Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Filipino module for week, Study notes of History of Education

This is very helpful to all the teachers and students especially in their learning experiemcez.

Typology: Study notes

2022/2023

Uploaded on 03/22/2024

zai-odzong-agoncillo
zai-odzong-agoncillo 🇵🇭

1 document

1 / 10

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
1
Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikaapat na Linggo
Sa araling ito, babasahin mo ang isang tula mula sa Uganda. Susuriin mo
ang kasiningan at bisa ng tula. Aalamin mo rin ang kahulugan ng iba’t ibang
simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula.
Matapos ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na
mga kasanayan:
1. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan
(F10PN-IIIc-78)
2. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang
pahayag sa tula (F10PB-IIIc-82)
3. Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa
(F10PT-IIIc-78)
Ngayong batid mo na ang tatahakin sa gagawing pagtalakay, maaari mo
ng sagutan ang paunang pagsubok. Sasagutan mo ang mga pagsasanay at
Gawain sa nakaalang sagutang papel.
Basahin ang nilalaman ng tula at sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng
tamang sagot.
Ang Pamana
(Tula)
ni Jose Corazon de Jesus
Isang araw, nakita kong ang ina ko’y namamanglaw
Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan;
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nakita ko ang maraming taon niyang kahirapan…
Sa guhit ng kaniyang pisnging lumalalim araw-araw
Nakita kong ang ina ko’y tila mandin namamanglaw,
At ang sabi: “Itong piyano’y sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silya’t aparador sa kay Tikong ibibigay,
Sa ganyan ko hinahati itong aking munting yaman.
Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha
Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Mga Inaasahan
Paunang Pagsubok
Filipino 10-Q3-W4
Pagsusuri sa Kasiningan at Bisa ng Tula
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa

Partial preview of the text

Download Filipino module for week and more Study notes History of Education in PDF only on Docsity!

Modyul sa Filipino 10

Sa araling ito, babasahin mo ang isang tula mula sa Uganda. Susuriin mo

ang kasiningan at bisa ng tula. Aalamin mo rin ang kahulugan ng iba’t ibang

simbolismo at matatalinghagang pahayag sa tula.

Matapos ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod na

mga kasanayan:

1. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan

(F10PN-IIIc-78)

2. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang

pahayag sa tula (F10PB-IIIc-82)

3. Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa

(F10PT-IIIc-78)

Ngayong batid mo na ang tatahakin sa gagawing pagtalakay, maaari mo

ng sagutan ang paunang pagsubok. Sasagutan mo ang mga pagsasanay at

Gawain sa nakaalang sagutang papel.

Basahin ang nilalaman ng tula at sagutin ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.

Ang Pamana

(Tula)

ni Jose Corazon de Jesus

Isang araw, nakita kong ang ina ko’y namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan; Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan Nakita ko ang maraming taon niyang kahirapan… Sa guhit ng kaniyang pisnging lumalalim araw-araw Nakita kong ang ina ko’y tila mandin namamanglaw, At ang sabi: “Itong piyano’y sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador sa kay Tikong ibibigay, Sa ganyan ko hinahati itong aking munting yaman. Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Mga Inaasahan Paunang Pagsubok Filipino 10-Q3-W Pagsusuri sa Kasiningan at Bisa ng Tula Aralin

Modyul sa Filipino 10

Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Na hindi ko mapigilan at hindi ko masansala; Naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawa-awa. Tila kami’y iiwan na’t may yari nang huling nasa. At sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko’y dumalaw ang malungkot na gunita, Napaiyak akong parang isang kaawa-awang bata’t Niyakap ko ang ina ko, at sa kanya’y winika. “Ang ibig ko sana, Nanay, ikaw’y aking pasayahin At huwag ko nang makita pang ikaw’y nalulungkot mandin. O ina ko! Ano ba ang naisipa’t iyong paghahati-hatiin Itong munting kayamanang maiiwan mo sa amin?” “Wala naman,” yaong sagot. “Baka ako ay tawagin Ni Bathala, ang mabuti’y malaman mo ang habilin: Itong piyano, yaon sana ay alamin. Pamana ko na sa inyo, mga bunsong ginigiliw!” “Nguni’t inang,” ang sagot ko, “Ang lahat ng kasangkapan, Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan; Ang ibig ko’y ikaw, Inang. At mabuhay ka lamang, Hihilingin ko sa Diyos na ang pamana ko ay ikaw; Aanhin ko ang piyano kapag ikaw ay namatay, Ni hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay; Ang nais ko’y ikaw, Inang, at mabuhay ka na lamang Ililimos ko na sa iba ang lahat ng ating yaman; Ni hindi ka maaaring pantayan ng daigdigan, Ng lahat ng ginto rito pagkat ikaw O, ina ko, ikaw wala pang kapantay… (Mula sa Ang Bagong Filipino III (BEC))

