






Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Lesson Plan in Social Studies emphasizing on contemporary issues
Typology: Lecture notes
1 / 10
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
Isang Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at pakikilahok sa mg agawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa. B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang pamayanan. C. Pamantayan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagmamamayan. Mga Tiyak na Layunin
1. Kaalaman: Natutukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan; 2. Apektib: Napapahalagahan ang papel ng isang aktibong mamamayan para sa pagbabago ng panlipunan 3. Saykomotor: Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging isang aktibong mamamayan sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain tulad na lamang ng maikling dula-dulaan, paggawa ng slogan, paggawa ng graphic organizer, at pagbuo ng isang community action plan. II. PAKSANG ARALIN A. Paksa: AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN B. Konsepto: Ang konsepto ng aktibong pagkamamamayan ay tumutukoy sa gawaing nauugnay sa pagkilos at pagganap ng isang indibidwal sa kanyang tungkulin bilang mamamayang nagtataglay ng mga karapatan at kalayaan. C. Sanggunian: Araling Panlipunan Modyul 2 Aralin 1 D. Kagamitang Panturo: Laptop, TV, Speaker, Kartolina, Manila paper at Marker. E. Integrasyon: Edukasyon sa Pagpapakatao, Sustainable Development Goals (SDG No. 13) AP9MSP IVb-3 Week 2
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Panimulang Gawain Pagbati Magandang umaga sa lahat. Panalangin Bago tayo magsimula ng ating klase, tumayo muna ang lahat at hingin natin ang tulong at gabay ng Panginoon sa isang panalangin. Pagtala ng mga Lumiban Maari na kayong umupo. May mga lumiban ba ngayong araw? Magaling. Paglatag ng mga Alituntunin Sa bawat silid-aralan ay may mga bagay tayong dapat susundin at tatandaan upang maging maayos at organisado ang ating talakayan. Anu- ano nga ba ang mga alituntunin na kailangan natin susundin? Napakahusay. Balik-Aral Upang simulan ang ating talakayan, balikan muna natin ang mga napag-aralan natin sa mga naunang aralin sa pamamagitan ng isang laro; tatawagin natin itong Rolyo Repolyo. Ipapasa sa buong klase ang repolyo at sa bawat dahon nito ay may nakasulat na mga katanungan o pahayag, kung sino ang huling makakahawak ng repolyo sabay sa pagtigil ng saliw ng musika ay siyang kukuha ng dahon at sasagutan nito ang katanungan.
Halimbawa:
Ano ang mga salitang inyong nahulaan? Magaling! Ngayon, ilaan muna ang inyong atensyon sa screen. Ating suriin at pakinggan ang awiting Handog ng Pilipino sa Mundo (Various Artists-Handog Ng Pilipino Sa Mundo Official Music Video) Pamprosesong Tanong: T: Anong naramdaman niyo matapos panoorin ang bidyu? T: Anong kaganapan sa ating kasaysayan ang ipinapakita sa bidyu? I love you Makatao Makabayan MakaDiyos Makakalikasan Aktibong mamamayan Makatao, Makabayan, MakaDiyos, Makakalikasan at Aktibong mamamayan
B. Paglinang ng Gawain Paglalahad Tama. Sa inyong palagay, anong katangian bilang mamamayan ang ipinakita ng milyon-milyong Pilipino sa EDSA? Napakahusay. Ang pakikisama, pakikilahok, at pag-iisa ng mga Pilipino sa EDSA ay nagpapakita ng isang mamamayang aktibo na handang tumugon sa isyung hinaharap ng lipunan. Pero paano natin masasabi na aktibo ang isang mamamayan o nakatutulong sa kanyang lipunan base sa bidyung napanood at mga larawang ito? Mahusay! Pangkatang Gawain Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng isang pangkatang gawain. Hahatiin ko ang klase sa apat na pangkat. Bibigyan ko ang bawat pangkat ng isang envelope na naglalaman ng inyong dapat gagawin. Gamitin ninyo ang sumusunod na pamantayan sa pagsasagawa ng pangkatang gawain:
