Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

lesson Plan about filipino, Schemes and Mind Maps of Science education

Bachelor of Secondary Education

Typology: Schemes and Mind Maps

2024/2025

Uploaded on 02/15/2025

angelica-dela-cruz-lopez
angelica-dela-cruz-lopez 🇵🇭

1 document

1 / 14

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
LOPEZ, ANGELICA D.
BSE FILIPINO 3
SED FIL 315A - Technology for Teaching and Learning 2
Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8
I. Mga Layunin
Sa loob ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. ) Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tula sa kasalukuyan
b. ) Naipahahayag ang kahalagahan ng pagsusuri sa pagsulat ng tula sa kasalukuyan
c. ) Nakasusulat ng tula gamit ang mga angkop na salita sa kasalukuyan
II. Paksang-Aralin
Paksa: Mga Angkop na Salita sa Pagbuo ng Orihinal na Tula
Sanggunian: Filipino 8: Pinagyamang Wika at Panitikan ni Aida M Guimarie
pp 89-96 (F8PD-I-IIa-b-23)
Kagamitan: Powerpoint Presentation,visual aids,laptop, TV at video clips ng tulang “Mga
Basang Unan” ni Juan Miguel Severo
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
(Magtatanong ang guro sa klase kung sino ang nais na
manguna ng panalangin)
2. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral!
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
(Magbibigay ang guro ng mga alituntunin sa klase at
ipababasa ito)
Mag-aaral X: Ako po ma’am.
(Pupunta ang mag-aaral sa harap at
mananalangin ang buong klase)
Magandang umaga po, Bb.. Lopez!
(Magbabasa ang mga mag-aaral at
sasang-ayon sa bawat tuntunin )
I.
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe

Partial preview of the text

Download lesson Plan about filipino and more Schemes and Mind Maps Science education in PDF only on Docsity!

LOPEZ, ANGELICA D.

BSE FILIPINO 3

SED FIL 315A - Technology for Teaching and Learning 2

Detalyadong Banghay-Aralin sa Filipino 8

I. Mga Layunin

Sa loob ng 60 minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. ) Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tula sa kasalukuyan

b. ) Naipahahayag ang kahalagahan ng pagsusuri sa pagsulat ng tula sa kasalukuyan

c. ) Nakasusulat ng tula gamit ang mga angkop na salita sa kasalukuyan

II. Paksang-Aralin

Paksa: Mga Angkop na Salita sa Pagbuo ng Orihinal na Tula Sanggunian: Filipino 8: Pinagyamang Wika at Panitikan ni Aida M Guimarie pp 89-96 (F8PD-I-IIa-b-23) Kagamitan: Powerpoint Presentation , visual aids,laptop, TV at video clips ng tulang “Mga Basang Unan” ni Juan Miguel Severo

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

  1. Panalangin

 (Magtatanong ang guro sa klase kung sino ang nais na manguna ng panalangin)

  1. Pagbati

 Magandang umaga mga mag-aaral!

  1. Pagsasaayos ng silid-aralan

 (Magbibigay ang guro ng mga alituntunin sa klase at ipababasa ito)

 Mag-aaral X: Ako po ma’am.  (Pupunta ang mag-aaral sa harap at mananalangin ang buong klase)

 Magandang umaga po, Bb.. Lopez!

 (Magbabasa ang mga mag-aaral at sasang-ayon sa bawat tuntunin )

I.

  1. Pagtala ng Liban

 (Magtatanong ang guro sa kalihim kung may lumiban sa klase)

  1. Balik-aral

 (Susuriin ng guro ang kaalaman ng mga mag-aaral sa nakaraang talakayan sa pamamagitan ng mga tanong)

 Ano nga ulit ang dalawang anyo ng mga tula?

 Tama ang iyong sagot. Ano naman ang pangalawa?

 Mahusay! Tama rin ang iyong sagot.  Ano-ano naman ang mga elemento ng tula?

 Mahusay! Mukhang handang-handa na kayo mga mag-aaral. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong naman ay binubuo ng mga taludtod. Kaya naman mahalagang magkaroon tayo ng sapat at karagdagang kaalaman sa mabisang pagsulat ng isang tula sa kasalukuyang panahon.

