Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Persuasive Text: Strategies and Techniques, Slides of English Literature

The nature of persuasive text, its purpose, and the various strategies and techniques employed to influence the reader's thoughts and actions. It delves into the subjective tone of persuasive writing, where the author's personal opinions, attitudes, and beliefs are freely expressed. The document also examines the use of persuasive text in various contexts, such as advertisements, political speeches, and commercial campaigns. It highlights the importance of research, understanding the audience's perspectives, and the effective use of rhetorical devices to create a compelling and convincing argument. Additionally, the document contrasts persuasive text with argumentative text, which is based on factual information and logical reasoning. By understanding the nuances of persuasive writing, readers can develop critical thinking skills to navigate the persuasive messages they encounter in their daily lives.

Typology: Slides

2022/2023

Uploaded on 03/04/2023

carlos-descanzo
carlos-descanzo 🇵🇭

7 documents

1 / 61

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16
pf17
pf18
pf19
pf1a
pf1b
pf1c
pf1d
pf1e
pf1f
pf20
pf21
pf22
pf23
pf24
pf25
pf26
pf27
pf28
pf29
pf2a
pf2b
pf2c
pf2d
pf2e
pf2f
pf30
pf31
pf32
pf33
pf34
pf35
pf36
pf37
pf38
pf39
pf3a
pf3b
pf3c
pf3d

Partial preview of the text

Download Persuasive Text: Strategies and Techniques and more Slides English Literature in PDF only on Docsity!

Layunin din nitong mapagbago ang takbo ng isip ng isang mambabasa. Taglay ng tekstong persuweysib ang personal na opinyon, saloobin, at paniniwala ng may-akda. Ang tekstong ito ay may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.

Dagdag pa rito, ang tekstong persuweysib ay isang tekstong hindi piksiyon. Ito ay makatotohanan. Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas at propaganda para sa isang eleksyon o pagrerekrut para sa isang samahan o networking. Ang mga talumpating politikal sa telebisyon, radyo, pahayagan, social media , mga komersyal at iba pa ay ang mga halimbawa na ginagamitan ng tekstong ito.

Ang mga halimbawang inilahad kanina ay tunay ngang gumagamit ng tekstong panghihikayat. Gumagamit ito ng mga salita o pariralang humihimok tulad ng sa ganang akin , sa katunayan , sa totoo lang , kung ako ang tatanungin , at iba pang katulad nito. Madalas din ditong gumagamit ng mga salita, parirala, o pangungusap na inuulit-ulit sa kabuuan ng teksto upang madiin ang paksa o konseptong ipinahahayag.

Minsan, ang mga salita ay isinusulat nang malaking titik upang mabigyang-diin ito, gayundin ay gumagamit ito ng tandang padamdam (!). Sa isang tekstong nanghihikayat, maaaring nagpapahayag ang manunulat ng kaniyang mga opinyon na batay sa mga datos. Ang paggamit ng mga datos ay makatutulong upang mahimok niya ang mambabasa na panigan ang inihahayag niyang opinyon.

SA LIKOD NG MGA KAALAMANG ATING NANG

NALAGPASAN, MAAARI NA MAYROONG

KATANUNGANG BUMABAGABAG SA IYONG

ISIPAN. “PAANO MALALAMAN NA NAGING

MABISA ANG PANGHIHIKAYAT?”

PAANO MATUKOY KUNG MABISA ANG PANGHIHIKAYAT?

  1. Hindi na siya nagtatanong pa sapagkat tila nasagot na ang anumang alinlangan niya.
  2. Handa na niyang tangkilikin ang isinasaad ng teksto.
  3. Makapagpapahayag na siya ng isang pahayag sa tekstong nabasa.
  4. Maaari na siyang makipag-argumento dahil nakumbinsi na sa tekstong nasuri.
  5. Maaari na niyang magamit sa tunay na buhay ang laman ng teksto.

NAGSASAAD NG PRINSIPYO O PANINIWALA

Ito ay pagpapahayag na itinatampok ang paniniwala o adhikain ng isang tao, grupo ng mga tao, o institusyon. Maaaring hinggil ito sa lipunan, bayan, o personal na paniniwala o pananampalataya.

NAGSASAAD NG PRINSIPYO O PANINIWALA

Ilan sa mga halimbawa nito ang mga talumpati na binibigkas ng maiimpluwensiyang tao sa lipunan tulad ng mga politiko, mga may posisyon sa gobyerno, mga pinuno ng iba’t ibang institusyon tulad ng simbahan, malalaking samahan o organisasyon, at mga katulad nito.

NAGBIBIGAY-EDUKASYON O NANGANGARAL

Ilan sa mga halimbawa na gumagamit ng ganitong kaparaanan o estratehiya ay ang mga panawagan o patalastas ng mga programa ng pamahalaan at ang ilang mga akademikong materyal na ginagamit sa loob ng isang paaralan o pamantasan.

NANG-IIMPLUWENSIYA

Ito ay ang pagpapahayag na ang layon ay mabago ang paniniwala ng isang indibidwal, grupo ng mga tao, o ng isang institusyon. Ilan sa masasabing halimbawa nito ang mga radikal na sulatin ng mga politikal na ideolohiya o panrelihiyong paniniwala na nagpapahayag ng aral o turo.