Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Social Studies Curriculum guide, Study notes of Modern History

It is about the social studies curriculum and student's should learn while in their school and this lesson teach how teacher deliberate their knowledge to students

Typology: Study notes

2022/2023

Uploaded on 08/29/2023

jenica-rose-jarino
jenica-rose-jarino 🇵🇭

2 documents

1 / 32

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
Aralin 1 – Kinalalagyan ng
Pilipinas at Paglaganap ng Malayang
Kaisipan sa Mundo
Ano ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa pag-
unawa sa antas ng ugnayan nito sa ibang bansa?
Paano nakatutulong o nagiging balakid ang ating lokasyon
sa mga isyung pandaigdig na kinasasangkutan ng ating
bansa?
Batayang Heograpiya
Tiyak at Relatibong Lokasyon
Sa pamamagitan ng globo o mapa maaring mabatid ang
tiyak (absolute) at relatibong lokasyon ng bansa.
Ang globo at mapa ay representasyon ng mundo at ng
iba’t ibang kontinente o bansang bumubuo
nito.Mahalagang tandaan na sa paggamit ng mga nasabing
instrument, kailangang isaalang -alang din ang paghahati
rito sa pagitan ng Northern Hemisphere at Southern
Hemisphere. Samantala , ang mga grid ay mga likhang-isip
na guhit sa globo o mapa na tumutukoy sa lokasyon.Ang
bawat guhit ay may bilang o digri na ginagamit na panukat
ng layo ng isang lugar.
Parallel o latitud ang tawag sa guhit na nagmumula sa
hilaga patungong timog. Isang halimbawa nito ay ang
ekwador, ito ang tawag sa guhit n humahati sa mundo sa
Northern Hemisphere at Southern Hemisphere.
Matatagpuan ang ekwador sa digring zero ( 0° ) .
Samakatuwid , ang Northern Hemisphere ay bahagi ng
mundo sa pagitan ng North Pole at ng equator
samantalang ang Southeren Hemisphere naman ay ang
bahagi ng mundo sa pagitan ng South Pole at ng equator.
Matatagpuan sa Greenwich,Great Britain ang panimulang
guhit longitud na kung tawagin ay prime meridian, ito at
nasa O.Ang longitud o meridians ay ang angular na
distansiya ng isang lugar na nasa silangan o kanlurang
bahagi ng prime meridian. Samantalang , matatagpuan
naman ang katapat na guhit nito sa kalagitnaan ng Pacific
Ocean na tinatawag na International Date Line ( IDL) na
nasa 180°.Kinakailang ding isulat ang S sa silangan o K para
sa Kanluran pagkatapos ng digri longitude upang matiyak
ang direksiyon nito mula sa Prime Meridian.
Halimbawa: 23°S o 75° K
Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga grid sag lobo at
mapa. Mababatid ang absolute na lokasyon ng isang lugar.
Ang Pilipinas ay matatagouan sa pagitan ng 4° hanggang
21° H latitude at 116° hanggang 127 ° S Longitud.
Bukod sa tiyak na lokasyon, may iba pang paraan upang
matukoy ang relatibong lokasyon ng isang lugar.Ito ay sa
pamamagitan ng pagbibigay ng mga palatandaang
makikita sa paligid nito. Sa pagbibigay ng relatibong
lokasyon ng Pilipinas ay palatandaan ang mga bansang
malapit ditto.Halimbawa, malapit ito sa katimugan ng
Taiwan o di kaya naman ay nasa timog silangang bahagi ng
Tsina o nasa silangang bahagi ng mga bansang Vietnam
Laos o Cambodia.
Maaring ding gamitin ang mga anyong-tubigsa pagbibigay
ng relatibong lokasyon ng Pilipinas sapagkat ang bansa ay
napalilibutan ng mga dagat at karagatan.
Ang bansa ay nasa Timog at silangang bahagi ng West
Philippine Sea.Ang dulong timog na bahagi naman ng
bansa ay nappalibutan ng Celebes Sea at Sulu Sea.
ANG Teritoryo ng Plipinas
Maituturing ang Pilipinas bilang isang archipelago sapagkat
binubuo ito ng mahigit na 7,100 pulo kung saan tatlo sa
pangunahing kapuluan ay ang Luzon, Visayas, at
Mindano.May haba ang Pilipinas mula sa hilaga patungong
timog ng 1,840 kilometro at pulo ay napaplibutan at
napahihiwalay ng katubigan.
Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo 1:
“ Ang bansang teriroryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas,
kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatang
nkapaloob ditto at lahat ng iba pang mga teritoryo nasa
ganap na kapangyarihan o hurisdiksiyon ng Pilipinas, na
binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawid nito,
kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang
kailaliman ng lupa,ang mga kalapagang insular, at ang iba
pang mga pook submarina nito.Ang mga karagatang
nakapaligid, nkapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng
kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensiyon
ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng
Pilipinas.
BATAY SA KASAYSAYAN
Ang teritoryo ng Pilipianas
Ang kasunduan sa Paris ang unang dokumento
na nagtatakda at naglalalrawan ng hangganan at lawak ng
teritoryo ng Pilipinas.
Kasunduan sa Paris
Ang pamamahala sa teritoryo ng Pilipinas ay
inilipat ng Espanya sa Estados Unidos.Nilagdaan ng
Kasunduan noong Disyembre 10, 1898.
Kasunduan ng Espanya at Estados Unidos
Ang mga pulo ng Cagayan, Sulu, Subutu at ibang
maliliit na pulo na kabilang sa kapuluan ng Sulu na
nakaligtaan sa kasunduan sa Paris ay isinama sa teritoryo
ng Pilipinas.Ang kasunduan ay nilagdaan ng Washintong
noong 1900.
Kasunduan ng Estados Unidos at Britanya
Kinilala sa kasunduan na bahagi ng kapuluan ng
Pilipinas ang Turtle Islands ay Mangsee Islands na nasa
pagitan ng Borneo at Sulu. Nilagdaan ito noong Enero 2,
1930.
Ang konstitusyon ng 1935
Naging bahagi ng Pilipinas ang mga pulo ng
Batanes dahil sa paninirahan at pagmamay-ari ng mga
mamamayang Pilipino sa mga pulong ito.
Ang konstitusyon ng 1978 at 1987
Nakalahad ditto na ang pambansang teritoryo ng
Pilipinas ay binubuo ng kapuluan ng Pilipinas kasama ang
lahat ng mga puloat tubig na saklaw nito,ang mga tubig na
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a
pf1b
pf1c
pf1d
pf1e
pf1f
pf20

Partial preview of the text

Download Social Studies Curriculum guide and more Study notes Modern History in PDF only on Docsity!

Aralin 1 – Kinalalagyan ng

Pilipinas at Paglaganap ng Malayang

Kaisipan sa Mundo

Ano ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa pag- unawa sa antas ng ugnayan nito sa ibang bansa? Paano nakatutulong o nagiging balakid ang ating lokasyon sa mga isyung pandaigdig na kinasasangkutan ng ating bansa?

Batayang Heograpiya

Tiyak at Relatibong Lokasyon

Sa pamamagitan ng globo o mapa maaring mabatid ang tiyak (absolute) at relatibong lokasyon ng bansa. Ang globo at mapa ay representasyon ng mundo at ng iba’t ibang kontinente o bansang bumubuo nito.Mahalagang tandaan na sa paggamit ng mga nasabing instrument, kailangang isaalang -alang din ang paghahati rito sa pagitan ng Northern Hemisphere at Souther n Hemisphere. Samantala , ang mga grid ay mga likhang-isip na guhit sa globo o mapa na tumutukoy sa lokasyon.Ang bawat guhit ay may bilang o digri na ginagamit na panukat ng layo ng isang lugar. Parallel o latitud ang tawag sa guhit na nagmumula sa hilaga patungong timog. Isang halimbawa nito ay ang ekwador, ito ang tawag sa guhit n humahati sa mundo sa Northern Hemisphere at Southern Hemisphere. Matatagpuan ang ekwador sa digring zero ( 0° ). Samakatuwid , ang Northern Hemisphere ay bahagi ng mundo sa pagitan ng North Pole at ng equator samantalang ang Southeren Hemisphere naman ay ang bahagi ng mundo sa pagitan ng South Pole at ng equator. Matatagpuan sa Greenwich,Great Britain ang panimulang guhit longitud na kung tawagin ay prime meridian, ito at nasa O.Ang longitud o meridians ay ang angular na distansiya ng isang lugar na nasa silangan o kanlurang bahagi ng prime meridian. Samantalang , matatagpuan naman ang katapat na guhit nito sa kalagitnaan ng Pacific Ocean na tinatawag na International Date Line ( IDL) na nasa 180°.Kinakailang ding isulat ang S sa silangan o K para sa Kanluran pagkatapos ng digri longitude upang matiyak ang direksiyon nito mula sa Prime Meridian. Halimbawa: 23°S o 75° K Sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga grid sag lobo at mapa. Mababatid ang absolute na lokasyon ng isang lugar. Ang Pilipinas ay matatagouan sa pagitan ng 4° hanggang 21 ° H latitude at 116° hanggang 127 ° S Longitud. Bukod sa tiyak na lokasyon, may iba pang paraan upang matukoy ang relatibong lokasyon ng isang lugar.Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga palatandaang makikita sa paligid nito. Sa pagbibigay ng relatibong lokasyon ng Pilipinas ay palatandaan ang mga bansang malapit ditto.Halimbawa, malapit ito sa katimugan ng Taiwan o di kaya naman ay nasa timog silangang bahagi ng Tsina o nasa silangang bahagi ng mga bansang Vietnam Laos o Cambodia. Maaring ding gamitin ang mga anyong-tubigsa pagbibigay ng relatibong lokasyon ng Pilipinas sapagkat ang bansa ay napalilibutan ng mga dagat at karagatan. Ang bansa ay nasa Timog at silangang bahagi ng West Philippine Sea.Ang dulong timog na bahagi naman ng bansa ay nappalibutan ng Celebes Sea at Sulu Sea.