 Bago natin simulan ang talakayan, alamin natin ang mga layunin ng ating talakayan: (Ipababasa ng guro sa mga mag-aaral ang layunin)

 Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tula

sa kasalukuyan

 Naipahahayag ang kahalagahan ng pagsusuri sa

pagsulat ng tula sa kasalukuyan

 Nakasusulat ng tula gamit ang mga angkop na salita

sa kasalukuyan

 Ano sa tingin ninyo ang magiging talakayan natin ngayong araw?

 (Tutugon ang kalihim ng klase)

 Mag-aaral X: Ang una ma’am ay tulang nasa malayang taludturan.

 Mag-aaral X: Ang pangalawang anyo po ng tula ma’am ay tradisyunal.

 Mag-aaral X: Ang mga elemento po ng tula ma’am ay Persona, Talinghaga,Tugma at Sukat.

 (Babasahin ng mga mag-aaral ang Mga layunin)

 Mag-aaral X: Sa tingin ko po ma’am ay tungkol sa iba’t ibang paraan ng pagsulat ng tula sa kasalukuyan.

 Nauunawaan ba mga mag-aaral?

 Mabuti kung ganoon. Handa na ba kayong manood?

 Ngayon naman ay susuriin na natin ang inyong saloobin sa pinanood na pagbigkas ng tula. Maaari niyo bang basahin muli ang panuto?

 Maraming salamat.  Sino ang nais sumagot sa unang aytem?

 Sige mag-aaral X, iyong subukin.

 Opo ma’am.

 Handa na kami ma’am.

 (Manonood ang mga mag-aaral)

 (Babasahin muli ng mga mag-aaral ang panuto)

 Ako po ma’am.

 Ang mag-aaral X na sumagot sa aytem 1 ay naglagay ng sa “Lubusang Sang-ayon”

 Ako po ma’am.

 Ang mag-aaral X na sumagot sa aytem 2 ay naglagay ng “Sang-ayon”

 Nais ko rin po ma’am.

Pamantayan Lubusan g Sang- ayon

Sang- ayon

Medyo Sang- ayon

Hindi Sang-ayon

  1. Maayos na maayos ang tindig ng mambibigkas ng tula sa tanghalan
  2. Naiparinig ang pagbabago-bago ng tinig ng mambibigkas ng tula ayon sa diwang ipinahahatid ng tula
  3. Napagtuunan ng pansin ng mambibigkas ng tula ayon ang kaniyang tagapakinig
  4. Kahanga-hanga ang paggamit ng kumpas ng kamay, kilos, at galaw ng katawan na angkop sa diwa ng tula
  5. Damang-dama ang damdamin ng mambibigkas sa pagbigkas ng tula

 Salamat mag-aaral X Sino pa?

 Sige mag-aaral X, iyo ring subukin.

 Salamat mag-aaral X Sa hanay naman na ito, sino ang may gusto?

 Sige mag-aaral X, ikaw naman.

 Salamat mag-aaral X Sino pa?

 Sige mag-aaral X, subukin mo rin.

 Salamat mag-aaral X Nasa huling aytem na tayo, sino pa ang nais sumagot?

 Sige mag-aaral X, iyong sagutin.

 Salamat mag-aaral X.  Napakahuhusay ninyong sumagot!

 Ngayon ay sagutin natin ang mga tanong na ito mula sa inyong napanood na pagbigkas ng tula.

  1. Tungkol saan ang ating napanood na pagbigkas ng tula?

 Mahusay! Maraming salamat.

  1. Ano ang nararamdaman ng manunula habang bumibigkas at paano niya ito ipinakita?

 Magaling! Maraming salamat.

  1. Sa tingin ninyo, sa anong paraan naging mabisa ang paglalahad niya ng kaniyang damdamin?

 Ang mag-aaral X na sumagot sa aytem 3 ay naglagay ng sa “Lubusang Sang-ayon”

Ako po ma’am.

 Ang mag-aaral X na sumagot sa aytem 4 ay naglagay ng sa “Lubusang Sang-ayon”

 Ako na po ma’am.

 Ang mag-aaral X na sumagot sa aytem 5 ay naglagay ng sa “ Sang-ayon”

 Mag-aaral X: Tungkol po ito sa kasawian sa pag-ibig ng manunula ma’am.

