Download learning kit that provides a learning topics and activities and more Cheat Sheet Teaching method in PDF only on Docsity!
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment) Manual for Teachers and Parents English, First Edition, 2023 Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from them. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education, Region 1 Secretary: Sarah Z. Duterte Undersecretary: Gina O. Gonong Development Team Writers : Maricel L. Acosta Jessica R. Cadang Mary Grace B. Casita Editha M. De Guzman Oscar R. Gamiao Jr Maricel N. Guerrero Moises M. Lopez III Hazel Ann S. Negranza Julius P. Pajarillo Enrico Lee E. Suarez Allan M. Utleg Ana Fe R. Velo Jolly T. Victorio Sherryl F. William Layout Artists and Illustrators: Bobbit Dale M. Bulatao, San Carlos City Santino B. De Jesus, San Carlos City Armando S. Vinoya, San Carlos City Ligaya P. Daguison, Pangasinan 2 Editors : Elisa R. Ranoy, Alaminos City Zorayda S. Paguyo, Batac City Marilou Omotoy , Batac City Edgardo P. Pescador, Candon City Gemma M. Erfelo, Dagupan City Editha R. Mabanag, Ilocos Norte Remilyn P. Abrogena , Ilocos Norte Maria Teresita R. Gapate, Ilocos Sur Juanito V. Labao, Laoag City Louisito Libatique, La Union Melchora N. Viduya, Pangasinan I Annabelle M. Parel, Pangasinan II Vivian V. Ofanda, San Carlos City Rowena R. Abad, San Fernando City Perlita F. Abat, San Fernando City Edmundo A. Bisquera, Urdaneta City Felipa T. Regaspi, Vigan City Project Proponent : Joselito D. Daguison, EPS-Filipino Consultants : Arlene A. Niro, Chief Education Supervisor, CLMD Rhoda T. Razon, Assistant Regional Director Tolentino G. Aquino, Director IV
Sa antas na ito, inaasahang mabasa nang wasto ang anim (6) o higit pa mula sa sampung (10) pangungusap. BAGO ANG PAGTATASA
1. Ibibigay ng guro ang sipi ng limang pangungusap na babasahin ng mag-aaral. HABANG NAGTATASA
- Masinsinang makinig sa pagbabasa ng mag-aaral. Markahan ang mga kamalian sa kanyang sipi. PANGUNGUSAP
- Maganda ang panahon sa probinsya ngayon.
- Masakit ang katawan ng kaniyang butihing ina.
- Mahalaga ang paghuhugas ng kamay bago kumain.
- Ang pagiging responsableng anak ay halimbawa ng mabuting asal.
- Ang kaniyang anak ay mahimbing na nakatulog habang malamyos ang aliw-iw ng batis.
- Gustong pumasok sa paaralan ni Marta subalit siya ay nilalagnat.
- Mahirap ang trabaho sa plantasyon kaya matinding pagod ang naramdaman niya.
- Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa pangaral ng iyong mga magulang.
- May mabuting kalooban ang mag-asawa sapagkat tumutulong sa mga kapitbahay na nangangailangan.
- Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya’t dapat maging mabuti upang makamit ang kaligayahan ng buhay. PAGKATAPOS MAGTASA
- Gagamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
- Itatala ng guro ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ____._ Nabasa ba nang wasto ng mag- aaral ang anim (6) o higit pa mula sa sampung (10) pangungusap?
HINDI OO
IHINTO ANG PAGTATASA.
Ang mag-aaral ay nasa mababang antas ng Antas sa Pangungusap.
ANG MAG-AARAL AY
HANDA NANG
MAGPATULOY SA
SUSUNOD NA ANTAS.
KEY STAGE 3: Baitang 7
ANTAS 2 : PANGUNGUSAP
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)
Sa antas na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang mabasa nang wasto ang 90- 110 salita sa loob ng isang minuto nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita. BAGO ANG PAGTATASA
- Ibigay ang babasahing talata sa mag-aaral_._ HABANG NAGTATASA
- Pakinggang mabuti ang pagbabasa ng mag-aaral.