ANG Teritoryo ng Plipinas

Maituturing ang Pilipinas bilang isang archipelago sapagkat binubuo ito ng mahigit na 7,100 pulo kung saan tatlo sa pangunahing kapuluan ay ang Luzon, Visayas, at Mindano.May haba ang Pilipinas mula sa hilaga patungong timog ng 1,840 kilometro at pulo ay napaplibutan at napahihiwalay ng katubigan. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo 1: “ Ang bansang teriroryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatang nkapaloob ditto at lahat ng iba pang mga teritoryo nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksiyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawid nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa,ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito.Ang mga karagatang nakapaligid, nkapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensiyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas. BATAY SA KASAYSAYAN Ang teritoryo ng Pilipianas Ang kasunduan sa Paris ang unang dokumento na nagtatakda at naglalalrawan ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas. Kasunduan sa Paris Ang pamamahala sa teritoryo ng Pilipinas ay inilipat ng Espanya sa Estados Unidos.Nilagdaan ng Kasunduan noong Disyembre 10, 1898. Kasunduan ng Espanya at Estados Unidos Ang mga pulo ng Cagayan, Sulu, Subutu at ibang maliliit na pulo na kabilang sa kapuluan ng Sulu na nakaligtaan sa kasunduan sa Paris ay isinama sa teritoryo ng Pilipinas.Ang kasunduan ay nilagdaan ng Washintong noong 1900. Kasunduan ng Estados Unidos at Britanya Kinilala sa kasunduan na bahagi ng kapuluan ng Pilipinas ang Turtle Islands ay Mangsee Islands na nasa pagitan ng Borneo at Sulu. Nilagdaan ito noong Enero 2,

Ang konstitusyon ng 1935 Naging bahagi ng Pilipinas ang mga pulo ng Batanes dahil sa paninirahan at pagmamay-ari ng mga mamamayang Pilipino sa mga pulong ito. Ang konstitusyon ng 1978 at 1987 Nakalahad ditto na ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluan ng Pilipinas kasama ang lahat ng mga puloat tubig na saklaw nito,ang mga tubig na

nakapaligid sa pagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan maging anuman ang lapad at laki ng mga ito. AYON SA UNITED NATIONS CONVENTIONS ON THE LAW OF THE SEA O UNCLOS.Ang kasunduang pinirmahan ng 130 bansa sa Jamaica noong Disyembre 10, 1982

1. Pagkilala sa Doktrinang Pangkapuluan o ay **Archipelagic Doctrine

  1. Ang teritoryo ng tubig ay hanggang 23 milyang sa** **palibot ng kapuluan
  2. 3.Ang Ekslusibong Sonang Pang-ekonomiya o** Exclusive Economic Zone (EEZ ) 200 milyang lawak ng karagatan sa palibot ng kapuluan. Aralain 2 – Kinalalagyan ng Pilipinas at Paglaganap ng Malayang Kaisipan sa Mundo Paano binago ang P{ilipinas ng pagbubukas ng mga daungan nito sa pandaigdigang kalakalan? Anu-ano ang naidulot ng mga ito na nakabuti at nakasama sa ekonomiya at sa lipunan. Hindi bago sa mga Pilipino ang konsepto ng pandaigdigang kalakalan bunga na rin ng kalakalang Galyon at ng direktang pakikipagkalakalan sa Espanya sa pamamagitan ng barkong Buen Consejo. Buen Consejo – ang kauna-unahang barko na naging bahagi ng tuwirang kalakalan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas na nagsimula noong 1765. Ang Real Compañia de Filipinas at Sociedad Economica delos Amigos del Pias ang kakayahang pang ekonomiya ng mga Pilipino. Ang Real Compania de Filipinas ay itinatag noong marso 10, 1785 upang pangunahan ang pagtatatag ng relasyong komersiyal hindi lamang sa pagitan ng Espanya at mga kolonyal nito kundi maging sa pagitan ng mga kolonya mismo. Ang Sociedad Economica de los Amigos del Pias naman ang nagpapaptupad ng mga repormang agrikultura sa bansa upamg mapaunlad ito. Ito ang naging daan upang pagtuonan ng pansin ng mga tao ang agrikultura at naitaguyod ito nang hindi lubusang umaasa sa pamahalaan. Noong 1834 pormal ba binuksan ang mga daungan ng Pilipinas para sa pandaigdigang kalakalan.Naging saksi ang mga Pilipino sa malaking pagbabago hindi lamang sa ekonomiya kundi maging sa lipunan.

Mga Pandaigdigang Pangyayari Tungo sa

Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan

1.Pag-usbong ng Liberal na Ideya

  • Ito ang tinatawag na Panahon ng Kaliwanagan o Enlightenment.Ito ay nagsimula sa mga kaisipang iminungkahi ng mga Pilosopo. Umunlad ang kaisipang liberal mula sa Europa noong ika-8 siglo.Ang kaisipang ito ay nabalitaan ng mga Pilipino at naging mulat sila sa mga pang-aabuso ng mga Espanyol. 2. Ang Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan (1834)
    • Sa pagbubukas ng mga daungan para sa pandaigdigang kalakalan , umunlad ang ekonomiya ng bansa.Sa pag-unlad ng kabuhayan ng Pilipinas, marami ang yumaman at ang mgaa anak ng mga ito ay nakapag-aral .Nakapasok din ang liberal na ideya at mas maunlad na kaisipan.Lumaki ang pagnanansa ng mga Pilipino na maging Malaya at matamasa ang mga karapatan sa isang malayang bansa. Ang kaisipang ito na ikinagalit ng mga Espanyol ay tinawag nilang filibusterismo o subersibong kaisipan. 3. Ang pagbubukas ng Suez Canal (1869)
    • Nang mabuksan ang Suez Canal ng Egypt pra sa sasakyang dagat , naging maikli ang paglalakbay at napadali ang komunikasyon mula sa Maynila patungong Espanya.Naging madali at mabulis din ang pagpasok ng mga dayuhang may dala-dalang iba’t ibang ideya at kaisipang liberal na gumising at nagpamulat sa isipan ng mga Pilipino. 4.Pagbabago sa Antas sa Lipunan - Nanatiling pinakamatas na uri ang mga koloyalistang Espanyol.Sila ang mga tinawag na peninsulares at insulares. Ang mga Espanyol na ipinanganak sa Espanya ay tinatawag na mga peninsulares at ang mga insulares ang mga Espanyol na ipinanganak sa bansang kolonyal ng Espanya tulad ng Pilipinas.Ang sumunod na antas ay ang mestizo o anak ng mga Pilipino na nahaluan ng dugong Espanyol o Tsino. Ang mga mayayamang mamamayang Pilipino ay tinawag na principalia .Ang mga nakapag-aral na mga Pilipino ay naging kabilang din sa mga principalia ;sila ay tinawag ding ilustrado. Ang pinakamababang antas o uri ng katayuan sa lipunanay ang mga katutubong Pilipino.Sila ay tinawag na Indio. 5.Pagkakaroon ng Panggitnang Lipunan (Middle Class) na Nakapag-aral Ang mga Pilipinong nakaaangat sa lipunan ay nakapag- aral.Sila rin ay naglalakbay at nag-aral sa ibang bansa.Namulat sila sa kaisipang liberal at mapanatili na pamamalakad ng mga Espanyol sa ating bansa. Sila ay humiling ng pagbabago sa mga Espanyol. Dahil sa pagbukas ng pandaigdigang kalakalan noong 1834, ang mga mangangalakal n Ingles, Amerikano , at Tsino ay nagpasok ng malalaking kapital sa bansa. Dahil dito , naging masagana ang pamumuhay ng mga katutubo at sumulpot ang mga katutubo at sumulpot din ang panggitnang lipunan (middle class ) Pilipino. 6. Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863
    • Ipinag-utos ng Hari ng Espanya ang pagtatatag ng paaralang primarya para sa mga lalaki at babae sa bawat lalawigan noong 1863. Pen insu lare Insulares^ s Mestiso Principalia Indio
  1. Pagpapaunlad sa pagtuturo, agrikultura at komersiyo
  2. Pagsusuri at pagpapairal ng mga reporma ANG KATIPUNAN Pagtatag at Paglaganap ng Katipunan Itinuturing na ang katas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga anak ng Bayan (KKK ) o Katipunan, ang nagpasimula ng rebolusyong Pilipino noong 1896. Itinatag ito noong Hulyo 7, 1892 sa isang bahay sa may Kalye Azacarraga sa Tondo , Maynila.Naging mitsa ng pagkakatatag nito ang pagkakahuli at pagpapatapon kay Jose Rizal sa Dapitan.Nakita nilang hindi sapat ang mapayapang paghingi ng reporma bagkus kailangan nang gumamit ng puwersa upang makamit ang ganap na Kalayaan.Pinagtibay ang pagkakatatag nito sa pammagitan ng sanduguan , kung saan sarilng dugo ang ginamit sa paglagda ng kanilang mga pangalan. May tatlong baitang o antas ang mga kasapi ng Katipunan Nagsisimula ang isang kasapi bilang isang “katipon” hanggang maging “kawal “ at sa kalaunan ay “ bayani”Ang mga “katipon “ ay maaring maging “kawal” sa pamamagitan ng paghihikayat sa mas maraming tao upang maging kasapi ng kilusan. Samatala, ang isang “ kawal “ naman ay maaaring maging “ bayani” kapag naging opisyal na siya ng Katipunan.
  3. Katipon ang tawag sa mga unang kasapi.Itim ang kanilang panakip o talukbong na may trianggulong binubuo ng putting laso tuwing may pagpupulong.Baril o itak ang kanilang sandata at “ Anak ng Bayan” ang senyas (password)
  4. Kawal ang pangalawang baitang , isinusuot nila ang talukbong na kulay luntian at mayroon silang sintas sa baywang.Nakasabit sa kanilang leeg ang kuwintas o medalyon na may nakasulat na titik na K sa alpabetong Malay. Ang kanilang senyas ay “ Gom-Bur-Za”
  5. Bayani ang tawag sa nasa ikatlong baitang. Pulang talukbong at sintas sa baywang na may guhit na luntian o berde ang suot nila sa mga pagpupulong .Ang senyas nila ay “ Rizal”. Emilio Jacinto- ang itinuturing na “ Utak ng Katipunan” , ang “Kartilya “, Naging inspirasyon nito si Bonifacio kaya napagpasiyahan niya na gamitin ang “kartilya” bilang opisyal na aral ng Katipunan, bukod sa “Sampung Utos ng Mga Anak ng Bayan” na isinulat mismo ni Bonifacio. **MGA BABAE SA KATIPUNAN
  6. Gregoria de Jesus –** ang kabiyak ni Bonifacio na tinaguriang Lakambini ng Katipunan.Siya ang nagtago ng mga mahahalagang lihim na dokumento ng **Katipunan kung may pagpupulong.
  7. Melchora Aquino - “ Tandang Sora “** Upang makaiwas sa pagtugis ng mga Espanyol, nagtungo ang mga katipunero sa bahay ni Melchora Aquino.Kinalinga sila ng matanda ( 84 taong gulang).Sila ay kanyang pinakain at pinamalagi sa kanyang bahay.Ang mga sugatan ay kanyang ginamot. ANG SIMULA NG REBOLUSYONG PILIPINO NG 1896 Napag-alaman ng mga Espanyol ang planong pag-aalsa habang puspusan ang paghahanda ng mga katipunero sa ilulunsad na rebolusyon.Gabi ng ika-19 ng Agosto , 1896 nang isiniwalat ni Teodoro Patiño , isang katipunero, kay Padre Mariano Gil ang lihim ng Katipunan.Natuklasan ditto ang ilang polyeto at dokumento ng Katipunan.Hinuli at ikinulong sa Fort Santiago ang mga pinaghinalaang Pilipino na kasapi sa Katipunan. Sa pagtuklas sa Katipunan ay nagbunsod kay Bonifaciona tumawag ng pulong sa Balintawak ,Caloocan..Napagkasunduan nilang simulan ang pakikipaglaban sa mga Espanyol .Inilabas ni Bonifacio ang kanyang sedula at sinabiang “ Ilabas ang inyong sedula at pagpunit-pinutin upang ipakilalang naktalaga tayong maghimagsik” pagkatapos ay sabay sabay silang humiyaw ng : “ Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Katipunan !”. Ito ang tinawag na Sigaw sa Pugad Lawin na nangyari noong Agosto 23,1896. Ito ang hudyat ng rebolusyong Pilipino laban sa mga Espanyol. PAGHIHIMAGSIK SA MGA LALAWIGAN Umabot ang digmaan sa mga lalawigan .Pinamunuan ni Emilio Aguinaldo ang paghihimagsik sa Cavite.Ang mga Katipunero ang nagtagumpay sa kanilang paghihimagsik.Nabihag din nila ang Pasig , at naibangon ang Pateros , Taguig , Caloocan, Kawit, San Francisco de Malabon.Makati at Noveleta. Dahil sa naglalagablab na ang himagsikan , inilagay ng mga Espanyol sa ilalim ng Batas Militar o Martial Law ang mga lalawigan ng Bulacan,Pampanga,Nueva Ecija , Laguna , Maynila , Cavite , Tarlac , at Batanga, ang unang walong lalawigang naghimagksik laban sa mga Espanyol. ANG PAGPIGIL SA REBOLUSYON Lalong naging mablasik ang mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang lahat ng nahuling pinaghihinalaan ay ipinipiit sa mga bilangguan sa Fort Santiago.Noong September 12, 1896 pinatay sa Luneta ang labintatlong Martir ng Cavite na tinawag na Trece Martires o Labintatlong Martir ng Cavite. Maraming namatay sa mga nabilnggo sa Fort Satiago nang pasukin ito ng tubig dahil sa ilalim ito ng lupa. Ang ilan ay namatay dahil hindi makahinga sa dami ng bilanggong nakalagak dito. DALAWANG PANGKAT NG KATIPUNERO SA CAVITE Sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo ,nagtagumpay ang mga rebeldeng Caviteño sa kanilang himagsikan.Ngunit ang pangkat ng Cavite ay nahati sa dalawa: ang Magdiwang at Magdalo. Magdalo – pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo pinsan ni Emilio Aguinlado at ang himpilan ay sa Kawit. Magdiwang – pinamumunuan ni Mariano Alvarez na tiyo ng asawa ni Bonifacio at may himpilan sa Noveleta. Ang balak ng Magdalo ay matatag ng bagong pamunuan at ng gobyerno na papalit sa Katipunan, layunin ng rebolusyon na maging Malaya ang Pilipinas at naghihikayat sa mga Pilipino na makipaglaban tungo sa Kalayaan. KAGANAPAN SA TEJEROS Nagtungo sa Cavite si Bonifacio upang pag usapan kung paano idedepensa ang Cavite dahil ang mga Katipunero ay nakaranas ng madalas na pagkatalo sa labanan at upang tapusin na ang lumalalang hidawaan ng pangkat Magdalo at Magdiwang. Nagpulong sila sa Tejeros noong Marso 22,1897 at napagkaisahan na bumuo ng pamahalaang rebolusyunaryo na hahalili sa Katipunan.Sa oras na yon wla sil Aguinaldo dahil kasalukuyang nakikipaglaban sa mga Espanyol.Si Bonifacio ang namuno ng kumbensiyon. Ang mga napiling pinuno ay sina: Pangulo: Emilio Aguinaldo Pangalawang Pangulo: Mariano Trias Kapitan Heneral: Artemio Ricarte Direktor na Pandigma : Eniliano Riego de Dios Direktor na Panloob: Andres Bonifacio Tumutol si Daniel Tirona sa pagkakahala kay Bonfacio dahil hindi siya abogado at mas mataas daw ang pinag-aralan at may kaya si Jose del Rosario.Ikinagalit ito ni Bonficaio at bilang Supremo ng Katipunan , pinawlang saysay ang mga nangyari sa kumbensiyon.Nilisan niya ang kumbensiyon kasama ng kanyang mga tagasunod. PAGLILITIS AT PAGPATAY KAY BONIDFACIO Dahil sa pangamba ni Aguinaldo na mahati ang mga maghihimagsik kung pabbayaan si Bonifacio na magtayo ng sarilig pamahalaan at hukbo, kinumbinsi nila si Aguinaldo na ipadakip si Bonficaio. Inakusahan ng sedisyon at pagtataksil laban sa pamahalaang rebolusyonaryo si Bonifacio at ang kanyang kapatid na sa Procopio.Natulan sila ng kamatayan magkapatid at binarily sa Bundok Buntis malapit sa Maragondon,Cavite.Hanggang ngayon hindi pa natatagpuan ang mga bangkay at pinaglibingan nila. KASUNDUAN SA BIAK-NA -BATO Lumubha ang kalagayan ng rebolusyon dahil sa pagkamatay ni Andres Bonifacio, masugid na tinugis ng mga Espanyol si Aguinaldo , tinagkang dakipin sa Batangas ngunit ito ay

