Download Kontekstawlisadong Komunikasyon sa Fi l ipino and more Slides Communication in PDF only on Docsity!
Modyul 1. Aralin 2
Batayang Kaalaman sa Komunikasyon
ANGELIKA S. BALAGOT
GURO
Paglalahad ng mga Layunin Matapos ang aralin, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
- Nabibigyang-kahulugan ang komunikasyon;
- Nailalahad ang kahalagahan, mga layunin at mga uri ng komunikasyon;
- Naikakapit ang mga konseptong pangkomunikasyon sa bawat sitwasyong pangkomunikasyon.
Katuturan at Kahalagahan ng Komunikasyon
Ang wika ang pinakamahalagang salik sa
pagkakaunawaan ng mga tao sapagkat nagsisilbi itong
instrumento o kasangkapan ng komunikasyon.
Napapanatili ang paggamit ng wika upang magkaroon ng
ugnayan ang mga tao saanmang sulok ng daigdig.
Ano ang Komunikasyon?
1. “Paraan o proseso ng pagpapahayag,pagbabahagi o pagpapalitan ng ideya,damdamin,impormasyon at katulad sa pamamagitan ng pagsusulat,pagsasalita o pagsenyas. “
(UP Diksyonaryong Filipino)
2. “Akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita at pasulat na paraan.”
(Webster)
Ano ang Komunikasyon?
4. “Isang proseso o paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues.”
(Tumangan,2000)
5. “Pagpapalitang-usap para kapwa makinabang ng kaalaman ang isa’t isa nang di nagkakalamangan.”
( Arrogante,1994)
Ano ang Komunikasyon?
- Buhat sa mga depinisyong ito ay mababatid na may pakikipagkomunikasyon sapagkat nariyan ang pakikipag-ugnayan at ito ay magagawa sa iba’t ibang pamamaraan.
- Komon sa mga depinisyong ito ang mga salitang
pagsusulat/pasulat, pagsasalita/pasalita, sagisag at tunog.
- Anumang bagay na sinusulat ay tinatawag na sagisag at anumang sinasalita ay tinatawag namang tunog.
Uri ng Komunikasyon
- INTRAPERSONAL – Ito ang tawag sa ating pakikipag komunikasyon sa ating sarili.
- Tinatawag na Internal Vocalization sa Ingles (Dance and Larson, 1972 ).
- INTERPERSONAL – Ito naman ang tawag sa pakikipagkomunikasyon natin sa ating kapwa gaya ng pag-uusap ng mag-asawa, magkaibigan, guro at estudyante, doctor at pasyente, at iba pa.
Uri ng Komunikasyon
- PANGKATANG KOMUNIKASYON – Ito ang tawag sa mas maraming partisipant at ang kabilang at sila ay mag iisang layunin lamang.
- PAMPUBLIKONG KOMUNIKASYON – Mas higit na pormal kaysa sa Pangkatang Komunikasyon. Nakatuon ang atensyon nito sa tagapagsalita gaya ng isang talumpati.
- PANGMADLANG KOMUNIKASYON – Naiiba sa Pampublikong Komunikasyon sapagkat higit na malawak ang saklaw nito na nangangailangan ng iba’t-ibang midya gaya ng pahayagan, radio, telebisyon, at social media.
Talasanggunian
- Angeles, Cristina I., etal. 2017.Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang pilipino. Muntinlupa City:Panday-lahi Publishing House,Inc.
- Angeles, Cristina I., etal. 2013. Akademikong filipino para sa kompetetibong pilipino. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
- Irabagon, Cristina C., et al. 2003. Sining ng komunikasyon. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
- San Juan, David Michael M.,et al.2018. Bahaginan.Kontetwalisadong komunikasyon sa filipino. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
Pagtatapos ng Klase
ANGELIKA S. BALAGOT
G URO
HANGGANG SA MULI