- Sikaping itakda ang oras sa mag-aaral na sa loob ng isang minuto ay makapagbasa siya ng 90-110 salita. Talata: SIGAW NG KALIKASAN Biyayang ipinagkaloob ng Maylikha ang kalikasan. Ito’y kakambal ng pagkatao kaya’t marapat nating pahalagahan gaya ng ating iniingatang buhay. Pagmasdan mo ang kapaligiran. Walang masisiglang dahon at sanga ang mga punongkahoy. Hindi na sariwa ang hangin, maitim ang ilog, kalbong kagubatang nagdudulot ng pagbaha, pagguho ng lupa at pag-init ng kapaligiran. Ang mga hayop ay walang masisilungan. Ang yamang dagat ay nasisira sa paggamit ng dinamita. Hindi mo pa ba ramdam ang mga pangyayaring ito? Marahil ika’y nagbubulag-bulagan. Imulat ang iyong mga mata, buksan ang puso’t isipan. Hindi pa ito ang huli. Makakaya mo kayang masaksihan ang hagupit ni Inang Kalikasan? Simulan sa iyong sarili. Kumilos na. PAGKATAPOS MAGTASA
- Gagamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
- Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ____._ Nabasa ba nang wasto ng mag- aaral ang 90- 110 salita sa loob ng isang minuto?
HINDI OO
IHINTO ANG PAGTATASA.
Ang mag-aaral ay nasa mababang antas ng Antas sa Talata.
ANG MAG-AARAL AY
HANDA NANG
MAGPATULOY SA
SUSUNOD NA ANTAS.
KEY STAGE 3: Baitang 7
ANTAS 3 : TALATA
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)
kundi maglakad, kumain, at matulog lamang. Isa na rito si manok. Si manok ay tanghali na rin kung gumising. Tutuka at muling sisilong sa kanyang maliit na hawla. “Kay buti naman ng iyong buhay manok, nasa bahay ka lang, patuka-tuka, samantalang ako….”, malungkot na wika ni kalabaw. “Kaibigang kalabaw, hindi sa minamaliit ko ang hirap at sakripisyong ginagawa mo. Sa totoo lang, hangang-hanga ako sa kasipagan mo dahil sa kabila ng bigat ng iyong trabaho ay nagagawa mo pa ring ngumiti.”, ang sagot naman ni manok. “Ganoon ba? Akala ko walang nakapapansin sa akin. Walang nakaiintindi. Walang nakararamdam ng aking pighati,” ang malumanay na sagot ni kalabaw. Hindi pa man muling nakasasagot si manok ay biglang nagsalita sina aso, pusa, kambing at pato. “Hanga kami sa’yo kalabaw.” Dahil sa narinig ni kalabaw ay nakaramdam siya ng kurot sa kanyang puso. “Salamat, kaibigang manok. Ngayon, gumaan na ang aking pakiramdam. Hindi ko dapat ikinukumpara ang aking ginagawa sa iba. Kailangan ko lang matutunan na may kaniya-kaniya tayong kakayahan na dapat gamitin upang makatulong sa iba.” Mula noon, nagbago na ang pananaw ni kalabaw. Masaya na itong pumupunta sa bukid upang magtrabaho at nananatili ang kaniyang kasiyahan hanggang pag- uwi ng bahay. PAGKATAPOS MAGTASA
- Gagamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
- Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ____._ Nabasa ba nang wasto ng mag- aaral ang tekstong may 250 - 300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita?
HINDI OO
IHINTO ANG PAGTATASA.
Ang mag-aaral ay nasa mababang antas ng Antas sa Kuwento.
ANG MAG-AARAL AY
HANDA NANG
MAGPATULOY SA
SUSUNOD NA ANTAS.
Sa antas na ito, ang mag-aaral ay inaasahang mababasa nang wasto ang tekstong may 250-300 salita at nasasagot nang tama ang lima o higit pang tanong mula sa sampung katanungan. BAGO ANG PAGTATASA
- Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
- Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan. HABANG NAGTATASA
- Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang pagbabasa ng teksto.
- Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
- Maaaring uliting basahin ang mga katanungan. Kuwento (Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 4 bilang babasahing materyal) Mga Tanong sa Pang-unawa
- Isang pamilya ng magsasaka ang nakatira malapit sa bukana ng ilog. Ano ang kasingkahulugan ng salitang bukana? (Talasalitaan) A. ibaba B. gilid C. harapan D. likod
- Bukang-liwayway pa lamang ay kailangan nang umalis sa bahay ni kalabaw upang mag-araro sa malawak na sakahan ng palayan at mais. Ano ang kasingkahulugan ng salitang bukang-liwayway? (Talasalitaan) A. gabi B. hapon C. madaling araw D. umaga
- Akala ko walang nakapapansin sa akin. Walang nakaiintindi. Walang nakararamdam ng aking pighati. Ano ang kasingkahulugan ng salitang pighati? (Talasalitaan) A. lungkot B. pinapansin C. sakit D. saya
KEY STAGE 3: Baitang 7
ANTAS 5 : KUWENTO NA MAY KOMPREHENSIYON
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)
IV. sinusuportahan sa maling gawain. A. I at II B. II at III C. I, II, at III D. I, II, III at IV PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gagamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
- Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ____._ Nabasa ba nang wasto ng mag- aaral ang tekstong may 250 - 300 salita at nasasagot nang tama ang lima o higit pang tanong mula sa sampung katanungan?