**nakatakas patungong Morong at mula rito nagtungo sa Biak-na- Bato. KASUNDUAN SA Biak- na -Bato Panig ng nga Pilipino ( Emilio Aguinaldo) *Sekularisasyon ng mga parokya at pagtatanggal sa mga organisasyon ng mga paring Espanyol *Pagtatalaga ng mga Pilipinong kinatawan sa pamahalaan *pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas

  • Kalayaan sa pagsasalita, pagpapahayag, at pagpupulong Panig ng mga Espanyol ( Gobernador Heneral) *Maninirahan sina Aguinaldo at mga kasama nito sa ibang bansa Babayaran ng halagang 800,000.00 sina Aguinaldo kapag umalis , isusuko ang 700 sandata,at uutusan ang ibang mga manghihimagsik na sumuko rin. Magbabayad ng 900,000.00mga pamilyang napinsala ng labanan. Hindi nagtagumpay ang kasunduan sa Biak-na-Bato na nagtadhana sana ng pagwawakas ng himagsikan .Bigo ang kasunduan dahil walng tiwala ang dalawang panig sa isa’t isa. Aralin 4 – Pananakop ng mga Amerikano

Ang Simula ng Pananakop

Noong ika-19 na siglo , ang Estados Unidos ang pinaka makapangyarihang bansa sa mundo sa larangan ng industriya at kalakalan.Nakipagtunggali ito sa ibang bansa sa Europa sa pananakop ng mga bansa upang magkaroon ng mapagkukunan ng yaman at bentahan ng kanilang kalakal. Noong panahong yon , nagsimulang maghimagsik ang ibang nasakop ng Espanya.Sinamantala ito g Estados Unidos.Katulad ng Pilipinas ang Cuba ay nasakop din ng Espanya na gusting ring maging malaya.Dahil nais ng mga Amerikano na mapangalagaan ang kanilang puhunan sa Cuba , kanila itong tinulungan sa pakikipaglaban sa mga Espanyol. Pebrero 15,1898, sumabog at lumubog ang barkong pandigmang Maine ng Estados Unidos sa daungan ng Havana,Cuba.Pinagbintangan ng mga Amerikano ang mga Espanyol sa nangyari kahit hindi nalaman ang dahilan at kung sino ang may kagagawan bito.Nagdeklar ng giyera ang Estados Unidos laban sa Espanya noong Abril 25,1898. Pag himok sa Pagbalik ni Aguinaldo Abril 21,1898, dumating ang hukbong dagat ng Amerika as Hongkong sa pamumuno ni Commodore George Dewey , inatasan siyang pumunta sa Pilipinas at labanan ang mga Espanyol.Pinadalhan ni Dewey si Spencer Prat, consul ng Amerika sa Singapore ng telegrama na himukin si Aguinlado na magbalik sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang himagsikan laban sa mga Espanyol. Paglusob ng mga Amerikano sa Maynila May 1, 1898, dumating iskwadron ng Amerikanong si Commodore George Dewey sa Manila Bay, Nag umpisa ang labanan ng 5:41 ng umaga.Binomba ang mga makabagong barko ng Espanyol.Natalo ang mga Espanyol at sumuko ng 12:30 ng hapon. Tinatayang 67 ang namatay at 214 ang nasugatan sa panig ng Espanyol at walang namatay o nasugatan sa panig ng mga Amerikano. Ang pagbabalik ng Aguinaldo Nakabalik si Aguinaldo sa Pilipinas noong Mayo 19, 1898 sa pag aakalang walang masamang hangad ang mga Amerikano na sakupin ang ating bansa. Nakipagtulungan siya kina Dewey na himukin ang mga katutubo na tulungan ang mga Amerikano sa pakikipaglaban sa mga Espanyol, halos nagapi nila ang mga ito. Mayo 24, 1898, itinatag ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal upang maisakatuparan nang mabilisan ang mga dapat gawin. Pagpapahayag ng Kasarinlan ng Bansa Kahit pa nasupil ang mga Espanyol sa ibang panig ng bansa ,ipinag utos n ani Aguinlado ang kasarinlan ng Pilipinas sa kabila ng pagutol ni Apolinario Mabini.Noong Hunyo 12, 1898.ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipnas sa Kawit, Cavite.Sa pagkakataong ito, itinaas ang pambansang bandila ng Pilipinas na ginawa ni Marcela Agoncillo, kasma sina Lorenza Agoncillo at Josefina Herbosa Natividad.Itinaas ito habang tinutugtog ang “ Marcha National Filipina” Nag uumapaw sa galak ang mga Pilipino sa araw na iyo. “Marcha National Filipina ” – ay tugtuging Pambansa na nilikha ni Julian Felipe. Nilapatan naman ng titik ni Jose Palma.Nang lumaon, ito ay tinawag na “ Lupang Hinirang” at ginawang pambansang awit ng Pilipinas. Ang Pamahalaang Rebolusyonaryo Hunyo 23, 1898, sa tulong ni Apolinario Mabini , na kilala bilang “ Utak ng Himagsikan”. Itinatag ni Aguinaldo ang Pamahalaang Rebolusyonaryo bilang kapalit ng Pamahalaang Diktatoryal .Layunin ng pamahalaang ito na magkaroon ng kasarinlan ang Pilipinas hanggang sa ito ay kilalanin ng iba pang mga bansa.Itinadhana rin sa kautusan ni Aquinaldo noong Hunyo 23 ang pagkakaroon ng Kongreso. Pagkukunwaring labanan ng mga Amerikano at Espanyol (Mock Battle of Manila) Agosto 9,1898 nagbigay ng huling babala ang mga Amerikano sa mga Espanyol.Ipinaabot kay Gobernador-Heneral Jaudenes ang malinaw na mensahi ni Admiral Dewey na ang hindi pagsunod ay nangangahulugan ng kamatayan para sa natirang pwersa ng Espanyol sa Manila. Nakaisip ng paraan si Jaudenes kung paano sila susuko nang hindi tuluyang masisira ang dangal ng kaharian ng Espanya. Kalkulado ang bawat hakbang at planado ang bawat galaw ng mga “tauhan” sa animoy isang dula na Battle of Manila na mas kilala sa tawag na Mock Battle of Manila .Kung saan palalabasin na natalo at sumuko ang mga Espanyol sa Amerikano. Nang magtangkang pumasok ang mga Pilipino sa Maynila, sila ay binalaan ni Heneral Anderson at kung magpupumilit oumasok papuputukan sila ng mga Amerikano.Nagalit ang mga Pilipino dahil hindi sila pinayagang pumasok dito at pagkatapos ng pagsuko ng lungsod.Ito sa simula ng di-pagkakasundo ng mga Pilipino at Amerikano.Lumabas ang tunay na dahilan ng pagpunta ng mga Amerikano sa Pilipinas.Ito ay upang sakupin at gamitin ang Pilipinas para sa sariling kapakanan lamang. Ang Kongreso ng Malolos Sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya, minarapat nilang tumawag ng kongresong bubuuin ng mga kinatawang halal ng mga lalawigan.Noong Septyembre 15, 1898 , pinasinayaan ang kongreso ng Malolos .Ang mga kinatawan ay mga 85 mamamayang nabibilang sa may mataas na pinag-aralan, matalino,at maykaya sa buhay.Sila ay nagpulong sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos.Sa pamumuno ni Felipe G. Calderon , ang mga kinatawan ng kongreso ay naghanda ng Saligang Batas.Ang Saligang Batas ng Malolos ay nagtadhana ng isang pamahalaang demokratiko. Itinatag ang Konstitusyon ang isang malayang Republika ng Pilipinas.Pinasinayaan ang unang Republika ng Pilipinas noong

