23
pf24
pf25
pf26
pf27
pf28
pf29
pf2a
pf2b
pf2c
pf2d
pf2e
pf2f
pf30
pf31
pf32
pf33
pf34
pf35
pf36
pf37
pf38
pf39
pf3a
pf3b
pf3c
pf3d
pf3e
pf3f
pf40
pf41
pf42
pf43
pf44
pf45
pf46
pf47
pf48
pf49
pf4a
pf4b
pf4c
pf4d
pf4e
pf4f
pf50
pf51
pf52
pf53
pf54
pf55
pf56
pf57
pf58
pf59
pf5a
pf5b
pf5c
pf5d
pf5e
pf5f
pf60
pf61
pf62
pf63
pf64

Partial preview of the text

Download The Promdi Girl Meets The Playboy and more Summaries Natural Language Processing (NLP) in PDF only on Docsity!

That Promdi Girl (PUBLISHED) by owwSIC (Wattys 2015 Winner, People's Choice Award) PUBLISHED UNDER PSICOM. (Falcon Series #1) Nagbago ang buhay ng Promdi Girl na si Althea Josefa Marinduque o Althea nalang para kyot nang pumunta siya sa Manila. Akala niya kasi trabaho ang pupuntahan niya pero hindi pala. Bakit hindi sinabi sa kanyang mag-aasawa na pala siya? At hindi basta-bastang lalaki lang kundi isang super sayan - si San Goku. JOKE. Apo lang naman ng multi- millionaire businessman ang mapapangasawa ng ate niyo. Kabog, 'di ba? Paano niya pakikisamahan ang masungit, palaging wala sa mood, at ginagawang hobby ang pagsimangot na si Elton Alexander Falcon? Kung pati ang paghinga ni Althea 'e kinaiirita ni Elton? FALCON SERIES PRESENTS: THAT PROMDI GIRL. Ang babaeng bobita. Chos. ================= Simula https://youtu.be/8M47mA3lB3M FALCON SERIES PRESENT: THAT PROMDI GIRL (Ang babaeng bobita. 'chos!) written by owwSIC

Simula Hindi ko mapigilang hind imaging emosyonal habang nililisan ko ang maliit na bahay namin dito sa probinsya. Ito na kasi marahil ang kahuli-huling pagkakataon na masisilayan ko itong tahanan na naging saksi sa aking paglaki at pagkakaroon ng isip. Kung hindi lang siguro pumanaw si lolo ko na kaisa-isa kong pamilya hinding- hindi ako aalis sa probinsyang 'to. Pero ganon talaga, e. May mga bagay na kailangan mong kalimutan kahit na ayaw mo. Malulungkot ka lang kasi kapag patuloy mo pa ring inaalala. Naks naman, Althea. Napahugot ka pa! Kamamatay lang ni lolo ko noong isang linggo. Biglaan nga ang lahat. Hindi man niya lang sinabihan na "Apo, made-deds na ako. Iiwan na kita. Kthnxbye." Para sana napaghandaan ko. Kaso wala man lang abiso si lolo. Binigla niya ako. Wala naman siyang ano mang sakit o malalang karamdaman. Bigla nalang siyang tumumba habang nagbubuhat ng mga kahoy na gagamitin niyang panggatong. Ang sabi ng doctor na nagsuri sa kanya dala raw ng pagod at katandaan. Kung alam ko lang na magiging ganon 'edi sana hindi ko na siya pinapagalaw dito sa bahay. Si lolo rin kasi kung minsan ang tigas ng ulo, e. Malaki ang naging gastusin ko sa pag-aasikaso ng libing ni lolo. Kaunti lang ang ipon naming dalawa at talagang hindi naging sapat. Wala rin kaming ibang pamilya o kamag-anak. Kung meron man siguro kinalimutan na kaming dalawa. Kami nalang dalawa ni lolo sa buhay. 'Yung mga magulang ko kasi bata palang ako nang namatay ang mga ito. Mabuti nalang dumating 'yung katiwala ng mayamang kaibigan ni lolo na taga- maynila. May dala itong pera na siyang nagamit ko sa pagpapalibing ko kay lolo. Sa telepono ko lang nakausap si lolo Andres-ang kaibigan ni lolo. Ang sabi ko babayaran ko siya kapag nagkaroon na ako ng trabaho. Pero akala ko 'dun lang matatapos ang pag tulong niya. Nag offer din siya ng trabaho sa akin sa manila. Ang sabi ko pag-iisipan ko muna ang sinabi niya. Unang una kasi ayokong lisanin 'tong probinsya. Andito ang buhay ko. Itong lugar na 'to gamay ko na. Hindi tulad sa manila na bali-balitang magandang lugar nga pero talamak naman ang mga krimen at patayan. Natakot ako sa ganong balita. Pangalawa, napapaisip ako kung kakayanin ko ba ang buhay maynila. Wala akong ibang kilala 'dun. Hindi tulad dito sa probinsya na marami akong kaibigan at may mangilan-ngilan ding ka-plastikan. Wala akong ibang tatakbuhan 'dun kapag nagkaroon ako ng problema. Alangan namang kay lolo Andres ako palagi hihingi ng tulong. Bukod sa nakakahiya na hindi pa kami close dalawa. Ang kapal naman ng panga ko kung sa kanya ako palagi lalapit, 'di ba? Pero napaisip din ako kung sasayangin ko ang oportunidad na ito. Naisip ko kasi kung andito lang ako sa probinsya patuloy kong maaalala si lolo. Si lolo ko na pinakamamahal ko sa lahat pero iniwan na ako. Patuloy akong iiyak at malulungkot. Isa pa, baka sa maynila ang swerte ko. Maraming taga rito sa amin na lumuluwas pa- manila dahil maganda raw ang buhay 'dun. Ang ilan nga lang sa kanila ay sinuwerte

