

Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Reviewer for Karapatang Pantao
Typology: Lecture notes
1 / 3
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa , ayon sa itinatakda ng batas. POLIS - ang lungsod-estado sa bansang Greece na binubuo ng mga taong may iisang mithiin. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal sa isang estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado at kabilang siya bilang isang citizen, siya ay gumagawa ng karapatan at tungkulin ANG MAMAMAYANG PILIPINO Sa Artikulo IV, Seksyon 1- 5 ng 1987 Konstitusyon, nakasaad ang mga itinatakda ng batas hinggil sa kung sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino. SEKSYON 1. Ang sumusunod ay ang mamamayan ng Pilipinas: SEKSYON 2. Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na wala nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamayang Pilipino. SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas. SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil ito. SEKSYON 5. Ang dalawahang katapatan ng pagkamamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan nang kaukulang batas. SALIGANG BATAS- legal na basehan ng pagkamamamayan ng isang ibdibidwal. MGA PRINSIPYO NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO 1.Jus Sanguinis – ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila. NATURAL BORN - ang mamamayan na katutubong inaanak ng Pilipinas.
2. Jus Soli – ang prinsipyo na naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga magulang. PAANO MAIBABALIK ANG PAGKA-PILIPINO? Naturalisasyon – ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan. Repatriation – ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang pinanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang kanilang
pagtalikod sa pagkamamamayan) Aksyon ng Kongreso – pagtugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa aplikasyon para maging isang mamamayang Pilipino. Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa Sandatahang Lakas ng bansa – ang paraang ito ay kadalasang para sa mga sundalo na nagsilbi sa pamahalaan ngunit tumakas habang sila’y nasa tungkulin lalo na sa panahon ng digmaan kaya nabawi ang pagkamamamayang Pilipino mula sa kanila. Kahalagahan Ng Pakikilahok Ng Mga Mamamayan Sa Gawaing Pansibiko at Gawaing Politikal Ang sibika ay tumutukoy sa pagiging mabuting mamamayan ng bansa. Bawat mabuting mamamayan ay nararapat na makibahagi sa mga iba’t ibang gawaing pansibika at gampanan ang kanyang mga responsibilidad upang matamo ng bansa ang minimithing pag-unlad. May responsibilidad at obligasyon ang bawat tao sa komunidad. Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong Mamamayang Nakilalahok sa Gawaing Pansibiko MAKABANSA Isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan ang pagiging makabansa. Tungkulin ng bawat isa sa atin na sikaping isulong ang pagtutulungan, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa. Ang isang mamamayang makabayan ay: a. Tapat sa Bansa b. Handang Ipagtanggol ang Estado c. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas d. Nakikipagtulungan sa Gobyerno e. Pagtangkilik sa Sariling Produkto f. Pagbabayanihan sa Panahon ng Kalamidad at mga Suliranin na ating Kinakaharap
MAKATAO Bawat tao ay may karapatan na dapat igalang at protektahan. Bilang mamamayan, may kalayaan tayong gamitin ang bawat karapatan ngunit dapat nating tandaan na ang bawat karapatan ay may kalakip na pananagutan at tungkulin na igalang din ang mga karapatan ng iba. PRODUKTIBO Ang aktibong mamamayan ay nagtatrabaho o gumagawa sa malinis na paraan. Ginagampanan nito ang kanyang tungkulin nang mahusay, may buong katapatan, at pagkukusa. MAY LAKAS NG LOOB AT TIWALA SA SARILI Ang katangian na pagiging matatag, at may tibay ng loob ay ipinamalas ng ating mga bayani sa paglaban sa mga mananakop na Kastila, Amerikano, at Hapones upang lumaya ang bansa mula sa kamay ng mga mapanlupig na dayuhan. MAKASANDAIGDIGAN Ang makasandaigdigang mamamayan ay mamamayan ng kanyang bayan at gayundin sa buong mundo. Palagi nitong isinasaalang - alang ang kapakanan ng kanyang bansa at ng mundo sa pangkalahatan.
539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kanyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon. - Nakatala ito sa isang baked clay cylinder na tanyag sa tawag na “ Cyrus Cylinder .” - Tinagurian ito bilang “World’s First Charter of Human Rights.” 1215, sapilitang lumagda si John I , Hari ng England , sa Magna Carta , isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga England.