Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Seven Sundays Movie Review, Summaries of Communication

Seven Sunday Movie Summary and Review

Typology: Summaries

2022/2023

Uploaded on 08/30/2024

maricris-lopez-1
maricris-lopez-1 🇵🇭

3 documents

1 / 11

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
SineSosyedad o Pelikulang Panlipunan
Rebyu ng Pelikula: Seven
Sundays
Inihanda nina: Lacson, Eloissa Shara A., Lee, Marie A., Llamzom, Ace Nathaniel L., Lopez, Maricris M.,
Lucas, Ivy Rica G., Macalinao, Carmen B.
Taon at Programa: BSBA MAJOR IN OPERATIONS MANAGEMENT 1A
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
I. Panimula 1
II. Pamagat 1
III. Tauhan 2
IV. Dulog Pampanitikan 4
V. Tagpuan 5
VI. Buod 6
VII. Pagsusuri sa Bahagi ng Pelikula 7
a. Panimula 7
b. Suliranin at Paghanap ng Solusyon 7
c. Wakas 8
VIII. Direktor 9
IX. Kabuoang Mensahe ng Pelikula 9
X. Rekomendasyon 10
BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY
Balanga Campus
City of Balanga 2100 Bataan
PHILIPPINES
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa

Partial preview of the text

Download Seven Sundays Movie Review and more Summaries Communication in PDF only on Docsity!

SineSosyedad o Pelikulang Panlipunan Rebyu ng Pelikula: Seven Sundays Inihanda nina: Lacson, Eloissa Shara A., Lee, Marie A., Llamzom, Ace Nathaniel L., Lopez, Maricris M., Lucas, Ivy Rica G., Macalinao, Carmen B. Taon at Programa: BSBA MAJOR IN OPERATIONS MANAGEMENT 1A TALAAN NG NILALAMAN Pahina I. Panimula 1 II. Pamagat 1 III. Tauhan 2 IV. Dulog Pampanitikan 4 V. Tagpuan 5 VI. Buod 6 VII. Pagsusuri sa Bahagi ng Pelikula 7 a. Panimula 7 b. Suliranin at Paghanap ng Solusyon 7 c. Wakas 8 VIII. Direktor 9 IX. Kabuoang Mensahe ng Pelikula 9 X. Rekomendasyon 10 BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY Balanga Campus City of Balanga 2100 Bataan PHILIPPINES

I. Panimula Naglalayon na maibahagi ng pagsusuring ito ang malinaw at detalyadong pangunahing mga elemento na ginamit upang maging matagumpay ang pelikulang Seven Sundays. Sa pamamagitan ng mga aspeto ng kwento, mga tauhan, dulog pampanitikan, mensahe ng pelikula, at iba pa na nagpapakita kung paano ito naging matagumpay at iniibig ng mga manonood. Batid din ipakita kung paanong ang mga tagpuan ay naging akma sa mga pangyayari at emosyon ng mga tauhan na siyang nagbibigay ganda lalo sa pelikula. Ang pelikulang Seven Sunday’s ay pinalabas noong Oktubre 11,2017, kung saan ang palabas ay naisagawa ng matagumpay na hanggang ngayon ay kinagigiliwan at pinanonood parin ng mga tao. Ito ay isang pelikulang Pilipino na idinirek ni Cathy Garcia-Molina. Ang paksa ng kwento ay napapanahon kahit ilang taon na ito nuong una itong ipalabas sa sinehan. Ito ay tumatalakay sa mga problemang hinaharap ng mga pamilya kung saan pinakita sa pelikula ang mga hamon at pagsubok na kinakaharap ng isang pamilya at kung paano nila hinaharap ang mga ito ng sama-sama. II. Pamagat Ang konsepto ng pamagat na Seven Sundays ay maituturing na angkop sa istorya ng pelikulang ito. Nagsimula ang lahat ng ang ama na si Ronaldo Valdez bilang Captain Manuel Bonifacio ay nagkaroon ng maling diagnosis na siya ay mayroong lung cancer tinipon niya ang kanyang mga anak upang ipaalam ang kanyang sitwasyon na mayroon nalamang siyang dalawang buwan o “pitong linggo” na lang ang itatagal ng kanyang buhay at dahil sa pagmamahal ng kanyang mga anak sa kanilang ama nagpasya ang mga ito na gumugol ng kanilang oras tuwing araw ng linggo upang makasama at mapasaya ang kanilang ama sa mga nalalabi nitong araw. Ang kanyang mga anak na sina Aga(Allan),Dingdong (Bry) at Christine(Cha) ay nagpupunta sa bahay ng kanilang ama tuwing araw ng linggo kahit mayroon na silang iba't ibang responsibilidad sa buhay. Makalipas ang ilang linggo ng pagsasama ay tumawag ang doktor ng kanyang ama at sinabing mali ang kanyang diagnosis. Kung saan hindi na ito sinabi pa ng ama nila sa kanila dahil nais nitong magkasama sama sila sa natitira pang linggo gaya ng kanilang napag-usapan. Makikita sa pelikulang ito na ang matibay na naging pundasyon ng pelikula ay ang pagmamahalan ,pag unawa at pagtutulungan ng isang pamilya. Dahil ang pamilya ang tanging tao na makakaunawa at magmamahal ng walang kapalit.