 Mag-aaral X: Sobrang kalungkutan po ma’am dahil mahahalata ito sa kaniyang tono ng pananalita.

 Mag-aaral X: Sa tingin ko po ay malaking tulong ang mga salitang ginamit niya sa pagbuo ng tula kahit na hindi po literal ang mga kahulugan ng mga ito.

 Salamat mga mag-aaral.

 Maaari na kayong magtanong. (isasara ng guro ang kaniyang kopya)

ang sagot sa nararamdaman ng awtor?

 (Isasara ng mag-aaral ang kaniyang kopya)  Mag-aaral X: Tungkol po sa kasawian o kabiguan sa pag-ibig ma’am.

 Mag-aaral X: Paano iniwan ng kaniyang kasintahan ang manunula?

 Mag-aaral X: Halos araw-araw at buong gabi po ma’am.

 Mag-aaral X: Mula po sa katagang “Mahal kita Kung titignan nang maigi ang mga salitang isinulat ng mga sugat na iniwan mo, ‘yang dalawang ‘yan ang mababasa ko: Mahal kita,” ma’am.

 Mag-aaral X: Malaya po ang paraan na ginamit ng awtor sa pagbuo. Wala po itong sukat at tugma.

 Mag-aaral X: Gumamit po ang manunula ng mga matatalinghagang salita sa paghahatid ng mensahe ng kaniyang tula ma’am.

Mga Basang Unan Ni Juan Miguel Severo

Noong iwan mo ako nang walang pasabi, o pangako ng pagbabalik, umiyak ako buong gabi Umiyak ako nang sobrang tindi; kinailangan kong ibilad sa araw ang unan ko kinabukasan Ang sarap pala sa pakiramdam ng patulugin ka ng sarili mong pag-iyak Naisip ko, hindi pinakuluang dahon ng bayabas, o alak, ang sagot sa ganitong klaseng sakit Luha ang pinakamabisang pang-langgas sa sugat ng puso Kaya… inaraw-araw ko ito Sinisimulan at tinatapos ko ang mga araw na binabalikan ang mga sugat na iniwan mo Iniisa-isa ko ang mga alaala’t hinahanap kung saan sila bumaon dito sa puso ko Nakakatawa Ang akala ko noon, kung dumating man ang araw na ‘to, puro mga alaala ng away at hindi natin pagkakasunduan ang iintindihin ko, kasi ‘yun, mahirap gamutin; na sila, kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mga mata ko, magdurugo pa rin Pero mas nagdurugo ako para sa mga tawa mo Mas nagdurugo ako sa mga patawa mo Mas nagdurugo ako sa mga yakap mo, sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan-dahan mo akong hinahaplos at ang hininga ko ay nahahapo at kinakapos kapag niyayapos kita Nagdurugo ako noong umalis ka, pero mas nagdurugo ako sa unang gabi na pinili mong manatili Nagdurugo ako noong gabing sabihin mo na ayaw mo na, pero mas nagdurugo ako noong gabing tanungin mo ako kung pwede pa ba? Nagdurugo ako noong gabing tinalikuran mo ako, pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko, nandun ka pa At nagdurugo ako At nagdurugo ako At nadudurog at nadudurog at nagdurugo pa rin ako sa alaala na ikaw pa ang mas naunang nagsabi ng, “Mahal kita ” Mahal kita Kung titignan nang maigi ang mga salitang isinulat ng mga sugat na iniwan mo, ‘yang dalawang ‘yan ang mababasa ko: Mahal kita At sa inaraw-araw ng pagbibilad kong gan’to, nagmamanhid na sila Mahal kita At sa dinami-rami ng luha na pinang-langgas ko rito, naglalamig na sila Mahal kita At sa hinaba-haba ng panahon na ginugol ko sa gamutan, nagmamanhid na sila Mahal kita At sa tinagal-tagal nitong kumikirot sa dibdib ko, medyo nakakasanay na Mahal kita At sa tinatagal-tagal ng panahon na ginugol ko sa gamutan, magsasara na sila Magsasara, at magiging mga pilat na paulit-ulit kong mababasa at ang parati lang sasabihin ay mahal kita Mahal, kung magkita man tayong muli at tanungin mo kong muli kung pwede pa ba, ang hihilingin ko lang sa’yo ay mga bagong unan Dahil ang lahat ng sa akin ay akala mo’y naulanan Dahil lahat sila ay akin nang naiyakan at nag-iwan ng mga kwento natin Ayaw ko nang matulog sa mga unang basa at malunod sa pagtulog sa alaala na mahal kita, mahal pala kita, na mahal pa rin pala kita At sa wakas, hindi na kasing sakit ng dati Pero mahal, masakit pa