natutulog kasi.. kasi.. tulog siya. Basta masama raw 'yun sabi sa akin minsan ni lolo ko. Ayoko namang maging bastos. Pero kasi inuupuan niya ang upuan ko, e. Paano 'yan? Ba't kasi diyan siya nakaupo. Mahina kong yinugyog ang balikat niya, "Kuya." Walang reaction. Tulog na tulog. Inulit ko, "Kuya. Gising. Upuan ko po 'yan." Wala pa rin. Hay, nako. Bahala nga siya diyan. Binuhat ko nalang ang isang maleta ko saka ipinasok 'dun sa may lagayan ng mga bag sa itaas. 'Yung isang maleta walang hirap kong nailagay kasi puro walang kwentang bagay lang naman ang laman 'nun. Isinunod ko naman 'yung isa pang maleta kung saan puro damit at mga abubot ko ang nakalagay. 'Dun ko rin nilagay 'yung kaisa-isa pero napakalaking picture frame ni lolo ko. Nahirapan ako sa pagbubuhat dito dahil nga mas mabigat ito. Dahil nangangalay na ang kamay ko sa sobrang bigat bigla itong dumulas at nahulog sa mukha ni kuyang natutulog. Agad nanigas ang katawan ko sa nangyari. Pakiramdam ko sarili kong mukha ang nasaktan sa dahil 'dun. Agad kong tinignan si kuyang natutulog, "Kuya, sorry. Hindi ko sinasadya-" Napatigil ako sa pagsasalita nang makita kong hindi siya nagising. Tulog na tulog pa rin siya. Napatagilid lang ang ulo niya pero naka-crossed arms pa rin siya. Sumarado na rin ang bibig niyang nakanganga kanina. Napataas ang kilay ko. Ano ba 'tong si kuya. Manhid? Walang pakiramdam? Hindi man lang nasaktan sa nangyari? Hindi man lang din nagising? Hinayaan ko nalang siya. Mukhang wala din namang nakapansin sa nangyari kasi abala 'yung ibang pasahero kaya dedma nalang. Kinuha ko ulit 'yung maleta kong nahulog sa mukha ni kuya saka ibinalik sa itaas. Nang mailagay ko na ito maingat naman akong dumaan sa tabing upuan na inuupuan ni kuyang manhid. Bago ako umupo sa tabi niya inusog ko muna ang ulo niya. Akala ko magigising na siya dahil kumamot siya sa ilong niya pero hindi pa rin pala. Tulog na tulog pa rin siya. Mabuti naman. Umupo na ako sa tabi niya at tumingin nalang sa may bintana. Tahimik akong nagdasal na sana maging maayos ang buhay ko sa maynila. Habang nakaupo bigla kong naisip kung anong klaseng tao si Lolo Andres. Mabait kaya siya tulad ng mga kwento sa akin ni lolo ko noon? Hindi ko pa siya nakita, e.Tanging sa pamamagitan lamang ng mga kwento ni lolo ko siya nakilala. Ang tangi ko lang alam ay napakayaman niya nga dahil nagtrabaho si lolo sa kanya dati noon bago magkaroon ng sariling pamilya si lolo at lumipat dito sa probinsya.

