Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Spoken Poetry that describe's Filipino culture, Essays (university) of Culture & Society

This spoken poetry describes oh how Filipino's culture is. And also gives a hint on how they lived.

Typology: Essays (university)

2022/2023

Available from 12/28/2023

Engr.Raffy
Engr.Raffy 🇵🇭

2 documents

1 / 4

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
BAYAN/NI/JUAN
Kaliwa, kanan, sa harap o likuran man,
Ilang minuto, iaalay sa amin nang inyong mapakinggan,
Isang kathang inilimbag na kailangan ninyong malaman,
Ako, ikaw, sila, tayo, halina’t mayroon tayong dapat pag-usapan.
Ano man ang iyong kulay, dilaw, pula o mapa rosas man,
Kailangan ipagsawalang bahala, sapagkat nakasalalay ay bayan,
Walang mahirap, mayaman, kapag ito na ang usapan,
Kapalaran ng ating inang bayan, ano nga ba ang patutunguhan?
Juan, oo ikaw, alam kong sa iyong mga ugat, patuloy pa rin itong dumadaloy
Sapagkat ito’y nakatatak na sa puso ng bawat Pinoy,
Ngunit di ko mawari, parang ito ay hindi nagpatuloy,
Tayo ba ay naliligaw na tila mga palaboy?
Hindi naman bago sa ating kaisipan, na ang bayan natin ay nakalugmok,
Kahirapan, gutom, krisis, pandemya, parang mga bumabaon na suntok,
Ngunit ikaw ba Juan ay may magandang solusyon upang mabigyan ito ng tuldok?
O ikaw ba ay walang kibo na tila isang itlog na bugok?
Juan, ang bayan mo ay nag-iisa lamang,
Ito ang kumupkop sayo nang ika’y isinilang,
Ngunit tanong ko ay, “Bakit ka nagpalinlang?”
Ang diwa mo ba ay pinasukan ng kalawang?
Juan, tignan mo ang Pilipinas, tinutupok na ng apoy,
Subalit, bakit naka-upo ka lamang na wari’y buto ng kasoy?
Bakit Juan sariling kapwa mo ay iyong itinataboy?
Hindi ba’t bayahinan ang sagot upang magpatuloy?
pf3
pf4

Partial preview of the text

Download Spoken Poetry that describe's Filipino culture and more Essays (university) Culture & Society in PDF only on Docsity!

Kaliwa, kanan, sa harap o likuran man, Ilang minuto, iaalay sa amin nang inyong mapakinggan, Isang kathang inilimbag na kailangan ninyong malaman, Ako, ikaw, sila, tayo, halina’t mayroon tayong dapat pag-usapan. Ano man ang iyong kulay, dilaw, pula o mapa rosas man, Kailangan ipagsawalang bahala, sapagkat nakasalalay ay bayan, Walang mahirap, mayaman, kapag ito na ang usapan, Kapalaran ng ating inang bayan, ano nga ba ang patutunguhan? Juan, oo ikaw, alam kong sa iyong mga ugat, patuloy pa rin itong dumadaloy Sapagkat ito’y nakatatak na sa puso ng bawat Pinoy, Ngunit di ko mawari, parang ito ay hindi nagpatuloy, Tayo ba ay naliligaw na tila mga palaboy? Hindi naman bago sa ating kaisipan, na ang bayan natin ay nakalugmok, Kahirapan, gutom, krisis, pandemya, parang mga bumabaon na suntok, Ngunit ikaw ba Juan ay may magandang solusyon upang mabigyan ito ng tuldok? O ikaw ba ay walang kibo na tila isang itlog na bugok? Juan, ang bayan mo ay nag-iisa lamang, Ito ang kumupkop sayo nang ika’y isinilang, Ngunit tanong ko ay, “Bakit ka nagpalinlang?” Ang diwa mo ba ay pinasukan ng kalawang? Juan, tignan mo ang Pilipinas, tinutupok na ng apoy, Subalit, bakit naka-upo ka lamang na wari’y buto ng kasoy? Bakit Juan sariling kapwa mo ay iyong itinataboy? Hindi ba’t bayahinan ang sagot upang magpatuloy?

Oh Pilipinas, si Juan ay patawarin mo, Oh kapwa ko pilipino ako ay nagsusumamo, Ako ay kumakatok sa kasuluksulukan ng iyong puso, Magkaisa tayo upang tagumpay ng bayan ay ating matamo. Pandemya, kahirapan at kagutuman, Trahedya, krisis at kasakitan, Paano nga ba natin ito matutuldukan? Imbis na magtulungan, sina Juan ay naghihilaan. Ang mga mahihirap’t dukha na nasa laylayan, Patuloy na nag hihihrap at naaapakan, Ng mga mayayamn na nag-uunahan, Upang makamtan ang ninanais na kapangyarihan. Parang gusto ko na lamang bumalik sa nakaraan, Kung saan ang pilipinas ay nasa kamay ng mga dayuhan, Ako ay makiisa sa mga bayani nagtatag ng sandatahan, Inialay ang kanilang buhay para sa ating tahanan. Tahanan, na walang pagdadalawang isip na sinira mo, Oh Juan, Juan, bakit hindi natin tularan ang mga nagsakripisyo ng buhay para sa bayan, Bayang Sinilangan Na dati’s dumaranas ng kasaganahan Ngayon ay salat na sa kahirapan. Kung ako ay hihiling at ito ay mapagbigyan, Ito ay sana’y gumaling ang ating bayan, Sa pagtutulungan at pagkakaisa ng ating mga kababayan, Tanging nais ko lamang ay magkaroon ng bayahinan.

Halina’t muli nating gisingin ang bayanihan, Alam kong mayroong natatagong katapangan, Na wari’y tila isang tulog na halimaw sa iyong kaloob-looban, Na handang manakmal para sa bayan. Ako, ikaw, sila at tayo ay si Juan na handang ialay ang buhay, Para sa bayang walang sawang naghihintay, Upang tayong lahat ay maranasan ng sabay-sabay, Ang ninanais nating tagumpay, Tayo ay mga Pilipino, Katapangan ay nananalaytay sa ating dugo, Pagmamahalan ay nakaukit sa ating puso Bayahinan natin ang magiging daan sa panalo. Oh Juan, halina’t tayo ay magbayanihan.