Heneral Artemio Ricarte

  • Lumaban sa himagsikan laban sa Espanya, namuno sap ag atake sa kampo ng mga Espanyol sa San Francisco de Malabon
  • Ipinatapon sa Guam dahil ayaw kilalanin ang kapangyarihan ng mga Amerikano
  • Tumangging manumpa sa bandila ng Amerikano kaya’t pinatapon sa Hongkong Heneral Francisco Macabulos
  • Lumaban sa himagsikan laban sa espanya sa Tarlac
  • Nagtatag ng sangay ng Katipunan sa tarlac
  • Nagtatag ng sariling pamahalaan sa Gitnang Luzon matapos ang kasunduan sa Biak na Bato Heneral Vicente Lukban - Namuno sa pakikipagdigma laban sa mga Amerikano sa Balangiga , Samar kung saan natalo ang mga Amerikano. -Pinamahalaan ang Samar at Leyte noong unang Republika ng Pilipinas. Heneral Mariano Llanera
  • Lumaban sa himagsikan laban sa Espanya sa Bulacan, Tarlac, Pampanga at Nueva Ecija
  • Namuno sa mga pakikipaglaban sa mga Amerikano sa Maynila. Apolinario Mabini - kilala bilang Utak ng Himagsikan - kilala bilang “ Dakilang Lumpo” Trinidad Tecson
  • Pagkatapos ng digmaan, nang itatag ang Philippine Red Cross, kinilala ng mga Amerikano bilang Ina ng Red Cross sa Pilipinas dahil sa kanyang pag-aaruga sa mga sugatang sundalong Pilipino at mga nasalanta ng digmaan Melchora Aquino - Tinaguriang Ina ng Katipunan - - Tinaguriang Tandang Sora dahil 84 taong gulang na noong sumiklab ang himagsikang 1896 na pinamunuan ni Andres Bonifacio

Yunit 19 Ang Pamamahala nina Estrada , Arroyo, at Aquino III PANGULONG JOSEPH EJERCITO ESTRADA Si Joseph Ejercito Estrada ay dating tanyag na artista na kilala sa bansag na “ Erap “ Malaki ang naitulong ng kanyang papularidad sa eleksiyon noong 1998. Sa buong kasaysayan ng eleksiyon ng Pilipinas siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto.Alkalde siya ng bayan ng San Juan noong panahon ng administrasyong Marcos.Naging senador din siya bago kumandidato bilang pangulo. Sa kanyang inagurasyon bilang pangulo, inilahad niya ang kanyang programang “Erap Para sa Mahirap “ na may layuning “ mapabuti ang pamumuhay ng bawat Pilipino, mayaman man o mahirap.” ERAP PARA SA MAHIRAP Si Pangulong Estrada ay nagsilbi bilang pangulo mula Hunyo 30, 1998 hanggang Enero 20, 2001. Sa loobng maikling panahon , naisagawa niya ang ilang programa at proyekto. Programa para sa mahihirap. *Programang tinaguriang “Agrikulturang Makamasa”- inilunsad upang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda. Kabilang dito ang Binhian sa lalawigan , Niyugan Tugon sa Kahirapan, Balikatan Sagip Patubig, at Sagip Sugpo. *Programang Lingap Para sa Mahirap- isandaang pamiya mula sa mahihirap na mga probinsiya at lungsod ang tinulungan sa pabahay,tubig,gamot , pagkain , at hanapbuhay. *Upang makabili ng murang bigas asukal, kape at mga pangunahing pagkain, nagtinda ang mga sasakyan ng pamahalaan na umiikot sa mga siyudad sa ilalim ng programang ERAP ( Enhanced Retail Access for the Poor ) *Ilang proyektong pabahay ang ipinatayo para sa mahihirap na mga tagalungsod at pulis , at pati mga biktima ng lahar sa Pampanga. *Para sa kalusugan , inilunsad ang Sustansiya para sa Masa, Muling Buksan ang Puso , at Garantisadong Pambata. Programa Para sa kaayusan at Kapayapaan.

*Binuo ang Presidential Anti-Organized Crime Task

Force ( PAOCTF ) -uang tutukan ang lumalaganap na

krimen.

*Binuo ang Philippine Center on Transnational Crime

( PCTC ) – dahil sa pagdami ng kaso ng krimeng

transnayonal kagaya ng terorismo at pagtutulak ng

bawal na droga.

Itinigil ang usapang pangkapayapaan ng pamahalaan

at ng Moro National Liberation Front ( MNLF).Sa

halip, s autos ng pangulo, hinarap ng mga sundalo ng

pamahalaan ang mga rebeldeng Muslim sa isang

digmaan simula noong Marso 2000.Nagbunga ito ng

pagsakop ng sandatahang lakas sa maliliit at

malalking kampo ng mga Muslim sa Lanao,

Maguindanao, at sa Cotabato, Kasama ang

pinakamalaki, ang Camp Abubakar.

*Programa para sa kapaligiran

Isa pang batas ang ginawa upang masawata

ang lumalalang polusyon sa kapaligiran.Ito ang

Philippine Clean Air Act of 1999 o RA 8749 na kontra-

polusyon.

*Programa para sa komunikasyon

Pinayagan ang operasyon ng Smart

Communication at Globe Telecom.Bunga nito,

dumami ang mga mamamayang nakagamit ng mga

cell phone at bumilis ang komunikasyon sa loob at

labas ng bansa.Malaking tulong sa mas mabilis na

transaksiyon sa mga negosyo.

Sa paglaganap ng paggamit ng Internet,

kinakailangan din bagong batas, ang Electric

Commerce Act of 2000 o RA 8792.Nagtakda ito ng

kaparusahan para sa computer backing at nagpabilis

din ito sa paggamit ng Internet para sa negosyo.

RP -US VISITING FORCES AGREEMENT

Bago natapos ang termino ng Pang. Ramos nilagdaan

niya ang isang kasunduan ng US at Pilipinas.Ang

ikalawang bahagi ay nilagdaan ni Pang.

Estradanoong 1999.Ang kasunduan ay inaprobahan

ng Senado noong 1999.Ito ang Visiting Forces

Agreement na kontrobersiyal pa rin hanggang sa

kasalukuyan.

Ayon sa kasunduan, pinayagan ang isang grupo ng

mga sundalo ng US na pumunta rito sa Pilipinas

upang magsanay kasama ang mga sundalong Pilipino

.Ang ikalawang Kasunduan at nagtakda ng pagpayag

ng US na magpadala ang Pilipinas ng mga sundalong

Pilipino upang magsanay sa US.

PAGTANGGAL SA ISANG PANGULO O

IMPEACHMENT

Tumagal lamang siya ng halos tatlong taon.Bumaba ang kalagayan ng ekonomiya dahil sa kaawalan ng kumpiyansa ng mga namumuhunan.Ang kakulanagn sa pondo ng pamahalaan noong 1998 na PHP 48 milyon ay umabot ng PHP 100 bilyon noong 1999.Lumabas din ang d kanai-nais na pangyayari sa kanyang personal na buhay at sa kanyang ari-arian. Nagsama-sama ang mga mamamayan sa pangunguna ng Kongreso ng Mamamayang Pilipino (KOMPIL) , isang koalisyon ng mga relihiyoso, aktibo sa gawaing sibiko, mangangalakal at iba pa upang hingin ang kanyang pagbibitiw sa puwesto. Oktubre 16,2000 inakusahan siya ng kaiabigang Congressman Luis “Chavit”Singson na tumanggap ng suhol mula sa jueteng at tumggap din daw ang pangulo ng “kickback”o bahagi ng excise tax ng tabako.Sa pagkaktaong ito nasubukan ang Artikulo XI ng Saligang Batas ng Pilipina ,ang impeachment.Ang impeachment ay prosesong panghukuman na magagamit upang mapaalis sa puwesto ang isang mataas na pinuno ng pamahalaan dahil sa tiwaling asal o malubhang kasalanan. PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO Sa EDSA,kaagad nanumpa bilang pangulo si Pangalawang Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo upang punan ang bakanteng puwesto ng pangulo sa araw na bumaba sa puwesto ng pangulo sa Araw na bumaba sa puwesto si Pangulong Estrada.Katungkulan niya ito bilang pangalawang pangulo ng bansa. Si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay anak ng dating Pangulong Diosdado Macapagal.Nakapagsilbi siya sa pamahalaan bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan ng Pagpapaunlad Panlipunan ( Department of Social Welfare and Development 0 DSWD) at senador bago naiboto bilang pangalawang pangulo. Noong Abril 2000.nagmartsa ang mga tagasunod ni Pnagulong Estrada patungong Malacanang bilang protesta sa pagpapaaresto ng Sandiganbayan kay Estrada.Nagkagulo sa harap ng Malacanang.Kinakailangang magdeklara ng State of rebellion ang pangulo upang mapigilan ang tinatawag na EDSA III. Noong naming Hulyo 27, 2003, ilang sundalo ng sandatahang lakas ang nagmartsa sa Makati sa Oakwood Premier Hotel. Nais daw nilang ihayag ang “korupsiyon ng pamahalaang Arroyo at ang balak na magdeklara ng batas military.” Ang pangyayaring ito ay tinawag na Oakwood Mutiny. Ang sumusunod na mga solusyonsa mga kasalukuyang problema.

1. Ang Solid Waste Management Act o RA 9003- nagaatas sa mga lokal na pamahalaan na pangasiwaan ang basura sa kanilang **nasasakupan.