Ilang oras na ang lumipas mula ng umandar ang bus na sinasakyan ko pero ang katabi ko natutulog pa rin. Minsan humihilik pa siya. Mabuti na 'yun dahil hindi ko alam kung papaano ako hihingi ng sorry nang dahil sa nangyari. Napansin ko rin kasi 'yung sugat sa may bandang pisngi niya. May maliit na gasgas na halatang dahil 'dun sa maleta kong tumama sa mukha niya. Nakaka-guilty tuloy dahil halatang makinis mukha niya tapos nasugatan ko lang. Siya rin naman kasi ang may kasalanan. Bakit kasi hindi siya umiwas. Wala akong magandang tanawin na nakikita sa dinadaanan ng bus. Tanging mga puno lang. Ang mga mata ko tuloy muli na namang napabaling sa katabi kong tulog. Pinagmasdan ko ang ayos ni kuya. Halatang mamahalin ang suot niyang damit. Tapos 'yung relo niya magara rin. Sa probinsya rin ba siya galing? Mukhang mayaman siya pero bakit nag bus lang siya? Ano bang pakialam ko? Ba't pati siya pinoproblema ko? Hay, ewan. Nagugutom lang talaga ako kaya pati 'tong natutulog pinagti-tripan ko na. Inilabas ko ang suman na nasa bayong ko saka tahimik nalang kumain. Habang kumakain ako itinuon ko nalang ang pansin ko sa may flat screen na TV rito sa bus. Isang wedding scene sa isang movie ang pinapalabas. Napatigil ako sa pagkain ko at tinutukan ko ang palabas. Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili ko na umiiyak sa wedding vows nung lalaking bida. Kapag talaga wedding scene ang pinapanood ko hindi ko mapigilan na hind imaging madrama. Pangarap ko rin kasing ikasal tapos imbis na ako ang iiyak 'yung future husband ko dapat. Todo pigil ako sa pag-iyak dahil wala naman akong pamunas. Pero masyadong matitigas ang ulo ng mga luha ko, teka may ulo ba sila?, pero basta nagsilabasan kasi sila. Napapahikbi tuloy ako habang nanonood. "Miss, oh. Mukhang wala kang pamunas, e." Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong gising na si kuyang natutulog. Nakatanggal na rin ang suot niyang shades. Titig na titig siya sa akin na may bahid ng pag-aalala 'yung mga mata niyang kulay brown. Teka, ba't siya nag-aalala. Close ba kami? Sa pagkakatanda ko ngayon palang kami nagkaita, ah. Hindi nga namin kilala ang isa't isa. Napatitig ako sandali sa kanya at na-realized kong mukha siyang artista. Jusko. Muntik na akong mag fangirl sa kanya pero buti nalang napigilan ko ang sarili ko. Naalala ko kasing 'di nga pala kami close. lol "Hindi ko kailangan 'yan, kuya. Kaya ko sarili ko." pag tanggi ko sa panyo niya. "Ahh, okay. Chill. H'wag kang masungit." sabi niya saka umayos ng upo "Sana lang din marunong kang mag sorry sa pagbagsak ng maleta sa mukha ko. Ang sakit kaya." Napahawak pa siya sa mukha niya saka habang nakangiwi na halatang nasaktan. Nagulat ako, "Gising ka pala 'nung nabagsakan kita ng maleta sa mukha?" napatakip

"Ano ba 'yan? Masarap ba? Mukhang enjoy na enjoy ka sa pagkain, e." "Syempre naman, 'noh. Masarap 'to." sabi ko saka kumuha ng isang suman sa loob ng bayong "Oh, ayan. 3 pa ibinigay ko sa'yo. Para-" "Para I love you?" "Lah, si kuya, joker. Tatlong suman para 'sorry na po' ang meaning. I love you ka diyan. Ay, close." Parehas kaming natawa sa sinabi ko. Kinuha naman niya 'yung suman saka inamoy-amoy. "Walang lason 'yan. Kung makaamoy akala mo lalasunin." "Inaamoy ko lang kung mabango." "Ay, teka. May cologne ako rito. Gusto mo pala 'yung mabango, e. Pabanguhan muna natin." "Grabe ka. Lahat nalang ng sinasabi ko binabara mo. Haha." binuksan niya 'yung suman saka kumagat. Dahan-dahan niya pa itong nginuya "Uhm, sarap, ah. Sana pala bumili ako ng ganito kanina." "Eh, ano bang ginawa mo sa probinsya?" "Work," lumunok siya saka muling nagsalita "Hindi na nga ako nagdala ng sasakyan dahil nakakapagod magbyahe." "Hindi ko naman tinatanong." sagot ko saka kumagat sa suman na hawak ko. Natawa lang siya, "Sinasabi ko lang. Haha." pagpatuloy niya "Ikaw, saan punta mo?" "Sa maynila. Work din." "Hindi ko naman tinatanong," pag gaya niya sa akin kaya bigla akong napatingin sa kanya "Joke lang. Hehe." "Kyot mo, kuya." napairap ako saka napangiti rin. Nakaka-enjoy din pala 'tong kausap si kuya, e. Hindi ako na-bored sa matagal na byahe ko papuntang maynila. Bukod kasi sa nag e-

