GNED11 – Kontekswalisadong Komunikasyon sa
Filipino
MODYUL 4: MGA TIYAK NA SITWASYONG
PANGKOMUNIKASYON
URI NG KOMUNIKASYON
1. Berbal - gumagamit ng salita o wika upang
ipahayag ang kaisipan, damdamin o saloobin sa
paraang pasalita.
2. Di-berbal - nagpapahayag ng damdamin o
gusto sa pamamagitan ng simbolo, ekspresyon
ng mukha, senyas, atbp.
ANTAS NG KOMUNIKASYON
1. Intrapersonal - pakikipag-usap sa sarili.
2. Interpersonal - pakikipagusap sa ibang tao.
3. Pampubliko - pakikipagusap sa maraming tao.
4. Pangmasa - panglahatan.
5. Pangorganisasyon - para sa mga grupo.
6. Pangkultura - pakikipagusap tungkol sa kultura.
7. Pangkaunlaran - komunikasyong naglalayong
gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa.
8. Pangkatang Komunikasyon - ugnayan sa
pagitan ng tatlo o mas marami pang taong may
iisang layunin.
PAMBUBLIKONG KOMUNIKASYON
• Glossophobia - takot sa pagsasalita sa harap
ng maraming tao.
• Lektyur - pagbabahagi ng teorya, kaalaman, at
kuru-kuro sa mag-aaral.
• Seminar - estratehiya sa pagtuturo para sa mas
mataas na antas na pagkatuto.
• Worksyap - pagbabahagi ng kaalaman at
kasanayan sa ibang tao.
• Forum - pagtitipon ng isang pangkat na may
magkakatulad na katangiang sosyal,
edukasyounal, at kultural.
• Simposyum - kumperensya o pulong upang
talakayin ang isang paksa.
• Kumperensya - pormal na pulong kung saan
ang mga kalahok ay nagkakaroon ng pagbabago
sa kani-kanilang pananaw sa iba’t ibang paksa.
• Pulong/Miting/Asembliya - mahalaga sa kahit
anong organisasyon o samahan upang talakayin
ang mahahalagang agenda nito.
PANGMADLANG KOMUNIKASYON
• Video Conferencing - interaksyon sa pagitan
ng dalawa o higit pang tao na nasa magkaibang
lokasyon.
• Pangmedia - paggamit ng dyaryo, radyo,
telebisyon, video conferencing, at social media.
MGA URI NG TALAKAYAN
1. Impormal na Talakayan - malayang
pagpapalitan ng kuro-kuro hinggil sa isang
paksa at walang pormal na mga hakbang na
sinusunod.
2. Pormal na Talakayan - nakabatay sa tiyak na
mga hakbang, may tiyak na mga taong
mamamahala at mamumuno ng talakay.
MGA URI NG SEMINAR
1. Mini-Seminar - karaniwan ay kakaunti ang
bilang ng mga dumadalo at simple lamang ang
paksang tatalakayin.
2. Medyor Seminar - isinasagawa ito ng mga
institusyon o mga kagawaran tungkol sa isang
paksa.
3. Nasyunal Seminar - isinasagawa ito sa antas
na pang-nasyunal.
4. Internasyunal Seminar - mga internasyunal na
ahensya o organisasyon ang nagsasagawa ng
seminar na ito.
MGA ELEMENTO NG SEMINAR
1. Papel - maayos na paghahanda ng sipi na
naglalaman ng paksang tatalakayin.
2. Presentasyon - pamamaraan, estilo,
kahusayan, at kawilihan ng tagapagsalita sa
paglalahad ng paksa.
3. Talakayan - pagpapaliawanag ng mahalagang
kaisipan kasama na ang pagsagot sa mga
tanong hinggil sa paksa.
4. Kongklusyon - pagbuo ng mga bagong
kaalaman mula sa mga pagtatalakay.
MGA KOMITE NG SEMINAR
1. Tagapangulo - tagapanguna sa pagsasawa at
pagdedesisyon sa isang seminar.
2. Kalihim - kaagapay ng tagapangulo sa
pagbalangkas ng seminar.
3. Tagapangulo sa Usaping Teknikal -
tagapangasiwa sa teknikal na mga gawain sa
isang seminar.
4. Tagapagsalita - tagapaglahad ng mga
impormasyong may kinalaman sa paksa.
5. Tagapakinig - mga inaasahang dadalo sa
isasagawang seminar.
MGA URI NG VIDEO CONFERENCE
1. Video Conference Point to Point - video
conference na nagsasangkot sa dalawang site.
2. Video Conference Multipoint - video
conference na sangkot ang higit sa dalawang
sites.
URI NG VIDEO CONFERENCE BATAY SA
KAGAMITAN
1. Dekstop Video Conference - ginagamitan ng
mga desktop computer o laptop.
2. Telepresence - ginagamitan ng life-size
simulation kung saan nakikita ang lahat ng mga
kasamahan sa isang silid.
3. Room-Based - isinasagawa sa isang silid kung
saan ang pagpupulong ay isinasagawa.
MGA URI NG VIDEO CONFERENCE AYON SA
SISTEMA NG PAGSASAGWA NITO
1. Telepresence Video Conferencing System -
dinisenyo upang isagawa ang pagpupulong na
mula sa pangkat na nasa magkaiba at
magkalayong lugar.
2. Integrated Video Conferencing System -
nakalaan para sa maraming pangkat na
nagsasagawa ng pulong kung saan ay
mayroong isang central system.