

Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
second semester first year, assignment
Typology: Assignments
1 / 2
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
Bb. Lyka Mae Jones C. Pajaron BSN1- 1 PH LIT 1 #620 7 Talumpati 04 / 02 / 24 “Pagpapatupad Ng Same-Sex Marriage Sa Pilipinas” Magandang Hapon sa inyong lahat! Narito sa inyong harapan ngayon upang ibahagi ang talumpati ko patungkol sa isang malaking isyu na patuloy na pinag-uusapan sa ating Lipunan. Ang Same-Sex Marriage ay ang pagpapakasal ng dalawang tao na may kaparihong kasarian o sa madaling salita ay ang pagpapakasal ng babae sa babae, at lalaki sa lalaki. Ito ay napalaganap na sa iba’t ibang bansa gaya ng Amerika, France, Canada, at Mexico. Alam kong napaisip kayo kung sa ating bansa ba ay legal ang ganitong paraan. Para sa inyong kaalaman ang same-sex marriage ay isang mainit na isyu sa ating bansa dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin pabor o legal ang Pilipinas sa same sex-marriage. Dahil sa kaisa-isang kadadahilanan ang pagiging relihiyoso ng bawat Pilipino. Ang Pilipinas ay isang Kristiyanismo. Bilang, isang Kristiyano, sagrado ang tingin natin sa kasal at ang mga salita ng Diyos ay isang napakabanal sa ating nga Pilipino. Ngunit hindi ko mawari na may iilan sa atin na tinuring “Malas, salot at kasalanan ang magmamahal ng kaparihong kasarian”. May iba ding nagsasabi na ang pagiging homosexual daw ay isang sakit o disorder na nakakahawa. Kadalasan nga sa mga taong parte ng LGBTQIA+ ay mga propesyonal, matagumpay na sa kanilang pamumuhay at maging ang iba ay mga mahuhusay na artista. Kaya’t wala tayong karapatang husgaan kung ano man ang nais nilang gawin sa kanilang mga buhay dahil kailaman man hindi naging kasalanan ang pagmahal ng kaparihong kasarian. Kung tutuusin nga mas makasalanan pa ang pagpaparatang sa kanila ng mga masasakit na salita at paninira ng ibang tao sa kanila dahil lang nagkakagusto sila sa kaparihong kasarian.
Lahat naman ng tao ay may pantay-pantay na karapatan, may kalayaang magmahal kaya’t ano namang ipinagkaiba ng mga taong parte ng LGBTQIA+ sa karaniwang tao diba? Kami ay mga tao din na nilikha ng Panginoong Diyos, kagaya niyo kami rin ay nasasaktan at marunong magmahal, kaya’t anong ikakasakit namin sa inyo kung pipiliin naming magpakasal at magmahal ng parihong kasarian. Hindi naman namin hinahangad na maganap ang same-sex marriage sa simbahan kung pagbabasihan ito sa relihiyon. Kundi nais lamang namin maipakasal na sibil. Dahil gaya niyo, gusto rin naming ipagmalaki sa lahat ng tao o sa buong mundo ang taong minamahal namin, gusto rin namin maranasan na legal na masabi na itong tao ay asawa ko at kami ay kasado. Sa panahon ngayon, nakakalimutan na nating maging makatao dahil iniisip na lamang natin ang sarili nating interes at paniniwala kaya’t minsan ay nakakasakit na tayo sa ibang. Kaya’t ang tanging paraan lamang ay hayaan na natin ang bawa’t isa na magkaroon ng pantay-pantay na karapatan. Kailangan magpatuloy, at tanggapin ng karamihan ang modernong pamamaraan dahil sa panahon ngayon ang tao ay hindi lamang pumapaikot sa straight man and straight woman. Na mayroong LGBTQIA+ ang umiiral sa mundong ibabaw. Mamuhay tayo ng tiwasay, maligaya at punong-puno ng pagmamahal, mapababae man o lalaki, mapatomboy man o bakla dahil hindi kailanman naging masama ang magmahal ng sobra ng buong buo at gawing mundo sa taong mahal mo. Laging tandaan “Ang pagmamahal ay walang kinikilalang kasarian”.