enjoy akong kausapin si kuya nag eenjoy din akong bara-barahin siya. Kahit ngayon palang kami nagkakilala halatang mabait siya. Kasi kung 'di siya mabait edi sana kanina pa niya ako binigwasan dahil sa paulit-ulit kong pambabara sa kanya. lol. Nag kwentuhan lang kaming dalawa ni kuya habang kumakain ng suman. Sinasamantala niya ang pag ku-kwento ko kaya napapadami na siya ng kain. Ayos lang naman sa akin dahil madami akong ginawang suman na pasalubong ko kila lolo Andres. Sabi ko nga kay kuya bibigyan ko siya ng extra suman bago kami makarating ng maynila. "Ano bang pangalan mo? Kanina ka pa kuya ng kuya sa akin, e. 22 lang kaya ako." "20 lang ako, kuya." "Naka-kuya ka na naman." "Ay, bakit? Gusto mo ba ate? Hindi mo naman sinabing bading ka." Napalakas ang tawa niya kaya nagtinginan ang ibang mga pasahero sa amin, "Ikaw kasi patawa ka ng patawa. Ayan tuloy, pinagtinginan tayo." "Hala! Ikaw lang kaya pinagtinginan. Dinamay mo pako." "Pero seryoso. Ano nga pangalan mo? I'm Jonas by the way." "Ayoko sabihin pangalan ko sa'yo." "Bakit naman?" nagtataka niyang tanong. "Hindi pa naman kita ganung kilala, 'no. Ganyan ba talaga kayong mga taga-maynila? Masyadong mabibilis? Kapag nalaman mo na ang pangalan ko anong sunod mong itatanong? Address ko? Tapos number ko? Tapos itetext mo ako? Bobolahin, paasahin, tapos sasaktan? No, thanks, kuya. Hindi ko sasabihin pangalan ko sa'yo." Napatitig siya sa akin ng sandali saka muli siyang napabulalas ng tawa. Napahawak pa siya sa tiyan niya at halatang laughtrip sa sinabi ko. Ano kayang nakakatawa 'dun? Mukhang shunga si kuya. Ang ending, nakarating kaming dalawa sa maynila na hindi ko sinasabi pangalan ko sa kanya. Mahirap na, 'no. Mahirap ng masaktan. Saan ba nagmumula ang sakit na 'yan? Hindi ba kapag natanungan ng pangalan. Lols. Umiiwas lang ako sa sakit. Hindi pa ako ready masaktan kahit na medyo cutie-pie si kuya na ang pangalan ay Jonas.