  1. Ang lubusang pagtigil ng digmaan sa Mindanao** **at pagbalik sa usapang pangkapayapaan
  2. Ang masusing pagsuri ng National Economic** Development Authority (NEDA) sa mga kontrata ng gobyermno upang mapigilan ang **korupsiyon.
  3. Ang pagtitipid sa mga opisina ng pamahalaan** upang mabawasan ang gastos ng bangkaroteng pamahalaan. ANG “STABLE AND STRONG REPUBLIC” NI PANGULONG ARROYO Sa eleksiyon ng Mayo 2004,nanalo si Pangulong Arroyo bagama’t sinasabing nandaya siya sa eleksiyon. Pinakialaman daaw niya ang resulta ng eleksiyon sa kanyang pagtawag sa isang komisyoner ng Komisyon sa Halalan (COMELEC) na si Virgilio Garcillano.Ngunit hindi siya napaalis sa puwesto ng kontrobersiyang tinaguriang Hello Garci. Sa talumpati sa kanyang inagurasyon, inilahad ni Arroyo ang kanyang mga balak gawin sa loobng anim ng taong panunungkulan. Noong 2009, sa kanyang State of the Nation Address (SONA), iniulat niya ang mga nagawa batay samga binitiwang pangako. 1. Tumatag ang ekonomiya at nakatulong ito upang malagpasan ng Pilipinas ang krisis sa pananalapi sa Asya. 2. Tumaas ang koleksiyon ng gobyerno sa pamamagitan n g Expanded Value-Added Tax- Act of 2005 o RA 9337. Ang E-VAT ay karagdagang buwis para sa mga binibili ng mga mamamayan na hindi itinuturing na pangunahing kailangan.Naging balance ang **badget ng bansa.
  4. Nakagawa o nakapagtayo ng mga** impraestruktura- kalsada, tulay, riles , paliparan, at piyer; nagsimulang gamitin ang Strong Republic Nautical Highway na mas kilala bilang RO-RO ( Roll On – Roll Off) sa pagtawid- dagat ;natapos ang SCTEX ( Subic-Clark-Tarlac **Expressway).
  5. Sa mga pangunahing pangangailangan:** Pinasimulan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s)-mula sa inang buntis sa pinakamahihirap na lalawigan binigyan ng PHP 500 at PHP 300 kada huwan sa bawat isa sa tatlong anak. *** Ginawa*

No.1081 .Ngunit inihayag lamang ito sa buong bansa sa pammagitan ng radyo at telebisyon noong gabi ng Setyembre 23, 1972. Inilagay ang buong bansa sa ilalim ng batas military. Ipinadampot ang mga kalaban sa politika – mga senador na sina Benigno Aquino Jr, Jose W. Diokno ,Ramon Mitra Jr., at Sergio Osmena Jr,. mga kolumnista sa pahayagan at komentarista sa radyo at telebisyon na tumutuligsa sa pamahalaan at mga lider ng militanteng grupo. Ang mga taong dinakip ay ikinulong sa piitan.Bago nagdeklara ng batas military, nasuspinde na ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus. Sa normal na sitwasyon, ito ang nag aatas sa taong dumakip na iaharap ang taong ikinulong sa harap ng husgado.Kapag ito ay sinuspinde, hindi siya mapipilit at maaring ikulong ang tao nang walang takdang haba ng panahon hangga’t epektibo ang suspensiyon. MGA PATAKARAN SA ILALIM NG BATAS MILITAR Nagtakda ang Pangulo ng mga patakarang dapat sundin ng mga mamamayan. Ang mga it ay tinaguriang General Order at Letter ng Instruction sa ilalim ng batas militar. General Order No. 1 : Ang pangulo ang mamamhala sa bansa at magtatakda kung paano gagalaw ang pamahalaan at lahat ng mga ahensiya nito bilang pinakamataas na pinuno ng sandatahang-lakas. General Order No. 2: Ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa ay may karapatan dakpin o ipadakip ang mgataong nasa listahan at ikulong sila hanggang hindi pinayagang makalaya ng pangulo o ng kanyang inatasang kinatawan. General Order No. 3 : Lahat ng ahensiya, departamento, at opisina sa ilalim ng sangay ehekutibo at ng pambansang pamahalaan ay patuloy na iiral sa ilalim ng mga kasalukuyang opisyal at mga empleyado . General Order No. 4 : Ipapatupad ang curfew sa buong bansa mula alas dose- ng gabi hanggang ikaapat ng umaga. General Order no 5 : Ipinagbabawal ang lahat ng rali at demonstrasyon at iba pang gawaing pangkatan, kagaya ng mga piket, at strike, sa mga industriya at mga kompanyang gumagawa ng mga pangunahing panganagailangan, mga bangko , ospital, at paaralan. General Order No. 6 : Ipinagbabawal ang pagtatago, pag- aari, at pagdadala ng baril sa labas ng bahay kung walang pahintulot ng mga awtoridad. MGA NAGAWA NG PAMAHALAANG MARCOS SA PANAHON NG BATAS MILITAR

  1. Itinuloy ang pagbalangkas ng bagong Saligang Batas ng 1973.Ang mga probisyon nito ay ayon sa kagustuhan ng pangulo.Ginawang presidensiyal at parlamentaryo ang pamahalaan ngunit siya ang humawak ng dalawang puwesto.
  2. Ipinagpatuloy ang paggawa ng malalaking impraestruktura. Patuloy na umutang sa mga bangko sa ibang bansa hanggng umabot ang utang sa USD 28 bilyon noong 1986.Ito ang utang ng Pilipinas na minana ng sumunod na mga administrasyon. 3. Inengganyo ang mga dayuhan mamumuhunan upang magtatag ng negosyo sa Pilipinas.Ipinagbawal ang mga union at strike.Binabaan din ang buwis na dapat nilang bayaran. 4. Pinalakas ang military at mga pulis sa tulong ng suporta ng US. Noong 1981, inalis ni Pangulong Marcos ang batas military at idineklara ang pambansang eleksiyon.Ngunit, hindi naniwala ang nasa oposisyon na maging malinis ang eleksiyon. Dahil ditto, walang lumaban sa kanya.Nagpatuloy ang kanyang kapangyarihan sa ilalim ng tinawag niyang “ Bagong Lipunan”. MGA EPEKTO NG PAMAHALAANG BATAS MILITAR  Malaking naging epekto sa demokratikong pamumuhay ng mga mamamayan.Nabalewala ang saligang batas kung saan malinaw na nakasaad ang mga karapatan at kalayaan ng mga mamayang Pilipino.  Nang ibigay ang mga proyekto ng gobyerno sa mga crony ni Pang. Marcos, lumaganap amg korupsiyon. Nawala ang sistemang public bidding at pagsusuri sa mga proyekto na dapat ginagawa ng mga ahensiya ng pamahalaan.  Ang paggamit sa perang inutang sa bangko ay hindi dumaan sa proseso ng pagsusuri sa taunang badget na Gawain din ng Batasan.  Nang maging Gobernador ng Metro Manila ang Unang Ginang Imelda Marcos, naging maluho sa pagpapatayo ng mga gusali.  Ang mag-asawang Marcos ay madalas mag- imbita ng mga pinuno ng ibang bansa at magdaos ng maluluhong kasayahan sa Malacanang.  Ang utang ng Pilipinas sa International monetary Fund- World Bank (IMF-WF ) ay lumubo mula sa USD 100 milyon noong 1966; USD 2.2 Bilyon noong 1973; USD 9.81 bilyo noong 1979; USD 14.3 bilyon noong 1981; USD 24.6 bilyon noong 1983; at USD 28 bilyon noong 1986. PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO Maraming mamamayan ang sumalungat sa gobyerno at basta na lamang nawala at hindi na muling nakita ng kanilang pamilya , Desaparecidos ang tawag sa kanila.Marami ang tinorture at pinatay nang walang pakundangan at basta na lamang inililibing kung saan -saan. Ang iba ay ikinulong sa mga piitan nang wlang wastong kaparaanan ng batas o due process. Suspendido ang pribilehiyo ng writ og habeas corpus, hindi sila dinala sa korte upang mabasahan ng sakdal.Sila ay pinahirapan at ikinulong at ipinaamin sa sa kasalanan tinawag na presong political ( pollical detainees) Halos

10,000 pamilya ang biktima ng paglabag sa karapatang -pantao. MGA ARAL SA BATAS MILITAR Ayon kay Teofisto Guingona, dating bise president at sendor, “Hindi natin dapat kalimutan ang panahon ng batas military.Dapat nating ipaalam ito sa mga susunod na henerasyon upang hindi nila makalimutan ang mga bayani, ang mga taong piniling lumaban para sa karaniwang mamamayan at para sa bansa..” “ Never again to martial law” ito ang sigaw ng mga biktima ng batas military.