-Siya ang pinakama diskarte sa mga magkakapatid may maayos na trabaho at masaganang buhay subalit hindi alam ng lahat ang kanyang pinagdaanan na problema sa kabila ng tagumpay nito sa buhay. Isang siyang anak na handang tumulong sa kanyang pamilya sa abot ng kanyang makakaya. Tauhang Lapad

  • Walang pagbabago sa kanyang karakter dahil pinakita niya ang pagmamahal at pagsuporta sa kanyang pamilya sa simula at katapusan ng pelikula. ● Cha (Christine Reyes)
  • Ang nag-iisang babae na anak ni Manuel Bonifacio, mapagmahal, at malambing na anak. Lihim niyang tinago ang pambababae ng kaniyang asawa sa kaniyang pamilya dahil ayaw niyang magkaroon ng bad image ito at mawalan ng ama ang kaniyang mga anak. Tauhang Lapad
  • Simula umpisa hanggang katapusan ng pelikula naging mapagmahal na anak sa magulang pati narin sa kaniyang mga kapatid at sa kaniyang mga anak. ● Dex (Enrique Gil) -Ang pinakabunso sa mga magkakapatid. Siya ang pinakamalayo ang loob sa kaniyang pamilya dahil simula nang mamatay ang kaniyang ina, inisip niya na wala na siyang kakampi at iniwan na siya ng kaniyang mga kapatid dahil meron na itong mga sariling obligasyon sa buhay. Tauhang Bilog
  • Sa umpisa ng pelikula, makikita dito ang malayong loob ni Dex sa kanyang mga kapatid at ama subalit bago magwakas ang pelikula pinakita dito na naging maayos na ang ugnayan nila at bumalik ulit ang pagiging malapit niya sa kanyang pamilya. ● Jun (Ketchup Eusebio)

-Siya ang nag-iisang kamag-anak na kasama ng kanilang ama at pinsan ng magkakapatid. Ang nakakaalam ng istorya at nangyayare sa buhay ng kanilang ama. Tumutulong din siya bilang taga pamagitan sa mga mag-aama upang mapa-ayos ng sitwasyon nila. Tauhang Lapad

  • Hindi nagbago ang kaniyang karakter simula umpisa hanggang katapusan ng pelikula. Isa siyang naging mabuting kamag-anak ng pamilyang Bonifacio. ● Baby (Kakai Bautista) -Siya ang secretary ni Bry (Dingdong) sa kaniyang kompanya. Isang maasahan at mapagbirong empleyado ng kompanya. Tauhang Lapad
  • Hindi nagbago ang kaniyang karakter simula umpisa hanggang katapusan ng pelikula. Pinakita niya ang pagmamahal sa kaniyang trabaho at maayos na empleyado. ● Camille (April Matienzo) -Siya ang kababata ni Dex (Enrique) namatagal niyang hindi nakita at siya rin ang tumulong dito para mailigaw ang mga taong naghahanap kay Dex. Tauhang Lapad
  • Walang pagbabago sa kaniyang karakter simula umpisa haggang katapusan ng pelikula naging mabuting kaibigan siya ni Dex. ● Mr. Kim (Jeffrey Tam at Ryan Bang)
  • Ang magkapatid na businessman na naghahangad na mabili ang kinatatayuan na tindahan ni Allan Bonifacio upang gawing parking lot sa harap ng kanyang gagawing building at hindi naging maayos ang trato nito sakniya.