Sorry na, lolo ko. Hindi ako haharot dito sa manila. Trabaho ang ipinunta ko rito at hindi landi. Hehe. ================= Chapter 1 THAT PROMDI GIRL Written by owwSIC Chapter 1. Ilang minuto na ang nakakalipas simula ng maghiwalay kaming dalawa ni Jonas at sumakay ako rito sa taxi pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko. Ajuju, lantod. Hindi kasi. Natatawa lang ako sa naging mga usapan namin kanina. Para kasing ang tagal-tagal na namin magkakilala. Parang ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. Siguro magkaibigan ang mga libag naming dalawa noong past life namin, 'no? Oh, baka naman friends ang mga balikat't batok namin noong unang panahon? Sigurado rin akong hindi basta-basta tao si Jonas. Isa siyang sayans. Like ni Goku and Vegeta. Charot. Alam kong mayaman 'yung lalaki na 'yun at napaka-low profile lang kaya kaya niyang makihalubilo sa mga poor people sa paligid niya like me. Habang nag-uusap kasi kaming dalawa kanina nag-e-english siya na halatang natural lang sa kanya. Hindi tulad ko na kapag nag e-english 'e one word na nga lang mali- mali pa. Common since. Tse. Common genes pala 'yun. Akala ko common since. Perpeksyonis. Ano nga ulit sabi ni Jonas, 'dun? Hindi ko na maalala. Basta parehas lang ng pagbigkas, e. Parang pinaarte niya lang. So, anyway. Nakakaloka pala talaga rito sa maynila. Ang laki-laki pala talaga ng syudad na 'to. Hindi gaya sa probinsya namin na ilang kembot lang nasa bayan ka na tapos kembot ka ulit nasa may plaza ka naman. Tapos isa pang kembot kaharap mo na 'yung mga plastic mong kapitbahay at nakikipag-plastikan kana. Eh, dito ilang minuto na akong nakaupo sa taxi ni manong driver pero 'di pa rin kami dumarating sa paroroonan ko. Mukhang may forever talaga. Forever matagal ang byahe.

Ibinaling ko ang tingin ko sa may bintana. Hindi ko maiwasang hindi humanga sa mga matataas na building na nakikita ko. Ito pala talaga ang sinasabi nilang syudad. Grabe. Ang ganda pala talaga. Sana buhay pa si lolo para sabay namin nakikita ang ganda ng manila. Si lolo naman kasi, e. Masyadong excited pumunta sa kabilang buhay. Nag meet and greet na kaya sila nila Itay and Inay 'dun? Sana may i-send silang picture sa akin with caption na "Anak, sunod na you. Asap." "Aha! Alam ko na!" sabi ko sa sarili ko nang may naisip ako. Binuksan ko 'yung isang maleta at kinuha 'yung malaking picture frame ni lolo. Sa loob ng isang linggong pagkawala ni lolo itong picture frame nalang niya ang madalas kong kinakausap. Kinakausap ko ito na parang buhay na buhay pa siya. "Lolo, tignan mo 'yung building na 'yun, oh. Sobrang taas!" pagtuturo ko 'dun sa nadaanan naming mataas na building na ang daming bintana "Kapag kaya nasa tuktok tayo niyan, lolo, tapos itinulak kita, mabubuhay ka pa kaya?" bigla akong napasimangot "Hindi na natin masusubukan kasi wala ka na. Nakakalungkot talaga, lolo." Ibinalik ko na sa maleta ko 'yung picture frame ni lolo nang pumasok ang taxi sa isang napakalaking gate. Huminto muna ito nang humarang ang dalawang security guard na may dalang mahahabang baril. Parang sa mga pelikula lang na napapanood ko. May ganito rin pala sa totoong buhay. Muling umandar ang taxi pagtapos makipagplastikan-este makipagngitian ni manong driver sa mga security guard. Ilang sandali pa tumigil na 'yung taxi sa isang napakalaking gate na kulay itim. Sumilip muna ako sa may bintana para makita ko 'yung nakasulat sa may gate. "Falcon Residence," pagbabasa ko saka itinuon ang pansin kay manong "Manong, sigurado ka? Dito na 'yun?" Sumulyap siya sa akin, "Ano bang sabi sa papel? 'Di ba, falcon residence, Aviana Subdivision?" Binasa ko ulit 'yung nasa papel at tama nga si Manong. "Ah, oo nga, 'no. Magkano pala babayaran ko?" "Isang libo nalang, miss." Nagulantang ako, "ANO? Isang libo? Ano 'yang krudo niyo, ginto? Ginto ba nilalabas na usok ng taxi niyo?"