 Dahil ayon sa kaniya, pagluha ang ang solusyon sa kaniyang nararamdaman at sa pamamagitan nito ay mas nakakatulog siya.  Ano nga ulit ang paksa ng ating napanood at nabasang tula?

 Mahusay! Tama ang iyong sagot

 (Isasara ng mag-aaral ang kaniyang kopya)  Iniwan siya nito nang walang pasabi.

 Tama ang iyong sagot.  Sa pangyayaring ito, gaano kadalas ang pagluha ng awtor?

 Anong pahayag ang nagpapatunay mula sa tula ang na mahal ng manunula ang kaniyang kasintahan.

 Napakahusay!

 Mula sa inyong sagot, ano ang inyong napansin?

 Mahusay! Tama ang iyong sagot.  Ano pa ang inyong napansin?

 Magaling! Tama ang iyong sagot.

3. Pagtatalakay

 Natalakay na natin noong nakaraan ang dalawang anyo ng tula at mga elemento nito. Ngayon naman ay dadako na tayo sa Paggamit ng Angkop na Salita sa

 Mag-aaral X: Ang talinghaga o mga tayutay ang pinakamahalagang sangkap ng tula ma’am. Kung wala ito, hindi matatawag na ganap na tula ang isang isinulat na tula.

 Mag-aaral X: Ito rin po ang nagbibigay-kulay sa tula ma’am.

 Mag-aaral X: Napakahalaga nito ma’am dahil nakatatawag po ito ng pansin at mas nagiging maganda ang daloy ng tula.

 Mag-aaral X: Bilang kabataan, sa pamamagitan ng ganitong mga salita ay mas napapalalim pa po ang aming pag-unawa at talagang nararamdaman namin ang bawat mensahe.

taglayin ng kaniyang tula

Narito ang halimbawa ng ilang tayutay na karaniwang ginagamit ng makata sa pagsulat ng tula:

1. Simile/ Pagtutulad- ito ay nagtutulad ng dalawang bagay, tao, pangyayari, o animo’y, tila, mistula, at iba pa Halimabawa:  Ang pagmamahal ng Diyos sa tao ay parang walang katapusang araw at gabi

 Tila hugis kandila ang kaniyang daliri

2. Metapora/Pagwawangis- ito ay tuwirang naghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari , at iba pa na hindi gumagamit ng mga salitang panulad gaya ng simile Halimbawa:  Tuwing umaga, sardinas akong makikisiksik sa bus at ang katabi ko’y bawang ang kilikili 3. Personipikasyon/Pagbibigay ng katauhan- binigyang-buhay ang mga bagay na walang buhay na parang isang tao na kumikilos at nag-iisip Halimbawa:  Ang dahong palay na kulay ginto ay sumasayaw sa ihip ng hangin  Sa aking paanan ay may isang batis mahagpo’t magdamag na nagtutumangis 4. Apostrophe o Pagtawag- ginagamit itong estilo ng makatakapag nais manawagan o makiusap sa taong hindi niya kaharap sa oras na iyon Maaaring Diyos ang kaniyang tinatawagan, taong buhay, o patay Hindi na kailangang sumagot sa tanong ng makata o sa panawagan o pakiusap ng makata Halimabawa:  O, nasaan ka?  Bakit ako nagtitiis?  Diyos ko tulungan mo po ako!  Huwag mo po akong pabayaan

  1. Pagpapalit-tawag o Metonimya- sa tayutay na ito, hinahalinhan o kaya’y pinapalitan ng ibang katawagan ang isang bagay subalit kailangang may kaugnayan ang salitang ipapalit sa bagay na ito Halimbawa:

 Opo ma’am, naiintindihan po namin.