Mahusay. Bilang isang mag-aaral, ito ba ay iyong ginagawa? Bakit oo/ bakit hindi? Magaling! Ngayon ano naman ang ikalawang katangian ng isang aktibong pagkamamamayan? Ano ang katangian ng isang mamamayang makadiyos? Napakahusay! Bakit mahalaga na may takot at pananampalataya tayo sa Diyos? Tama! Laging isa-isip at isa-puso na bilang isang Pilipino mas tumitibay ang ating pagkakaisa at pagsasama kung may pusong busilak na Diyos ang nasa sentro nito. Ngayon, kung ikaw ay MakaDiyos ibig sabihin nito taglay mo rin ang pangatlong katangiang ito. Ano ito? Magaling. Paano natin masasabi na ang isang mamamayan ay Makatao? Ano-anu ang mga halimbawa ng katangian ito? Ang mga halimbawa nito ay pagiging tapat sa Republika ng Pilipinas, tulad na lamang ng paggalang sa bandila, pambansang awit, pagbabayad ng buwis, pagtangkilik ng mga produktong gawang Pinoy at ang pinakaimportante sa lahat ay ang pagboto ng tama tuwing eleksiyon. (Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral) Ang pagiging MakaDiyos. Ang pagiging MakaDiyos at madasalin ay isa sa pinakamahalagang katangian ng Pilipino. Pinanatili nito ang ating relasyon sa Panginoon upang maibahagi at maisabuhay natin ang mga values o mabubuting asal. Kung may takot ka sa Diyos, kabutihan at kabusilakan ang mangingibabaw sa iyong puso at iiwasan mo ang gumawa ng masama sa iyong kapwa. Ito ay ang pagiging Makatao. Ang mamamayang makatao ay iginagalang, isaalang-alang, at protektahan ang karapatan ng bawat isa. Tulad na lamang ng pagbigay ng konsiderasyon sa iba, ang mga Muslim ay nag-aayuno o nagfafasting ngayong Ramadan upang magpakita ng pagtitiis at pagmamahal sa Allah.
Napakahusay! Ano naman ang panghuling katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan? Bakit mahalaga ang pagiging makakalikasan? Napakahusay.! C. Pangwakas na Gawain Paglalahat Upang masubok ko ang inyong pag-unawa sa ating aralin, may mga katanungan ako sa inyo. Ano ang aktibong pagkamamamayan? Anu-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong pagkamamamayan? Paglalapat Tama. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipapakita na ikaw ay isang aktibong mamamayan, na Makabayan, MakaDiyos, Makatao, at Makakalikasan? Ang huling katangian ay ang pagiging makakalikasan. Ang pagiging Makakalikasan ay katangian ng mga taong nagpapamalas ng pagmamahal, pagpapahalaga at pangangalaga sa ating kapaligiran. Mahalaga ito dahil naproprotekhan at nabibigyan ng Halimbawa nito ay pagsama sa mga tree planting activities at clean-up drives. Ang konsepto ng aktibong pagkamamamayan ay tumutukoy sa gawaing nauugnay sa pagkilos at pagganap ng isang indibidwal sa kanyang tungkulin bilang mamamayang nagtataglay ng mga karapatan at kalayaan. Pagiging Makabayan, MakaDiyos, Makatao, at Makakalikasan Iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral.
Panuto: Gumawa ng isang proyekto na nagpapakita ng pagiging isang aktibong mamamayan na makatutulong sa iyong komunidad. Ang proyekto ay tatalakay sa mga problemang matagal nang kinakaharap ng inyong komunidad. Gawin ito sa isang short bond paper. Titulo ng proyekto Problemang nais masolusyonan Layunin Mga kailangan Mga kasangkot Paraan sa paggawa Inaasahang petsa sa pagsasagawa