Aquino Jr. Noong 1983, nagdesisyon si Aquino na bumalik sa Pilipinas. Lumala ang kondisyon ng bansa at napabalitang Malala na ang sakit ni Pang. Marcos.Kapag namatay ang pangulo, wlang tiyak na papalit at hawak na ng unang Ginang ang kapangyarihan. Gamit ang pangalang Marcial Bonifacio, bumalik si Benigno Aquino Jr. sa bansa noong Agosto 21, 1983.Nang lumapag ang eroplana sa Manila International Airport , umakyat ang mga sundalo upang kunin siya at dalhin sa kulungan.Ngunit habang bumababa sila sa hagdan may putok ng baril na narinig.Nakita na lamag nila si Benigno Aquino Jr. na bumulagta ay may tama ng baril sa batok na tumagos sa ulo.Katabi niya ang isang lalaki, si Rolando Galman , na siyang itinuturong pumatay sa kanya. Dahil sa pangyayari inaraw-araw ng mga tao ang rali at demonstrasyonna may temang “ Ninoy, Hindi ka Nag iisa” at “ Ituloy ang Laban ni Ninoy”. Naging balita ito sa buong mundo ,napasama ang imahe ng ating bansa kaya napilitan si Pangulong Ronald Reagan ng US na itigil ang pagsuporta sa pamahalaang Marcos. Ang Krisis sa Ekonomiya at Ang Hamon kay Marcos Malaki ang epekto ng nangyari kay Aquino sa ekonomiya ng bansa.Dahil sa kaguluhan at tuminding krisis sa pamahalaan, natakot ang mga dayuhang namumuhunan.Ang ilan ay tuluyang umalis sa bansa.Tumigil din ang mga turista sa pagbisita sa bansa. Snap Election Upang makuhang muli ang tiwala ng US at ipakita sa buong mundo na taglay pa rin niya ang tiwala ng mga Pilipino, nagpasiya siyang tumawag ng snap election. A snap election ay isang eleksiyong was a panahong itinakda ng batas. Noong Nobyembre 23,1985, inanunsiyo ni Marcos na mgakakaroon ng eleksiyon sa pagkapangulo at pangalawang pangulo sa Pebrero 7,1986. Tiwala siyang mananalo dahil wla na ang malakas na kandidato ng oposisyon, si Sen Benigno Aquino Jr. Si Marcos ang kandidato ng Partido Kilusang Bagong Lipunan at si Senador Arturo Toeltino ang kanyang bise. Nagsama sama ang laban kay Marcos ,binuo ang United Nationalist Democratic Organization ( UNIDO). Napagkasunduan nilang kumbinsihin si Ginang Corazon “ Cory” Aquino, asawa mi Ninoy na patakbuhin laban kay Pang. Marcos. Ipinakilala sa mga tao ang kandidato ng oppossiyong UNIDO – si Cory Aquino sa pagkapangulo at Salvador “Doy” Laurel para sa pangalawang pangulo.Sa malawakang kampanya, ginamit na simbolo ang dilaw na kulay, ang kulay na ginamit para kay Ninoy Aquino noong sinalubong siya sa paliparan at sa kanayang libing. Sa pagnanais na maging malinis at kapani- paniwalang eleksiyon.Binuo ang National Movement for Free Elections (NAMFREL) sa pamumuno ni Jose Conception.Kinilala ito ng COMELEC bilang kinatawan ng mamamayan na magbabantay sa leksiyon sa pagbilang ng boto kasabay ng COMELEC. Maging ang simbahang Katoliko ng labas ng pastoral letter sa pamumuno no Jaime Cardinal Sin, Arsobispo ng Manila , ngpapaalala sa mga botante sa kahalagahan ng pagboto nang tapat at ayon sa konsiyensiya. Ang eleksiyon ng Pebrero 7, 1986, masusing binantayan ng mga tao, ng midya sa loob at sa labas ng bansa , at ng NAMFREL. Pebrero 15, 1986, nang itigil ang pagbibilang ng boto sa PICC ( Philippine International Convention Center) Tumanggi ang mga computer programmer sa PICC na ipagpatuloy ang pagbibilang , Ayon sa kanila ang mga bilang na ipinakikita sa tally board sa labas ng PICC ay kaiba sa bilang na nasa kanilang computer. Dinala ang mga ballot Box sa Batasang Pambansa, ang mga congressman ang nagpatuloy sa pagbibilang. Sa araw din iyon, idineklarang Batasan na sina Marcos at Tolention ang nanalo. Samantalang sa Quick Count ng NAMFREL ang nanalo ay sina Cory at Doy. Pebrero 16, 1986.Nangyari ang malaking pagtitipon sa Luneta sa pangunguna nina Corty Aquino at Doy Laurel. Milyon milyong tao ang dumalo sa raling tinawag na “ Tagumpay ng Bayan.” Dito inihayag ni Cpry Aquino ang isasagawang prpotesta, ang Civil Disobedience Campaign .hinikayat ang mga tao na I boycott o huwag suportahan ang mga pahayagan , radyo , telebisyon, bangko at negosyo nap ag aari ni Marcos upang ito ay malugi. EDSA REVOLUTION I O PEOPLE POWER REVOLUTION Bago ideklara ang Batas Militar, mayroon nang grupo sa military na nais magsimula ng mga pagbabago sa sandatahang lakas. Nagbigay sila ng mungkahi sa pamunuan ngunit hindi sila pinansin ng pinakamataas na pinuno na si Heneral Fabian Ver. Nakilala ang grupo sa pangalang Reform the Armed Forces Movement (RAM). Isa sa mga namumuno nito si Koronel Gregorio Honasan , ang punong security officer ng Kalihom ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile. Dahil sa pangyayari sa eleksiyon nagplano ang RAM na lusubin ang Malacanang at agawin ang kapangyarihan kay Pangulong Marcos. Ngunit natuklasan ang plano bago ito naisagawa, nahuli ang ilan sa nga kasama sa nagplano. Noong Pebrero 22, 1986, upang hindi madakip , nagkanlong ang mga miyembro ng RAM sa opisina ni Enrile sa Camp Aquinaldo sa Quezon City. Mula roon, tinawagan ni Enrile si Heneral Fidel V. Ramos na nasa kanayang opisina naman sa Camp Crame, ang punong himpilan ng Philippine Constabulary, sa kabila ng Epifanio De Los Santos o EDSA. Si Heneral Ramos ay pinsan ni Pang. Marcos ngunit hindi rin ito sang-ayon sa mga Gawain ni pangulo. Sa ganap na ikaanim ng gabi nag anunsiyo ang dalawa ng pagbibitiw nila sa pamahalaan at iniurong ang suporta kay Pangulong Marcos.Tinawagn ni Enrile si Cardinal Sin. Mula sa radyo Veritas , istasyon ng radyo ng katoliko , nanawagan si Cardinal Sin sa mga tao na tulungan ang dalawa. Nagsidatingan ang mga to sa EDSA at iba ay ngdala ng pagkain at iba pang kailangan ng dalawang pinuno at ng mga sundalong kasama nila. Nalaman ng buong bansa ang nangyari at lalong dumami ang mga tao sa EDSA. Binarahan nila ang mga puwedeng daanan ng mga tropa ng gobyerno na pagpunta sa dalawang kampo.

Sinira ng sundalong ng pamahalaan ang transmitter tower sa Malolos,Bulacan ngunit nagawan agad ng paraan ng emergency transmitterang estasyon.Sina June Keitley at Angelo Castro Jr. ang nagsasalitan sa pagbabalita at pagtawag ng tao. Habang pinasusuko ni Pang. Marcos ang dalwang pinuno , lalong dumami ang mga tao sa EDSA at binarahan ang daanan ng mga tropa ng pamahalaan na maaring manggaling sa Fort Bonifacio at kampo.Kaya nang dumating nga tangke papunta sa kampo , hindi na nakausad dahil sa dami ng tao.Nagkapit -bisig ang mga tao habang inaawit ang pambansang awit.Sa halip na padaanin, ang mga sundalo ay binigyan ng mga bulaklak at rosary.Pinakiusapan na sumama na sa kabilang panig at iwanan ang pamahalaang Marcos.Sa bandang huli, umalis ang mga tangke nang hindi nakapapaputok. Nang makuha ng ng mga sundalong panig kay Enrile at Ramos ang mga estasyon ng telebisyon, ang channel 4 at channel 7, tuluyan nang iniwan ng mga kapanalig na sundalo si Pangulong Marcos. Tanghaling tapat ng Pebrero 25,1986, nang pormal na manumpa sina Pangulong Corazon Aquino at Pangalawang Pangulo Salvador Laurel sa harap ni Hukom Claudio Teehankee ng Korte Suprema. Si Heneral Fidel V. Ramos ang ginawang pinaka mataas na pinuno Cchief of staff ) ng Sandatahang Lakas ng bagong pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino. Sa Malacanang , nanumpa rin sina Pangulong Marcos at pangalawang Pangulong Tolentino.Ngunit ikasiyam ng gabi nang araw diny iyon nang sunduin ng apat na helicopter ang pamilya Marcos at mga kapanig upang dalhinsa Clark Air Base sa Pampanga.Mula roon, inlipad sila sa Hawaii kung saan nanatili ang pamilya Marcos hanggang sa mamatay ang pangulo noong Setyembre 28, 1989. And EDSA Revolution o People Power Revolution ay nagpahanga sa buong mundo. Ito ang kaisa-isang bansa sa mundo na nagpatalsik ng pangulo sa mapayapa at hindi madugong paraan. Si Panngulong Corazon Aquino ay kinilala ng Times Magazine bilang Woman of the Year (1986) .Nominado para sa Nobel Peace Prize. Noong 1998, ginawaran siya ng Ramon Magsaysay Award for International Understanding. Aralin 18 : Pagbalik ng Demokrasya sa Pamumun nina Pangulong Aquino at Pangulong Ramos Si Pangulong Corazon Aquino ay dating nakasuporta lamang sa politikong asawa na si Senador Benigno Aquino Jr. Hindi niya inakala na isang araw siya ang hahawak ng pinakamataas na puwesto sa pamahalaan.Ngunit dahil sa tawag ng mamamayan at kagustuhang maibalik ang demokratikong pamamaraan ng pamamahala, pumayag na rin siya. FREEDOM OF CONSTITUTION Ang unang ginawa ni Pang. Aquino ay buoin ang Proklamasyon Bilang 3 noong 1986 na magtatatag ng isang bagong konstitusyon. Sa pammaagitan nito, pinawalang-bisa niya ang Saligang Batas ng 1973 na ginawa noong panahon ng batas military at nagtakda ng pansamantalang konstitusyon na tinawag na Freedom of Constitution .Ang Freedom of Constitustion ang nagtakda ng pagtawag sa isang kumbensiyong konstitusyonal na gagawa ng bagong konstitusyon. Magsisimula ang paggawa ng bagong konstitusyon nang hindi lalagpas sa dalawang buwan mula sa maideklara si Aquino bilang pangulo. SALIGANG BATAS NG 1987 Pumili si Pangulong Aquino ng 48 na delegado mula sa ibat ibang sector sa lipunan na siyang bumuo ng kumbensiyong konstitusyonal.Mga kilala sa larangan ng batas, hukom ng korte Suprema , abogadong nagtuturo sa mga unibersidad, ekonomista,lider ng pamahalaan, ilang Muslim , isang pari at isang madre. Sa pamumuno ng dating Hukom ng Korte Soprema na si Cecilia Munoz-Palma, nagsimula ang kumbensiyon noong Abril 1986, inabot ng anim na buwan ang paggawa ng bagong konstitusyon. Noong Oktubre 12, 1986, isinumite ang kopya nito sa pangulo.Noong Pebrero 2, 1987, isang Plebisito ang idinaos kung saan inaprobahan ng mga mamamayan ang Saligang Batas ng 1987. Sa Saligang Batas na ito, siniguro ng mga gumawa na hindi na mauulit ang batas military.Ginawa rin nilang malinaw ang mga karapatan at tungkulin ng bawat mamamayan upang maiwasan ang pag-abuso sa kapangyarihan ng mamamahala.Mayroon bahagi ukol sa katarungang panlipunan at mga karapatang-pantao.May mga patakaran ukol sa manggagawa, reporma sa lupa,pabahay,kalusugan, kababaihan, organisasyon ng mga mamamayan, katutubong pangkat-etniko, at pamilya. PAGBABALIK NG DEMOKRATIKONG PAMAHALAAN Demokratiko ang anyo ng pamahalaan na itinakda ng saligang Batas ng 1987.Ibinalik ng pamahalaang aquino ang anyo n pamahalaan bago ideklara ang batas military.Upang tuluyang maibalik ang mga prosesong demokratiko, idinaos ang isang eleksiyon para sa mga sendor at kinatawan o congressman ng bawat distrito noong Mayo 1987. Naibalik sa Kongreso ang paggawa ng batas.Sumunod ang leksiyon ng pamunuang lokal ng mga probinsiyam bayan,at lungsod noong Enero 1988.Noong Marso 1988 bumoto ang mga mamamayan ng mga pamunuan ng mga barangay.

Integrated Delivery of Social Services ( CIDSS).Pumili ng 19 na pinakamahihirap na probinsiya , tinutukan ang klusugan, tirahan,edukasyon at haapbuhay at sanayin ang kakayahan ng mga to sa pakikisali sa demokratikong pamumuhay.