HINDI OO
IHINTO ANG PAGTATASA.
Ang mag-aaral ay nasa mababang antas ng Antas sa Kuwento na may Komprehensiyon.
ANG MAG-AARAL AY
HANDA NANG
MAGPATULOY SA
SUSUNOD NA ANTAS.
Sa antas na ito, ang mag-aaral ay inaasahang mababasa nang wasto ang tesktong may 250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita. BAGO ANG PAGTATASA
- Ilahad ang maikling pagpapaliwanag ukol sa lokal na materyal upang mapukaw ang kaniyang mga naimbak na karanasan na may kaugnayan sa babasahing teksto.
- Ibigay ang babasahing lokal na materyal sa mag-aaral. HABANG NAGTATASA
- Hayaan ang mag-aaral na basahing may katamtamang lakas ng boses ang lokal na materyal.
- Sa unang pagkakataon, habang nagbabasa ang mag-aaral, itala ang mga kamalian gamit ang talahanayan sa ibaba: Maling Bigkas Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag- uulit Paglilipat Pagbabaliktad Kabuoang Blg. ng Kamalian Teksto ng Lokal na Materyal: Sagad sa Ganda ang Sagada ni Hazel Ann S. Negranza Binansagang “Ang Pinakaiingatang Lihim ng Norte” ang Sagada, Mountain Province. Ngunit sa kasalukuyan, tila unti-unti nang nadidiskubre ang sikreto at misteryong ito. Noong 2019, ang lokal na gobyerno ay nakapagtala ng higit kumulang 180,000 na turista at ito’y parami nang parami taon-taon. Dinadayo ito dahil sa likas na kagandahan ng lugar, napakayamang tradisyon at mga taong napakamagigiliw. Narito ang ilan sa mga dapat bisitahin sa Sagada upang masaksihan ang sagad sa gandang Sagada. Kung naghahanap ng isang pambihira at mapanghamong paglalakbay, akma ang kuweba ng Sumaguing. Ito ay kilala bilang pinakamalalim na kuweba sa
KEY STAGE 3: Baitang 7
ANTAS 6 : LOKAL NA MATERYAL
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)
Sa antas na ito, ang mag-aaral ay inaasahang mababasa nang wasto ang tekstong may 250- 30 0 salita at nasasagot nang tama ang lima o higit pang tanong mula sa sampung katanungan. BAGO ANG PAGTATASA
- Ilahad sa mag-aaral ang mga tanong sa pang-unawa.
- Ibigay ang panuto kung paano sagutin ang mga katanungan. HABANG NAGTATASA
- Mahalagang ipaalala sa mag-aaral na maaaring ulitin nang ilang beses ang pagbabasa ng teksto.
- Bigyan ng sapat na oras ang mag-aaral sa pagsagot sa mga katanungan.
- Maaaring uliting basahin ang mga katanungan. Teksto ng Lokal na Materyal (Sumangguni sa kuwentong ginamit sa Antas 4 bilang babasahing materyal) Mga Tanong sa Pang-unawa
- Binansagang “Ang Pinakaiingatang Lihim ng Norte” ang Sagada, Mountain Province.” Ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap? A. Hinanap B. Hinalintulad C. Tinago D. Tinawag
- “Kung naghahanap ng isang pambihira at mapanghamong paglalakbay, akma ang kuweba ng Sumaguing.” Ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap? A. mahirap B. malalim C. malapit D. malayo
- “Kailangang dumaan sa masisikip na lagusan at suungin ang malamig na tubig.” Ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap?