"Miss, alam ko 'yang ganyang ngiti. Kulang, 'no?" Tumango ako, "Oo, e. Hindi ko naman alam na mahal pala mag taxi rito sa Maynila." "Tsk. Osya, ayos na 'yan. Sa susunod 'wag kana magta-taxi, ah. Lakarin mo nalang." "Salamat, Manong!" sabi ko saka binigay sa kanya ang walong daan "Eto po suman. Masarap 'yan!" inabutan ko siya ng dalawang suman at tinanggap naman niya. Lumabas na ako ng taxi ni manong habang buhat-buhat na naman ang dalawang maleta ko at isang bayong. Kung napanganga ako sa mataas na gusaling nadadaanan namin kanina mas lalo akong napanganga nang dahil sa gate na nasa harapan ko. Kulay itim ito na halatang gawa sa isang mamahaling bakal. Tapos 'yung Falcon Residence na nakasulat kulay ginto ito. Mukhang hindi lang mayaman si Lolo Andres kundi super duper extra mega yaman na tao pa. May nakita akong pindutan na may camera sa gilid. Pinindot ko ito. "Good Day! This is falcon Residence. How may I help you?" pagsasalita 'nung camera. Taray. Talking camera. "Hello, camera! Ako si Althea Josefa Marinduque. Pinapunta ako ni Lolo Andres dito." Kumaway-kaway pa ako sa camera "Ikaw, Camera. May pangalan ka ba? What's name is your?" Teka? Tama ba 'yung tanong ko? "Este, what your is name?" Muli akong napaisip. Parang mali 'yung tanong ko. "What is your camera name?" mahina ko ng tanong sa sarili ko. Hindi pa rin sigurado kung tama ang nasambit kong katanungan. "Thank you, Ms. Marinduque. Falcon's gate is now about to open." sagot sa akin nung talking camera tapos walang ano anu'y biglang bumukas ang malaking gate. "WOW!" napahanga na naman ako dahil sa nakita ko. Otomatiko kasing bumukas 'yung gate nila. Pumasok na ako sa loob at agad inilibot ang mga mata ko. Ang daming puno sa paligid na halatang maiging inaalagaan ng kung sino. Sa bandang kaliwa may flower garden na may iba't ibang kulay ng bulaklak na nakatanim. May bahay kubo rin 'dun na kulay pink ang pintura. Kay Lolo Andres kaya 'yun? Nagpatuloy naman ako sa paglalakad at nakita ko ang limang kotse na naka-park sa isang napakalaking bahay. JUSKO. Lord, totoo bang bahay 'to? Parang malacanang palace na 'tong nasa harapan ko sa laki, e. 'Yung mga kotse pang nakikita ko sa harapan ang gaganda.

Pangmayayaman talaga. Sa maynila lang talaga ako makakakita ng ganito dahil walang mga ganito sa probinsya. Ang sa probinsya kasi pagandahan lamang ng tricycle, e. Napatingin ako sa may gawing kanan ko. May malaking swimming pool 'dun tapos sa tabi nito isang fountain na may dalawang angels na naglalabas ng tubig mula sa bibig. Angels ba 'yun o tilapia? "Magandang Araw, Ms. Marinduque." Napalingon ako sa likuran ko nang may magsalita. Pag tingin ko may isang lalaking nakasuot ng parang pang-business ang sumulpot. Nasa katandaan na siya. May suot din siyang salamin. May kasama siyang dalawang lalaki na nakasuot ng puting polo. "Magandang Araw din po." sagot ko. Ngumiti siya sa akin, "Get her luggages." Biglang kinuha nung dalawang lalaki 'yung dala kong maleta. Muntik pa silang mag- agawan. "Kayo po ba si Lolo Andres?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pa kasi talaga nakikita si Lolo Andres. Tanging sa telepono ko lamang siya nakausap nakaraan. Umiling ito, "Hindi. Ako si Fernando-ang kanang kamay ni Lord Andres. Napagutusan akong asikasuhin ka kapag dumating kana rito. This way, Ms. Marinduque. Sundan niyo po ako." Nauna na siyang naglakad kaya sumunod ako. Pumasok kami sa loob ng malaking bahay at mas lalo akong humanga sa nakita kong mga kagamitan sa loob. Tanging puri puti lamang ang nakikita ko. Magmula sa upuan at sa mga naka-display sa bawat gilid ng bahay. May mga painting din sa may dingding ng kung anu-anong hindi ko ma-gets ang ibigsabihin. Istrak painting ata tawag sa mga ganon o imprak painting? Hindi ko matandaan, e. Ugh. Sakit sa ulo. Napahinto na lamang ako nang makita ko ang isang malaking family picture kung saan nakakita ako ng mga gwapo at napakagandang nilalang. May isang medyo matanda na, tapos parang mag-asawa 'yung dalawa at 'yung lima na lalaki naman ay mga anak nila. 'Yung isa bata pa na sobra kung makangiti sa larawan. Ang sarap-sarap tuloy kurutin ng pisngi nung bata dahil namumula ito at sobrang taba. Parang sioapo na asado. Rawr. Sarap kagatin 'nung pisngi. Ka-kyot ba!