maaaring magkaroon ng layunin na magpahayag ng emosyon, paglalagay ng diin sa mga karakter, o pagpapakita ng pagbabago ng damdamin ng bawat isa. Nakatulong din sa pelikulang Seven Sundays ang paggamit ng tunog, kasama na ang mga sound effects at musika, ay maaaring magdulot ng mga emosyon at pagpapahayag ng kahalagahan ng mga eksena. V. Tagpuan Tahanan ng Pamilyang Bonifacio —dito lumaki ang magkakapatid, dito rin sila bumalik upang magkita kita tuwing Linggo para sa kanilang ama. Bakuran ng Pamilyang Bonifacio — dito ginanap ang kaarawan ni Manuel kung kelan una silang nag-away away magkakapatid. Dito rin naganap ang konprontasyon ng pamilya matapos malaman ang totoong sitwasyon ni Manuel. Beach —dito nagbakasyon ang pamilyang Bonifacio kung saan nagbaliktanaw sila sa mga sulat mula sa lata. ABC Store —ito ang pinundar na tindahan ng mag-asawang Bonifacio na napunta kay Allan. Isa rin ito sa dahilan ng ng hidwaan ng magkapatid na Allan at Bryan. Sementeryo —dito nagkapatawaran ang magkakapatid at ang kanilang ama. VI. Buod

Ito ay tumatalakay sa pamilyang Bonifacio, nagsimula sa pagpapakita ng kalagayan sa pang-araw-araw na pamumuhay ni Manuel Bonifacio, isang ama na nananabik na makasama muli ang kanyang apat na mga anak. Dumating ang kanyang kaarawan at inaasahan nya na makadalo ang kanyang mga anak ngunit dahil sa may kanya kanya na itong buhay ay hindi sila nakadalo. Nang gabing ng kanyang kaarawan ay dumating ang kanyang doktor at sinabing siya ay may pitong linggo na lamang para mabuhay dahil sa isang karamdaman, agad niyang tinawagan ang kanyang mga anak upang makasama ang mga ito kahit tuwing Linggo lamang. Kahit na mayroon mga iba't-ibang personal na isyu ang mga magkakapatid ay napagkasunduan nilang gawin ito para sa kanilang ama. Sa bawat linggo na sila ay magkakasama iba't-ibang alaala ang kanilang mga natatandaan tungkol sa mga nangyari ng sila ay bata pa. Naging masaya ang mga linggo ng magkakasama ang pamilya lalo na si Mr. Manuel Bonifacio dahil nakikita nya na magkasundo ang mga magkakapatid. Hanggang dumating ang isang araw, tumawag ang doktor kay Mr. Manuel at sinabing mali ang naging dayagnosis nito kaya't mas mahaba pa ang magiging buhay niya. Hindi ito sinabi ni Mr. Manuel sa kanyang mga anak ngunit nalaman din ito ng kanyang panganay na si Allan. Kinumbinsi ni Allan ang kanyang tatay na sabihin ang katotohanan sa susunod nilang pagtitipon. Sa sumunod na kanilang pagtitipon, unti-unti nilang malaman lahat ang mga sikreto at problemang kinakaharap ng bawat isa. Si Cha ay nahihirapan dahil sa asawa niyang nambababae, si Bryan ay may anak, si Dex naman ay may kinakaharap na kaso laban sa kanya. Dahil sa sunod-sunod na pagsisiwalat, naibunyag din ang totoong kalagayan ng kanilang tatay. Dahil dito, masasakit na palitan ng salita ang namahala sa pagitan ng mga magkakapatid tungkol sa mga isyung kinakaharap nila personal na hindi alam ng kanilang ama at mga kapatid. Dahil sa pagtatalo nila ay nag kanya kanya silang umalis sa bahay ng kanilang Ama. Matapos ang ilang araw, pumunta si Allan sa bahay ni Bryan para humingi ng tawad. Sumunod naman ay nakipag-ayos din silang dalawa kay Dex. At silang tatlo ay pumunta sa bahay ni Cha upang makita ang kanyang kalagayan. Sabay sabay silang bumisita sa puntod ng kanilang ina at nakipag-ayos sa kanilang ama. Sa huli, naisagawa nilang lutasin ang mga problema na kanilang kinakaharap at masaya ang pamilya dahil natutunan nilang patawarin ang isa't isa. VII. Pagsusuri sa Bahagi ng Pelikula a. Panimula Ang panimulang bahagi ng "Seven Sundays" ay nagpapakita ng bawat miyembro ng pamilya Bonifacio at ang mga suliranin at pinagdaanan nila. Ipinapakita rito ang mga magkakasalungat na personalidad ng mga kapatid na sina Bryan (Aga Muhlach), Allan (Dingdong Dantes), Cha (Cristine Reyes), at Dexter (Enrique Gil), pati na