4. Programa sa kaayusan at katahimikan Upang masugpo ang kriminalidad , itinatag ang Presidential Anti-Crime Commission (PACC ) na pinamumunuan ng pangalawang pangulo na si Joseph Estrada.Noong 1996, ginawa ang Death Penalty Law na nagbigay -nagpahintulot sa paggamit ng lethal injection para sa mga criminal na nagkasala ng pagpatay, pagtutulak ng bawal na droga, panggagahasa at mga kasimbigat na kaso. Itinuloy ang usapang pangkapayapaan nabuo sa mga Muslim ang Southern Philippine Council for Peace and Development (SPCPD ) sa pamumuno ni Nur Misuari. Ang Anti-Subversion Law ay pinawalang-bisa. Binigyan ng amnestiya ang mga nasa CPP-NPA-NDF. Bumalik sa tahimik na buhay si Bernabe “ Kumander Dante “ Buscayno. 5. Programa sa impraestraktura Naging problema nag masikip na trapiko sa kamaynilaan. Ginawa ang mga flyover at interchange sa pangunahing kalsada.Sinimulan ng paggawa ng train sa EDSA.Ginawa ang Terminal II and III ng Ninoy Aquino International Airport .Pinahaba ang sxpressway hanggng Clark at Subic sa hilaga. 6. Programa sa kapaligiran Ipinatupad ang log ban o pagbabawal sa pagputol ng puno sa mga piling kagubatan.Nagpatanim din ng mga pubo sa mga kalbong bahagi ng kagubatan.Ginawa ang batas na ito upang mapanatili ang gubat at mga hayop at halaman na namumuhay sa mga ito. Ito ang batas RA 7586 – National Integrated Protected Areas System (NIPAS) RA 6969 o Act of 1990 – Ang Toxic Substance and Hazardous and Nuclear Waste Control ay nagbabawal ng pagtatapon ng mga kemikal at basura ng mga pabrika sa mga estero,ilog, at lawa. Ginanyak ang basura sa pamamagitan ng 3Rs ( reduce , reuse , at recycle ) 7. Programa sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Sa hangad na maisulong ang ekonomiya, sumali ang Pilipinas sa Asia-Pacific Economic Cooperation ( APEC ). Layunin ng samahan na isulong ang ekonomiya ng bawat kasaping bansa, buksan ito para sa mga mamumuhunan, bawasan ang gastos sa pagnenegosyo, at palakasin ang pagtutulungan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. IKASANDAANG TAON NG KALAYAAN NG PILIPINAS Sa panunungkulan ni Pangulong Marcos nation ang ikasandaang taon ng kalayaan ng Pilipinas (1898- 1998 ) Mula 1995, ito ay pinaghandaan. Ang makasaysayang mga lugar na tinawag na “ Landas ng Kalayaan “ (Centennial Freedom Trail) ay binalikan at isinaayos. Ginawa rin ang Centennial Expo sa dating Clark Air Base. Gumawa ng replica ng makasaysayang lugar na kausany sa kasaysayan. Sa mismong araw ng kalayaan , Hunyo 12, 1998, nagdaos ng magarbong parade ng mga karosa sa CCP Complex na nagpakita ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan. Umunlad ang ekonomiya sa panahon ni Pangulong Ramos.Natugunan ang mga kailangn ng mga mamamayan, naging matatag ang pamahalaan at umunlad ang paggamit ng teknolohiya.Ngunit sa bandang huli, inakusahan ito ng koruptsiyon at maling paggamit ng ponding bayan.Partikular na tinukoy ang kontrata ng PEA- Amari sa reklamsyon ng Manila Bay, ang paggawa ng Clark Centennial Expo sa Pampanga at ang pagbebenta ng bahagi ng Fort Bonifacio. Aralin 18 - ANG PAMAMAHALA NINA ESTRADA, ARROYO, AT AQUINO III

PANGULONG JOSEPH EJERCITO ESTRADA

Si Joseph Ejercito Estrada ay dating tanyag na artista at kilala sa bansag na “Erap “. Sa buong kasaysayan ng eleksiyon sa Pilipinas,siya ang nakakuha ng pinakamaraming boto.Alkalde siya ng bayan ng San Juan noong panahon ng administrasyong Marcos.Naging senador sin siya bago kumandidato bilang pangulo.

YUNIT III

14- Ang Pamamahala nina

Pangulong Qusirino at Pangulong

Magsaysay

*Si Elpidio Quirino, isang Ilokano, ang Pangalawang Pangulo noong panahon ni Roxas.Nang mamamatay si Roxas sa Clark Field noong Abril 1948, is Quirino ang pumalit bilang pangulo. *Una niyang tinutukan ang problema ng mga HUK. Pagbuwag sa Kilusang HUK *Nakipag-ugnayan si Pangulong Quirino sa pinuno ng HUK na si Luis Taruc sa tulong ng kapatid ng pangulo na huwes na si Antonio Quirino.Sa pulong sa Malacanang , nagkasundo ang dalawang panig na isusuko ng mga HUK ang kanilang mga armas at patatawarin sila ng pamahalaan.

  • Nabigo ang kasunduan , bago natapos ang 50 araw na takdang panahon ng pagsukong aramas muling ngkasgulo ang Nueva Ecija.Ang mhga sumusunod ay ang mga hindi naisagaang kasunduan ng pamahalaan. 1.pagpawlang-bisa ng Bell Trade Relations 2.paghahati-hati sa malalking lupain upang ipamigay sa mga magsasakang nagtatrabajo sa mga ito;
  1. pagpapalaya sa mga presong HUK; 4.pagpapalago ng industriya;at 5.pag-alis ng mga base military ng US sa bansa. *Nang Manalo si Quirino bilang pangulo noong 1949,ginawa niyang Kalihim ng Tanggulang Pambansa si Ramon Magsaysay.Si Magsaysay ay tinulungan ng JUSMAGPHIL ( mga tagapayong sundalong Amerikano) sa pagsasagawa ng programang mang-eengganyo sa mga HUk na sumuko. Sa pammagitan ng mga inhenyero at sundalo ng (EDCOR) Economic Development Corporation, nilinis ang mga bagong lupain sa malayong lugar ng Cotabato. Ang mga HUK na sumuko ay binigyan ng lupain doon. Itionatag ang (NARRA) National Resettlement and Rehabilitation Administration, upang tutukan ang programa. *Ipinagpatuloy ang pagtugis sa mga HUK na patuloy na

lumalaban , noong Oktubre 1950 nahuli ang miyembro

ng Politburo, ang pamunung sentral ng HUK.

Kabilang ditto sina Jose Lava at Angel Baking, dahil sa

kanilang pagkadakip humina ang kilusan.

*Sa tulong ng mamamahayag na si Benigno Aquino

Jr. nagka-usap at nagkasundo si Pangulong

Magsaysay at si Luis Taruc. Sumuko si Luis Taruc at

kinilala ang pamahalaan ni Pangulong Magsaysay.

BELL ECONOMIC SURVEY MISSION

Naging mabagal ang pag-unlad ng bansa.Upang mapabilis ito, humingi ng payo ang pmahalaang Quirino sa US.Noong 1950, isang pangkat ng pinunong Amerikano ang pumarito sa pIlipinas upang tingnan ang kondisyon at magbigay ng mga rekomendasyon.Pinamumunuan ito ni Daniel Bell kaya tinawag na Bell Econimic Survey Mission. Ang dahilan ng mabagal na pag-unlad ay ang mababang produksiyon at mababang kita ng tao, kakulangan sa pondo dahil mababa ang buwis, at sobrang dami ng produktong inaangkat sa ibang bansa habang kakauntio ang produktong iniluluwas. MGA PROGRAMANG IPINATUITUPAD NI PANGULONG QUIRINO  Proyektong pabahay para sa informal settler at may mababang sahod sa Pandacan,Maynila , at sa Bago Bantay, Quezon City  Pagpapabuti sa klagayan ng mga manggagawa  Paggawa ng ilang tulay at irigasyon  Paggawa ng Maria Cristina Hydroelectric Plant sa Mindanao at ng Ambuklao Hydroelectric Plant sa Luzon  Pagsisimula ng mga bagong industriya , kagaya ng industriya ng tela,bakal, semento , kemikal , sabon, gulong, at plywood  Paglagda sa kasunduang Quirino- Foster noong 1950 na nagbunga ng Philippine – American Mutual Assistance Program ( Sa programang ito, ang US ang nagbigay ng pondo at mga tagapayong teknikal at ang Pilipinas ang namahala sa mga manggagawa at karampatang pondo.Lahat ng proyekto ay pinamahalaan ng Philippine Council for US Aid ( PHILCUSA ) at ng Foreign Operations Administration ( FOA)  Pakikipagkaibigan sa Cuba at Dominican Republic  Paglagda sa Mutual Defence Treaty kasama ang US  Pagppapadala ng mga sundalo sa labanan sa Korea sa anyaya ng United Nations  Pakikipag-usap sa Japan ukol sa bayad-pinsala o reparations ng nakaraang digmaan PANGULONG RAMON MAGSAYSAY Naging popular dahil sa matagumpay na paglutas sa problema sa mga HUK.Kaya kumandidato siya laban kay Quirino noong eleksiyon ng 1953, ibinoto ng maraming botante.Nakuha ang suporta ng mga Amerikano dahil sa paglaban niya sa komunismo, kaya bagama’t binansagan siyang “ American Boy,” malaki ang naitulong ng mga Amerikano sa kanyang pamamahala. MGA PROGRAMA NI PANGULONG MAGSAYSAY PARA SA KANAYUNAN

pinansiyal mula sa MSA-PHILCUSA, naipatupad ang mga programa ni Quirino sa pagbabagong- tatag ng pamahalaan at ekonomiya, at ang mga programa ni Magsaysay sa pagpapaunlad ng kanayunan. Pagsasanay: Balikan ang detalye mula sa aralin. Punan ang linya ng wastong sagot. 1.Unang hinarap ni Pang. Quirino ang problema sa mga ____________.

  1. Karamihan sa mga aktibong HUK ay mula sa rehiyon ng _______________.
  2. Inatasan niya ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si ______________ upang pagtuonan ng pansin ang problema sa katahimikan.
  3. Ipinadala ang _______________ upang mag suri at gumawa ng mga rekomendasyon sa Pamahalaang Quirino

  1. Dalawang paraan ang ginamit ng Magsaysay sa paglutas ng problema sa katahimikan –ang hayagang paglaban sa mga HUK at ang _________________
  2. Ang pamunuang sentral ng kilusan ng mga HUK ay ang