habang may hawak-hawak na laruang kotse. "Ito ang bunsong anak nila sir Erwan. Siya si Christopher Llyod." Hinimas ni sir Fernando ang ulo ng bata na si Chris. Yumuko ako para maging magkasingtangkad na kami ni Chris, "Hello, Chris. Ako si Ate Althea. Ilang taon ka na?" nakangiti kong tanong sa kanya pero dinedma niya lang ako. Agad siyang nagtago at kumapit sa likuran ni sir Fernando. "Hindi siya nagsasalita." nakangiting sabi ni sir Fernando habang may awa na nakatingin kay Chris. "Limang taon na siya." "Pipi po siya?" Umiling si sir, "Hindi. Traumatized lang dahil sa trahedyang nangyare sa pamilya ilang b'wan na ang nakakalipas." "Ano pong trahedya?" Tumingin muna si sir kay Chris, "Llyod, punta ka muna sa playroom mo." sabi niya rito kaya agad tumakbo si Chris at nawala sa paningin ko. "Tara. Maglakad tayo papunta sa study room ni Lord Andres habang kinukwento ko sa'yo ang nangyari sa pamilya." Sumunod ako kay sir sa paglalakad. Palinga-linga ako sa paligid habang nakikinig sa kwento niya. "Anim na b'wan na ang nakalilipas mula nang mamatay si sir Erwan at ma'am Cynthia." napatigil ako sa paglalakad at napatakip ng bibig dahil sa sinabi niya. Nagpatuloy siya. "Papuntang Cebu sila sir at ma'am nun kasama si Erwin at si Chris para sana umattend ng branch opening ng kompanya. Pero isang trahedya ang nangyari." "Ano nga pong trahedya?" Naiinip pero kinakabahan kong tanong. "Lumubog ang sinasakyan nilang barko. Natagpuan nalang na wala ng buhay ang mag- asawa habang yakap-yakap nilang dalawa si Chris na hinang-hina na marahil dala ng pagod, uhaw, at gutom." Dalawang kamay na ang gamit ko sa pagtakip ng bibig ko. Feeling ko kasi ang baho ng hininga ko. JOKE. Pinipigilan ko ang sarili ko na hindi maiyak sa sinapit ng mag- asawa. "Kitang-kita ni Chris kung paano malagutan ng hininga ang Mama't Papa niya sa musmos na edad palang niya. Magmula noon, tumigil na siya sa pagsasalita. Ang sabi ng doctor niya mentally and emotionally traumatized daw si Chris. Magagamot pero walang kasiguraduhan kung kailan. Masyado pa raw kasing bata si Chris nang

maranasan niya ito kaya nahihirapan siyang kalimutan. Masyado niya itong dinamdam." "Eh, ano pong nangyari 'dun kay Erwin? 'Di ba po kasama siya?" Nalungkot ang mukha ni sir Fernando. Halatang nalulungkot siya dahil sa tanong ko. "Hindi pa nakikita ang katawan niya, e. Anim na b'wan na mahigit ang lumipas pero 'di pa rin nalalaman kung buhay ba siya o-" "Buhay pa po 'yun!" buong loob na sagot ko "Wala pa namang bangkay na nakikita kaya sigurado akong buhay pa 'yun!" "Sana nga. Sana nga." may bahid ng kalungkutan ang mga mata ni sir. "Hindi rin nawawalan ng pag-asa si Lord Andres na muling makitang buhay ang panganay niyang apo kaya 'di siya tumitigil sa pagpapahanap dito. Pero ang sabi-sabi ng mga naghahanap baka raw nakain na ng pating ang katawan ni Erwin kaya hindi na nakikita. Isa pa, ilang b'wan na rin mula nang mangyari 'yun. Kung buhay pa si Erwin, 'edi sana raw may nagbalita na." "Ano'ng karapatan nilang sabihin na patay na ang isang tao na hindi naman nila nakikita ang bangkay nito? Hay, naku, sir Fernando. Malakas ang kutob ko. Buhay pa si Erwin. Magpapakalbo ako kapag wala na nga talaga siya." Natawa si Sir Fernando, "Puno ng pagiging positibo ang katawan mo, Ms. Marinduque." "Althea nalang po. Hehe." Magsasalita pa sana si sir Fernando nang bigla kaming may marinig na sigaw mula sa hagdanan. Parehas kaming napatingin sa dumarating. Nakita ko 'yung kambal na naglalakad pero magkalayo ang pagitan. Parang may away na namamagitan sa kanila. "Sinabi ko sa'yong wag ko pupuntahan sa classroom ko, 'di ba? Ba't ba ang tigas- tigas ng ulo mo?" sigaw 'nung isa 'dun sa kambal niya. Hindi umimik ang isa kaya nagpatuloy sa paglalakad 'yung sumigaw. "Klyde si-" napatigil si sir Fernando sa pagsasalita dahil nilampasan lang kami nung isa sa kambal na may pangalang Klyde. Snob 'yung Klyde sa personal. Famous ba siya sa school nila? 'Yung isa naman huminto sa harapan namin ni sir Fernando na matipid na nakangiti. "Klode, ito si Althea."