 Wala na po ma’am.

 (babasahin ng mga mag-aaral ang panuto at pamantayan)

 Ipinag-utos ni Pangulong Marcos ang masusing imbestigasyon sa naganap na aksidenteng pagkahulog ng bus sa bangin  Ipinag-utos ng Malakanyang ang masusing imbestigasyon sa naganap na aksidenteng pagkahulog ng bus sa bangin

  1. Eksaherasyon/Pagmamalabis/ Hyperbole- ginagamit sa tayutay na ito ang sobra-sobrang pagpapasidhi sa kalabisan o kaya’y kahinaan ng tao, pangyayari, bagay, kaisipan, kalagayan, at iba pa Halimbawa:Namuti ang mga mata niya sa kahihintayPagputi ng uwak saka siya magbabayd ng utang

 Nauunawaan niyo ba ang mabisang paggamit ng iba’t ibang uri ng tayutay at ang mga halimbawa nito?

 Mayroon pa ba kayong nais itanong o klaruhin bago natin simulan ang pangkatang gawain?

 Mabuti naman kung ganoon. Kung gayon ay handang-handa na talaga kayo sa ating gawain.

C. Pangkatang Gawain

4. Paglalapat/Paglalagom

 Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang gawain Nakagrupo sa apat ang klase. Ang mga lider ay kinakailangang pumunta sa harapan at idala ang cellphone, i- scan ang QR Code batay sa inyong pangkat. Ang bawat isa rito ay nagpapakita ng isang uri ng tayutay.

PANUTO: Sumulat ng maikling tula na binubuo ng dalawang saknong na may malayang taludturan na ginagamit ang tayutay na nakatala sa inyong QR Code. Ang paksa ay maaaring tungkol sa kaibigan o pamilya.Gagawin ninyo ito sa loob lamang ng 15 minuto. Narito ang pamantayan sa pagbuo ng inyong tula.

 Pakibasa ang panuto at pamantayan mga mag-aaral.

 (Magsisimula na sa pagbuo ng gawain ang mga mag-aaral)

 Mag-aaral X: Tungkol po ito sa kabiguan sa pag-ibig ma’am

 Mag-aaral X: Pagtutulad, Pagwawangis, at Personipikasyon.  Mag-aaral X: Pagtawag, Metonimya, at Pagmamalabis.

 (Magmamasid ang guro at gagabay sa klase kung may pangangailangan habang ginagawa ng bawat pangkat ang kanilang gawain)

 ( Ipapasa ng bawat pangkat ang kanilang gawain sa guro at kaniya naman itong susuriin)  Napakahuhusay! Tunay ngang naunawaan ninyo ang ating talakayan ngayong araw

5. Paglalahat

 Sukatin natin ang inyong pag-unawa sa ating naging talakayan ngayong araw  Tungkol saan ang tulang “Mga Basang Unan” ni Juan Miguel Severo?

 Magbigay ng mga uri ng tayutay na ating tinalakay.

 Ano ang kahalagahan ng paggamit ng mga tayutay o matatalinghagang salita sa isang tula?

 Napakagaling! Husto ang inyong mga sagot.

IV. Pagtataya

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin ang uri ng tayutay na ginamit sa bawat bilang

Pagtutulad Pagwawangis Personipikasyon Pagtawag, Metonimya Pagmamalabis

  1. Sa simbahan, na isang lugar na banal, ay maraming buwitre ang naglisaw
  2. Mistula akong salarin o isang maysakit
  3. Ang tik-tak ng oras, tila tanikalang hindi mapatid- patid
  4. Sila’y mga walang malay na ‘di iginalang ng bangis at dahas
  5. Bayan, kasalanan ko ba ang magtanggol sa mga api

V. Takdang-Aralin

Sumulat ng isang malikhaing tula gamit ang inyong mga natutunan ngayong araw sa paggamit ng iba’t ibang uri ng tayutay. Pumili kayo ng nais ninyong paksa at isaang-alang ang pamantayan.

PAMANTAYAN PUNTOS

Daloy ng Kaisipan 15 Wastong gamit ng Wika 25 Orihinalidad 20 Paggamit ng matatalinghagang salita o Tayutay

KABUUAN 100