KEY STAGE 3: Baitang 7
ANTAS 7 : LOKAL NA MATERYAL NA MAY KOMPREHENSIYON
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)
A. danasin B. harapin C. labanan D. iwasan
- Ano ang bansag sa Sagada, Mountain Province? A. Kaman-utek B. Burol ng Malboro C. Kuweba ng Sumaguing D. Ang Pinakaiingatang Lihim ng Norte
- Ilan ang naitalang turista noong 2019 na dumayo sa Sagada? A. Humigit kumulang 180, B. Humigit kumulang 190, C. Humigit kumulang 200, D. Humigit kumulang 210,
- Alin sa sumusunod ang nabanggit na maaaring puntahan ng mga turista sa Sagada? A. Burol ng Malboro B. Kaman-utek C. Kuweba ng Sumaguing D. Lahat ng nabanggit
- Mula sa binasa, angkop pa ba ang bansag sa Sagada na “ Ang Pinakaiingatang Lihim ng Norte”? Bakit? A. Hindi, dahil mga magigiliw na residente ng lugar. B. Hindi, dahil sa dami ng turista na dumadayo rito taon-taon. C. Oo, dahil hindi na lihim ang ganda nito sa mga turista. D. Oo, dahil hindi na lihim ang napakayamang tradisyon ng lugar.
- Bakit inilahad na sagad sa ganda ang Sagada? A. Dahil sa napakayamang tradisyon nito. B. Dahil sa mga residenteng napakamagigiliw. C. Dahil sa likas na yaman at kagandahan ng lugar. D. Dahil sa mayamang paniniwala ng mga residente.
- Alin sa sumusunod ang dapat ihanda sa pagpunta ng Sagada? I. Tubig at pagkain. II. Dyaket para sa malamig na panahon. III. Mga gamot at supply sa kaligtasan. IV. Kumportable at makapit na sapin sa paa para sa kuweba ng Sumaguing. A. I at II B. I, II at III C. I at III D. I, II, III at IV
- Bilang turista, paano mo mapapahalagahan at maiingatan ang likas na yaman ng Sagada?
Sa antas na ito, ang mag-aaral ay inaasahang mababasa nang wasto ang tesktong may 250-300 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita. BAGO ANG PAGTATASA
- Ilahad ang maikling paliwanag sa pagbasa ng akademikong teksto upang mapukaw ang iskemang kaalaman ukol sa teksto.
- Ibigay ang babasahing akademikong teksto sa mag-aaral. HABANG NAGTATASA
- Hayaan ang mag-aaral na basahin nang malakas ang akademikong teksto.
- Sa unang pagkakataon, habang binabasa ng mag-aaral ang akademikong teksto, ilista ang bilang ng mga salitang mali ang pagbasa ng mag-aaral gamit ang talahanayan sa ibaba: Maling Bigkas Pagkakaltas Pagpapalit Pagsisingit Pag-uulit Paglilipat Pagbabaliktad Kabuoang Blg. ng Kamalian Akademikong Teksto: BIONOTE Si Hazel Ann S. Negranza ay kasalukuyang nagtuturo sa San Fernando South Central Integrated School sa lungsod San Fernando, probinsiya ng La Union. Natapos niya ang kaniyang Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon medyor sa Filipino taong 2017 sa Kolehiyo ng San Luis. Sa parehong paaralan din nakuha ni Gng. Negranza ang kaniyang Master ng Sining sa Edukasyon medyor sa Filipino at nakamit ang titulong “cum laude” sa taong 2021. Sa apat na taon niyang pagbibigay serbisyo sa Departamento ng Edukasyon, siya ay nagtuturo ng asignaturang Filipino bilang Guro III partikular na sa baitang 7. Kaugnay nito, siya rin ang Filipino koordineytor ng naturang paaralan. Siya ang nangunguna sa paglinang ng kakayahan ng kaniyang mga mag-aaral sa pagbabasa sa Filipino sa pamamagitan ng iba’t ibang programa tulad ng “Tulong Dunong sa Pagbasa” at “Katoto’t Kakosa Kaagapay sa Pagbasa.” Ang mga
KEY STAGE 3: Baitang 7
ANTAS 8 : AKADEMIKONG TEKSTO
LETRA (Language Enhancement Through Reading Assessment)
programa ay nabuo sa tulong ng kaniyang kapwa guro at suporta ng kaniyang punong-guro. Ito ay naglalayong malinang ang lumalaking suliranin sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa Filipino. Bukod sa nabanggit, naging tagapagsalita at tagapangasiwa na rin ng ilang mga palihan sa kanilang dibisyon sa pagtataguyod sa pagpapayabong sa kaisipan ng mga mag-aaral ng wika at panitikang Filipino. Nabigyan din siya ng pagkakataong maging tagapagsanay para sa Licensure Examination for Teachers (LET) upang humubog sa mga nangangarap na maging lisensyadong guro. Bilang isang baguhang guro, patuloy niyang nililinang at nagpapakadalubhasa sa kaniyang pinili at sinumpaang larangan bilang tagapagtaguyod ng wikang Filipino at tagapagmulat ng kaalaman sa mga mag-aaral. PAGKATAPOS MAGTASA
1. Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
- Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ____._ Nabasa ba nang wasto ng mag- aaral ang tesktong may 250 - 30 0 salita nang walang kamaliang hihigit sa 7-10 salita?