"Iha! Finally, andito ka na rin. Kumusta ang byahe mo?" Naiilang akong sumagot, "Ayos lang po, Lolo Andres. Marami po palang salamat 'dun sa tulong na ipinadala niyo. Babayaran ko po kayo agad sa unang sweldo ko." "Do not mention it. Wala iyun." tumingin siya kay sir Fernando "Ferds, call Elton. Pakisabi pumunta rito sa study room." tumango si sir Fernando saka lumabas na ng kwarto. "Let's take a seat, iha. Gusto mo ba ng inumin? Nagugutom ka ba? Magpapahanda ako." Umupo muna ako bago sumagot, "Ayos lang po ako, Lolo. May gusto lang po akong itanong." "What's it, iha?" "Ano pong magiging trabaho ko rito? Magiging yaya po ba ako ni Chris?" Nagulat siya, "Yaya? Where did you get that idea?" natawa siya "No. Hindi kita pag ta-trabahuhin." "Eh, ano po pala? Sabi niyo po may trabaho kayong ibibigay sa akin?" nagtataka kong tanong. "Hindi lang tayo nagkaintindihan ng maayos sa telepono." sagot niya saka biglang bumukas ang pintuan. May isang lalaking naka-suot ng boxer short ang pumasok. Muntik akong mapanganga nang makita ko kung gaano kaganda ang katawan ng lalaking ito. May abs siya. Halos maglaglag na ang boxer short niya dahil nakikita na 'yung line paibaba sa tutot niya. Napatingin ako sa mukha niya. Nakasimangot ito. Pero hindi 'yun ang nakaagaw ng atensyon ko. Ang umagaw ng atensyon ko 'yung kulay ng buhok niya. Kulay blonde ito. Nagmukha siyang si San Goku. 'Yung super sayans mode. JOKE. Nagmukha siyang foreigner. Akala ko foreigner niya pero hindi pala nang maalala ko 'yung mukha niya. Siya si Elton. 'Yung pangalawang anak nila sir at ma'am Cynthia na mukhang pinaglihi sa sama ng loob. "Elton, apo. Dumating na si Althea." magiliw na sabi ni Lolo Andres dito. Nasa may pintuan lang si Elton habang bored na bored na nakatingin sa akin at halatang walang pakialam sa pag dating ko at kung sino ako. Tumingin si Lolo Andres sa akin, "Iha, siya si Elton." pagpapakilala niya kay boy super sayans na masungit.

"Hello." Pagsasalita ko. Naiilang na kumaway pa ako kay Elton na ang sama-sama ng tingin sa akin. "Hi." walang gana niyang sagot saka lumabas na ng study room at padabog pang isinarado ang pintuan. So much hate naman si Kuya San Goku sa katawan. Parang ginagawa niyang hobby ang pag simangot. Sungit much talaga. Daig pa ako kapag may regla. Nakakaloka si kuya. "Ohh," ang tangi ko nalang nasabi. "Sorry for that, iha. Ayaw na ayaw lang talaga ni Elton na ginigising siya kapag natutulog siya." "Ah, sana hindi nalang siya gumising." "Ano 'yun, Althea?" "Ay, sabi ko po sana hindi na siya ginising pa. Mukhang wala sa mood." Natawa si Lolo Andres, "Hayaan mo siya. Mamaya nasa mood na 'yun." "Ah, okay po." tumango-tango ako. "So, what do you think of him?" "Kanino po? Kay sir Fernando po ba?" Muli na namang natawa ang matanda, "No, iha. Kay Elton." "Ahh," napaisip ako "He's pogi po. Tapos maganda ang katawan. Mukha siyang bold star na San Goku version." Bumulalas ng tawa si Lolo Andres, "Haha. Grabe ka, iha. Bold star talaga?" "Porn star?" "Hahaha. Laughtrip ka, Althea." "Naman!" proud kong sagot.