

















Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
NOLI ME TANGERE RIZAL WORKS ABOUT ELIAS
Typology: Summaries
1 / 25
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
.
PAALALA: *natalakay na
Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig ➢ Ipinaliwanag ni Elias na nais niyang isama si Kapitan Pablo sa lupain ng mga di-binyagan upang doon manirahan nang payapa kahit malayo sa sibilisasyon, yaman din lamang na walang nangyari sa paghahanap sa angkang nagpahamak sa kanyang pamilya. ➢ Binigyang diin pa ni Elias na magturingan na lamang silang dalawa bilang mag-ama yamang pareho na silang nag-iisa sa buhay.
Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig ➢ Umiling lamang si Kapitan Pablo sa kahilingan ni Elias at sinabing wala siyang dahilan para magpanibagong buhay sa ibang lupain dahil kailangan niyang maipaghiganti ang kalupitang sinapit ng kanyang dalawang anak na lalaki at isang babae sa kamay ng masasama. ➢ Inilahad niya ang mga pinagdaanang kaapihan at kasawian ng kanyang mga anak.
Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig ➢ Ipinahayag ni Elias na siya ay nakakilala ng isang binatang mayaman, matapat, may pinag-aralan at nag-iisang anak ng isang taong marangal na hinamak din ng isang pari, maraming kaibigan sa Madrid, kabilang ang Kapitan-Heneral. ➢ Tiniyak ni Elias sa matanda na makatutulong ang binatang ito sa pagpapaabot ng hinaing sa Heneral.
Kabanata 45: Ang mga Pinag-uusig ➢ Nangako si Elias na malalaman ni Kapitan Pablo ang magiging resulta ng kanilang pag-uusap. ➢ Kapag pumayag ang binata, may maaasahan sila at makapagtatamo sila ng katarungan. Kung hindi, si Elias umano ang unang kasama niyang maghahandog ng buhay.
Kabanata 52: Ang Baraha ng Patay at mga Anino ➢ Ang mga usapan ng mga anino tungkol sa magaganap na paglusob sa kumbento at kwartel. ➢ Ipinaliwanag ng bagong dumating na anino na sinusubaybayan siya kaya kaya’t naghiwa-hiwalay na sila at tinagubilinan ang mga dinatnan na kinabukasan ng gabi nila tatanggapin ang mga sandata kasabay ng sigaw na “Mabuhay Don Crisostomo” ➢ Dalawang sibil ang naglalakad sa tabi ng simbahan. Pinag- uusapan nila ang tungkol sa paghuli kay Elias sapagkat sinumang makahuli rito ay hindi mapapalo sa loob ng tatlong buwan.
Kabanata 61 : Ang Barilan sa Lawa
Kabanata 63 : Noche Buena
➢ Habang kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang sa kanya, namataan nila si Sisa na isang palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa. ➢ Si Sinang ay tumanggap ng liham mula kay Maria Clara ngunit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang mga magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra.
➢ May kumalat namang balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bitayan ay utang niya kay Linares. ➢ Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang bahay ng Alperes. Nandoon ang ina, umaawit nang walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito nang takbo.