HINDI OO
IHINTO ANG PAGTATASA.
Ang mag-aaral ay nasa mababang antas ng Antas sa Akademikong Teksto.
ANG MAG-AARAL AY
HANDA NANG
MAGPATULOY SA
SUSUNOD NA ANTAS.
- Ayon sa pangungususap na “Ang mga programa ay naglalayong malinang ang lumalaking suliranin sa pagbasa at pag-unawa ng mga mag-aaral sa Filipino,” ano ang kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita? A. nagnanais B. nagsasagawa C. nangangasiwa D. nangunguna
- Ano-anong programa ang pinapangunahan ni Gng. Negranza sa kanilang paaralan upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa? A. Pagpapaunlad sa Pagbasa B. Tulong Dunong sa Pagbasa C. Katoto’t Kakosa Kaagapay sa Pagbasa D. Titik B at C
- Saang paaralan nagtuturo si Gng. Negranza sa kasalukuyan? A. Kolehiyo ng San Luis B. South Central Integrated School C. Lungsod San Fernando, probinsya ng La Union D. San Fernando South Central Integrated School
- Ilang taon nagtuturo si Gng. Negranza sa Departamento ng Edukasyon? A. 3 B. 4 C. 5 D. 6
- Ano ang dahilan ng binuong programa para sa mga mag-aaral? A. Kagustuhan ng guro B. Kahinaan ng mga mag-aral sa pagbabasa C. Dahil sa suporta ng kaniyang punong-guro D. Dahil sa pagtulong ng kaniyang kapwa guro
- Mula sa binasang bionote, ano ang pinakamagandang dulot sa pagkuha nang mataas na antas ng edukasyon? A. Para sa ikauunlad ng pamilya B. Para sa pansariling pangangailangan C. Makapagbibigay ng pansariling pagkilala D. Makatutulong sa mga iba pang indibiduwal
- Alin sa sumusunod ang HINDI dapat isaalang-alang sa pagsulat ng Bionote? A. Kawastuhan at katapatan ng mga impormasyon. B. Gawing mahaba at matalinhaga ang paglalahad. C. Nakatuon lamang sa angkop na larangan ang impormasyon. D. Ilagay sa pinakaunang bahagi ang pinakamahalagang impormasyon.
- Ano ang pagkakaiba ng bionote sa talambuhay? A. Ang talambuhay ay siksik at maikli habang ang bionote ay may kahabaan B. Ang talambuhay ay matalinhagang ipinapahayag habang bionote ay hindi. C. Ang bionote ay nakatuon sa karanasang propesyunal habang ang
talambuhay ay mas detalyado na nakapokus sa personal na buhay ng tao. D. Ang bionote ay mas detalyado na nakapokus sa personal na buhay habang ang talambuhay ay nakatuon sa karanasang propesyunal ng tao. PAGKATAPOS MAGTASA
- Gamitin ang rubrik na nasa ibaba upang matukoy ang antas ng pagbasa.
- Itala ang resulta ng pagbasa ng mag-aaral gamit ang kalakip na Pormularyo ____._ Nabasa ba nang wasto ng mag- aaral ang akademikong teksto na binubuo ng 250- 300 salita at masagutan ang lima o higit pa mula sa sampung katanungan?
HINDI OO
IHINTO ANG PAGTATASA.
Ang mag-aaral ay nasa mababang antas ng Antas sa Akademikong Teksto na may Komprehensiyon.
NATAMO NG MAG-AARAL
ANG PINAKAMATAAS NA
ANTAS.
Ipaliwanag sa mag-aaral na nakamit niya ang pinakamataas na antas ng pang-unawa. Hikayatin ang iyong mag-aaral na ipagpatuloy ang pagbabasa upang mas lalo pang mahasa ang kaniyang kasanayan. Huwag kalimutang pasalamatan ang mag-aaral sa kaniyang kooperasyon at partisipasyon sa buong proseso ng pagtatasa. Maraming Salamat sa iyong dedikasyon sa pagsasagawa ng pagtatasa gamit ang FLAT. Maaari ka ng magpatuloy sa paghahanda ng mga kailangang ipasang ulat ukol sa isinagawang pagtatasa.