VIII. Direktor Ang direktor ng "Seven Sundays" ay si Cathy Garcia-Molina. Siya ay isang kilalang direktor ng mga pelikula sa Pilipinas. Ipinanganak siya noong Nobyembre 28, 1971. Siya ay nagkaroon ng mahabang karera sa pagdidirek ng mga sikat na pelikula at mga teleserye sa bansa. Ang ilan sa mga sikat pa na pelikulang dinerek nito ay "One More Chance" , My Ex and Whys"at "Hello, Love, Goodbye" na nakapukaw din ng atensyon ng maraming tao. Bilang isang direktor, kilala siya sa kanyang malalim na pagbibigay buhay sa karakter ng mga tauhan at sa kanilang mga emosyon. Ipinapakita niya ang pagkakakilanlan ng mga karakter sa pamamagitan ng mahusay na pagdidirek, paggamit ng tamang mga eksena, at ang pagsasaayos ng mga dialogo at anggulo. Sadya ngang si Cathy Garcia-Molina ay isa ng beteranong direktor na kilala sa kanyang husay sa pagpapatakbo ng mga kwento na naglalaman ng malalim na emosyon, relatable na mga karakter, na naging matagumpay at minahal ng madla. IX. Kabuoang Mensahe ng Pelikula Ang mensaheng inilalahad sa pelikula ay tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya at pagpapatawad sa isa't-isa. Sa pelikulang Seven Sunday pinakita na nawalan sila ng oras sa kanilang ama dahilan na sila ay may kanya-kanya ng pamilya at isyung personal. Sa pamilya, mahalaga ang oras para iparamdam natin kung gaano natin sila kamahal lalo na kung sila ay tumatanda na. Bilang isang ama, hangad niya lamang na magkasundo-sundo ang kanya mga anak bago siya bawian ng buhay. Ang pelikulang ito ay naghahatid ng mensahe na kahit anong pagsubok ang haharapin natin ay nariyan lamang ang ating pamilya na handang tumulong sa atin. Huwag natin kalimutan na ang pamilya lamang ang totoo na tutulong at makakapitan natin sa oras na tayo ay may problemang kinakaharap. Mahalaga din ang pagpapatawad at pag alis ng sama ng loob sa ating mga kapatid dahil sila din ang ating kakampi na handang tulungan tayo sa anumang problema. Hindi natin alam kung kailan tayo babawian ng buhay kaya naman piliin natin na maging maayos at magkakasundo sundo ang ating pamilya.

X. Rekomendasyon ● Maaring magdagdag pa ng sub plot kung saan mas maipapakita pa ang ilang eksena kung saan maipapakita ang pagbawi nila sa isa't isa. Ito ay maaaring magdagdag ng mas malawak na pag-unawa sa kwento at maaaring magbigay ng mas malalim na koneksyon sa mga karakter ● Eksena kung saan ipinapakita ang kaarawan ni Dex at pagdiriwang nila ng ice cream party nito. ● Maaari ring idagdag ang mga musikal na bahagi o musika bilang bahagi ng naratibo. Ang magandang tugtog o kanta ay maaaring magbigay ng dagdag na katangian at kaluluwa sa mga eksena, lalo na sa mga mas emosyonal na bahagi ng pelikula.