  1. Ang mga unaang lupain inialok sa mga magsasaka ay nasa lalawigan ng _________________
  2. Ang pagpapapunlad sa kanayunan ay pinamahalaan ng ahensiya ng pamahalaan na ___________________ 9.Sumapi rin ang Pilipinas sa samahang ________________________, isang organiusasyon ng mga bansa laban sa komunismo.
  3. Sa kasunduang _____________________, binago ang mga kondisyon ukol sa kalakalan ng US at Pilipinas. ARALIN 11- Ang Pilipinas Mataos ang ikalawang Digmaang Pandaigdig PAGLAYA NG PILIPINAS MULA SA US Hulyo 4,1946 – Idineklara ng US ang kalayaan ng Pilipinas. Tuluyan nang pinamahalaan ng mga Pilipino ang sariling bayan. “ COLONIAL MENTALITY “ NG MGA PILIPINO -Mahigit apat na dekada ng pananatili ng mga Amerikano sa Pilinas,matindi ang naging impluwensiya ng kulturang Amerikano sa mga mamamayang Pilipino.
  • Tiningala ng mga Piipino ang mga Amerikano bilang “ mas marunong, mas matalino , mas maganda,mas mayaman , at angat kaysa sa mga Pilipino. 1.)Si Heneral Douglas Mac Arthur- ay itinalaga ni dating Pangulong Manuel Quezon upang itatag ang sandatahang lakas ng Pilipinas sa panahon ng komonwelt.noong ikalawang digmaan siya ang namuno sa mga sundalong Pilipino at Amerikano na kabilang sa USAFFE ( United States Armed Forces in the Far East) laban sa mga Hapones. Noong 1942 bumagsak ang Corregidor, umalsi siya ngunit nangakong babalik upang iligtas ang bansa, noong 1945, tinupad ang pangakong babalik, pinangunahan ang tropa ng makakaalyadong bansa laban sa mga Hapones sa labanan sa Leyte Gulf. 2.) Napuno ang mga pamilihan sa Pilipinas ng mga produktong Amerikano na dinala rito o kaya ay ginawa ng mga pagawaang pag -aari ng mga Amerikano. Dahil sa malayang kalakalan o free trade sa pagitan ng US at Pilipinas,nasarili ng mgaAmerikano ang kalakalan sa bansa at walang ibang bansang nakapagdala ng mga produkto rito sa Pilipinas. Mga produktong Amerikano – tsokolate,gatas,keso,tinapay, de-latang corned beef,sardinas,at iba pang pagkain ;damit sapatos. Natatak sa isipan ng mga Pilipino na ang produktong Amerikano o produktong statesid e, at angat sa uri at kalidad kung ihahambing sa mga local. Ang salitang lokal ay nangangahulugan ng mababang uri,madaling masira, mababa ang kalidad at hindi dapat piliin. 3.) Dahil sa edukasyon, mga babasahin, mga awit, patalastas sa radyo, iba pang uri ng midya, ay tiningala ng mga Pilipino ang kulturang Amerikano. KALAGAYANG PAMPOLITIKA Presidente Manuel Roxas- naupo bilang pangulo noong Abril 1946.Hindi naging madali ang paghawak niy sa pamahalaan at malaking hamon ang pinsalang dulot ng digmaan at ang pagkakahati-hati ng opinion at paniniwala ng mga mamamayan sa pagharap sa pagbabagong-tatag o rehabilitasyon ng bansa. Hindi nagkaisa ang mga pinuno at ang mga mamamayan dahil sa isyu ng kolaborasyon. KOlaborasyon- ito ay tungkol sa pakikipagsabwatan at pakikipagtulungan ng mga mamamayang Pilipino , along - lal na ng mga pinuno ,sa mga sumakop na Hapones. Noong panahon ng Hapones, may mga pinunong Pilipino na kumampi at tumulong sa mga Hapones sa pamammahala sa bansa. Si Jose P. Laurel,Sr. ang naging pangulo ng Republika ng 1942, ang pamahalaang “papet” ( puppet government) na itinatag ng mga Hapones. Jorge Vargas , -, ang dating alcalde ng Maynila ay nagsilbi bilang pangulo naman ng Executive Commission. Huk sa Gitnang Silangan - ay nagpahayag ng kanilang pagkontra sa mga patakarang tinahak ni Pangulong Roxas. KALAGAYAN NG EKONOMIYA Matindi ang epekto ng digmaan sa kabuhayan ng bansa.Sa pamamalagi ng mga Hapones sa bansa, ang pangangailangn nila sa pagkain at kagamitan ay sapilitang kinuha sa mga mamamayan.Pati ang kanilang mga alagang kalabaw at iba pang alagang hapon ay kinukumpiska upang gamitin sa pagdadala ng mga kagamitan sa iba’t ibanag lugar. Nang sumiklab ang ikalawang digmaan nagkagulo at natigil ang produksiyon ng pagkain dahil sa takot ng mga maagsasaka na maipit sa labanan. Ang mga industriya ay natigil at nalugi.Maraming pagawaan ang nagsara.Nagkulang ang mga produksiyon na naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng bilihin dahil sa kakulangan sa suplay.Nawalan ng trabajo at kita ang maraming mamamayan. Dahil sa mataas ang presyo ng bilihin at kaguluhan , maraming pamilya ang nagugutom. Nang salakayin ng mga Amerikano ang Maynila, binomba ang mga gusali ng pamahalaan, tulay ,pabrika, pamilihan at eskuwelahan, simbahan mga tirahan, at iba pa.Sa

pinakamadugong labanan sa Maynila, maraming tao ang pinatay ng mga naghuramentadong Hapones .Sinunog ng mga Hapones ang mga tirahan kung saan naroon ang maraming tao.itinuring na pinakamalupit sa kasaysayan ng mundo ang tinawag na Manila Massacre. KALAGAYAN NG KATAHIMIKAN AT KAAYUSAN Balisa at nawawalan na ng pag-assa ang mga tao ,lalong lalo na ang mga wlang sariling lupa. Kaya ang dating miyembro ng HUKBALAHAP ( Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon ) ay muling naging aktibo. Sa Gitnang Luzon, nagtatag sila ng bagong samahan na yinawag na Huk. Sa pagkakataong ito hindi sila laban sa mga Hapon kundi laban sa pamahalaan at sa mga may-ari ng malalalwak na lupain. Ayon sa kanila , ginagamit sila ng mga may-ari ng lupa upang magpayaman samantalang sila ay nananatiling mahirap ang buhay. Ang sistemang piyudal – ang nais mabago ng mga Huk.Sa sistemang piyudal, ang mga magsasaka ay nagmistulang alipin ng may-ari ng lupa.Sa bawat taon na nagbubungkal ng lupa hindi sapat ang kanilang kinikita pra sa panagangailangan ng kanilang pamilya.Nababaon sila sa utang sa may-ari ng lupa hanggang pati kanilang mga anak at maging alipin na rin nito. Malaking problema ng administrasyong Roxas ang kawalan ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.Malaking bahagi ng lupain ang napasakamay ng mga Amerikano.Ang malaking lupain ng bansa ay ginawang plantasyon ng mga produktong panluwas, tulad ng tubo at niyog. Parity Amendment – pagbabago sa kontitusyon ng Pilipinas , kung saan ito ay sinuportahan ni Roxas at ito naman ay mahigpit na tinutulan ng mga magsasaka at kanilang kasamahan.Dahil dito hindi nagustuhan ng mga magsasaka at kanilang kasamahan si Roxas. Philippine Rehabilitation Act- ang tulong na iniaalok ng US, gumawa si Roxas ng paraan upang maideklarang illegal na oraganisasayon ang Huk at ang Pambansang kaisahan ng mga Magbubukid na may parehong layunin. Ambassador Paul McNutt – ayon sa kanyang ulat kay Presidente Harry Truman ng US noong Enero 1946. “ imposibleng kayanin ng mga Pilipino ang maging Malaya at magpanibagong-tatag dahil sila ay lubos na nasalanta at nasiraan ng loob dahil sa napakalupit na digmaan, nahati sa mga loyalist at nga kolaboreytor at mayroon pang mga rebelled na may arams at kasalukuyang tinutugis ng pamahalaan. Ito ang Pilipinas na hinarap ni Roxas , malaking hamon ang mga suliraning idinulot ng pannakop ng mga Amerikano at ng mga Hapones at ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. ARALIN 12 PAGTUGON NG PAMAHALAANG ROXAS SA MGA SULIRANIN AT MGA HAMON Manuel Roxas – mula sa Capiz , Pilipinong mambabatas noong panahon ng mga Amerikano.Masugid na nangampanya para sa kalayaan. Hawes-Cutting Act - mula sa kongreso ng US.Ito ang unang batas na nagtalaga ng sampung taon ng komonwelt ng Pilipinas.Ngunit dahil ayaw tanggapin ni Pang.Quezon ito ay napalitan ng halos kapareho ring Tydings-McDuffie Act maliban sa isang probisyon. ANG BELL TRADE ACT NA MAY PARITY RIGHTS Noong Setyembre 1945 , isang taon bago ideklara ang kalayaan ng Pilipinas , isang batas ang ginawa sa Kongreso ng Amerika.Ang panukalang batas ay inihain ni Kinatawan Jasper Bell , isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, kaya tinawag itong Bell Trade Act. KABILANG SA MGA PROBISYON NG BATAS BELL ANG SUMUSUNOD:

  1. Ipagpatuloy ang malayang kalakalan ng US at Pilipinas hanggang 1954;pagkatapos dahan dahang mangongolekta ng taripa o buwis mula 5 porsiyento sa 1955 hanggang 100 porsiyento sa taong 1974;
  2. Ang piso ng Pilipinas at mananatili sa dolyar ng US
  3. Hindi maaaring pagbawalan ng Pilipinas ang paglipat ng pera mula sa Pilipinas patungo sa US;at
  4. Babaguhin ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935upang bigyan ng Parity Rights o pantay na karapatan ang mga mamamayang Amerikano at Pilipino sa paggalugad, pagpapaunlad, at paggamit ng lahat ng lupaing pang - agrikultura, kagubatan ,katubigan pati ang mga yamang - mineral, uling , langis, at iba pa.at sa pagpapatakbo ng mga pampublikong serbisyo sa bansa. Parity Rights - ang lubhang nakabahala sa mga mamamayang Pilipino, Sinasabi nitong babaguhin ang Saligang Batas ng Pilipinas, ang pinakamahalaga at pangunahing batas ng bansa. Sa orihinal na batas, nkasaad na Pilipino lamang ang pinapayagang magmay-ari ng likas na yaman at negosyo saPilipinas,dapat 60 porsiyento o mahigit sa kalahati ang pag-aari ng Pilipino. Bell Trade Act - , kailangan baguhin ang konstitusyon upang bigyan ng pantay na karapatan ang mga Amerikano at Pilipino na gamitin at pagyamanin ang mga likas na yaman ng bansa. PHILIPPINE REHABILITATION ACT Philippine Rehabilitation Act - ito ang batas para sa rehabilitasyon o pagbabagong-tatag ng Pilipinas. Pagkatapos ng digmaan humingi ng tulong ang Pilipinas sa US kung saan naghain ng panukalang -batas si Senador Millard Tydings , isa sa nagtaguyod ng Tydings-McDuffie Act. Ayon sa batas na ito, Bibigyan ng US ang Pilipinas ng tulong na USD 620,000,000 para sa pagpapaayos ng mga nasira ng digmaan. Ngunit ang batas na ito ay may kakabit na isa pang batas. Hindi magbibigay ang US ng tulong .Ang mga mambabatas sa KOngreso ng Pilipinas ang dapat magdesisyon kung dapat tanggapin o hindi ang alok na ito. Para kay Roxas at mga kakampi, kailangan bumangon ng bansa at kailangan ng pera upang ; 1.maitatayong muli ang mga nasirang impraestruktura; 2.darami ang industriya gamit ang puhunan ng mga Amerikano;
  5. patuloy na magkakaroon ng pamilihan para sa mga panindang panluwas ng bansa;at
  6. kasunod nito ang mga reporma o pagbabago sapagsasaka at pamumuhay ng mga mamamayan. Sa kabilang panig, ayon sa mga mambabatas na salungat sa pagtanggay ng Philippine Rehabilitation Act na kasama ang Bell Trade Relations Act;
  7. Nawawalan ng saysay ang soberaniya o kalayaan ng bansa na ipinaglaban nang mahabang panahon;
  8. Mawawalan ng control sa ekonomiya ang mga Pilipino at patuloy na magiging kolonya ang Pilipinas;
  9. Ang mga Pilipino ay magiging manggagawa lamang sa mga negosyong Amerikano;at 4.ito ay kawalan ng paniniwla sa kakayahan ng mga Pilipino na tumayo sa sariling paa. MILITARY BASES AGREEMENT AT MILITARY ASSISTANCE PACT Military Bases Agreement – Sa ilalaim ng pamahalaang Roxas nilagdaan ang kasunduan ukol sa mga base military ng Amerikano sa Pilipinas. Ang Subic sa Olongapo City o Clark sa Pampanga – ang mga lugar na ito ay mga pook -panturista na ngayon at pasyalan ng maraming Pilipino at mga dayuhan. Ginawa ring freeport at export processing zone ang mga ito kung