Partial preview of the text
Download It is an example of filipino unit plan and more Study notes Plant physiology in PDF only on Docsity!
Learning Plan 2 Philippine Secondary High School K tol2 Curriculum for F ilipino I Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan sa napakinggang mitolohiya. Nasusuri ang nilalaman, elemento, at kakanyahan, ng binasang Sanaysay gamit ang mga ibinigay na tanong. Naibabahagi ang sariling reaksiyon sa ilang mahahalagang ideyang nakapaloob sa binasang parabula. Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay ipinararanas ng may-akda sa pangunahing tauhan ng epiko. Napatutunayan ang mga nangyayari sa maikling kuwento ay maaaring mangyari sa tunay na buhay. Nailalarawan ang kultura ng mga tauhan na masasalamin sa ilang kabanata ng nobela. Mga Layuning Pampag-aaral _ Araw 1: Kasaysayan ng Mitolohiya at Mga Diyos at Diyosa ng Rome Sa pamamagitan ng pagpapanood ng isang maikling dokumentaryo tunkol sa Mitolohiyang Rome, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. naiisa-isa ang mga tauhan sa napanood na dokumentaryo; 2. natutukoy ang mga kaakit-akit na katangian ng mga diyos at diyosa na maaari nilang maisabuhay; at 3. nakasusulat ng sariling mitolohiya batay sa paksa ng akdang binasa. Araw 2: Cupid at Psyche at Gamit ng Pandiwa Sa tulong ng PowerPoint Presentation tungkol sa Cupid at Psyche at gamit ng pandiwa, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. nakapagbibigay ng halimbawa ng gamit ng pandiwa batay sa akdang Cupid at Psyche; 2. nabibigyang halaga ang tamang gamit ng pandiwa sa pagsusulat ng sariling pangungusap; at Module 1 - Learning Plans in the Context of the 21" ‘Century 39 Lesson 2 - ICT-Pedagogy Integration in Language Leaming Plans