  1. Ano ang kahulugan ng salitang namamanglaw na ginamit sa tula? A. natatakot B. nalulumbay C. nag-aalala D. nanlulumo
  2. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakikita sa tula? A. pagmamahal ng anak sa kanyang ina C. pagmamalasakit sa iba B. pagpapahalaga sa pamilya D. pagpapakita ng kabutihan
  3. Batay sa pahayag na ito, “Itong piyano’y sa iyo ko ibibigay, ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, mga silya’t aparador sa kay Tikong ibibigay, sa ganyan ko hinahati itong aking munting yaman.” Ano ang iyong mahihinuha? A. pagbabahagi ng biyaya C. paghabilin ng mahalagang bagay B. pagtanaw ng utang na loob D. pagmamalasakit sa mahal sa buhay
  4. Ano ang kahulugan ng bahaging ito ng tula na may salungguhit? Subali’t sa aking mata’y may namuong mga luha Na hindi ko mapigilan at hindi ko masansala A. nalulumbay B. namimighati C. nagdadalamhati D. naiiyak “Ililimos ko na sa iba ang lahat ng ating yaman; Ni hindi ka maaaring pantayan ng daigdigan, Ng lahat ng ginto rito pagkat ikaw O, ina ko, ikaw wala pang kapantay…

Modyul sa Filipino 10

B. ELEMENTO NG TULA

  1. Tugma- ang pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula. Ang mga dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig. Ang tugma ay may dalawang uri: Tugmang Patinig – mga salitang nagtatapos sa iisang patinig na may pare- pareho ring bigkas na maaaring mabilis o malumay (walang impit) at malumi o maragsa (may impit). Ang mga patinig na puwedeng magkakatugma ay mahahati sa tatlong lipon: a, e-i, at o-u. Tugmang Katinig – mga salitang nagtatapos sa mga katinig. 2. Sukat – Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Ang karaniwang sukat na gamitin ay ang labindalawa, labing-anim, at labingwalong pantig. 3. Saknong – Ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula. Nakapagdaragdag ito sa ganda at balanse ng tula bukod pa sa nakapagbibigay rin ng pagkakataon para sa makata na magbago ng tono o paksa sa kanilang tula. 4. Larawang-Diwa (Imagery) – Ito ay mga salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. 5. Simbolismo – (Symbolism) – Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensyang taglay ng tula. 6. Kariktan – ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuoan nito. (Mula sa Pinagyamang Pluma 10) Ngayong batid mo na ang kahulugan at elemento ng tula, basahin mo ang isang halimbawang tula mula sa Uganda. Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata, Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo. Mangusap ka, aking musmos na supling. Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin. Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik. Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak, Kamay na magpapasaya sa iyong ama Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin: Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim. Aking giliw, ngalan ng mandirigma sayo’y ilalaan, At mamumuno sa kalalakihan. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin, Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib, At ang pagsulyap-sulyap sa akin. Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal, Ako’y malulunod sa luha ng paggunita Munting mandirigma, paano ka naming pangangalanan?

Modyul sa Filipino 10

Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan. Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay, Hindi ka rin ipapangalanan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay. Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan. Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?” Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?” Ang poo’y di marapat na pagnakawan, Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan. Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan. Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab. At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday? Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay. At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata, Maging sa iyong halakhak Paano ka pangangalanan, aking inakay? Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang? Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan? Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay? Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay? Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan? Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang. Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian. Ngayon, ako’y ganap na asawa Hindi na isang nobya, kundi isang ina. Maging maringal, aking supling na ninanasa. Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak. Sa wakas, ako’y kahati ng kanyang puso, ina ng kanyang unang anak Ang kanyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat, Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma. Samakatuwid, ako’y minahal. Samakatuwid, ako’y lumigaya. Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay. Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal. Iingatan mo ang kanyang libingan kung siya’y nahimlay. Tuwinang gugunitain yaring kanyang palayaw. Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan, Walang wakas, sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan. Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay. Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan. At ako ang ina ng kanyang panganay. Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba. Ika’y mahimbing, Ako’y wala nang mahihiling. (Mula sa Filipino Modyul para sa Mag-aaral 10) Natutuwa ako na nababatid mo na ngayon kung ano ang ating mga tinalakay. Mayroon ka bang mga katanungan? Maaari kang sumangguni sa iyong guro na laging nakahandang gumabay sa iyo. Ngayon ay maaari mo nang sagutan ang mga sumusunod na gawain.

Modyul sa Filipino 10

Gawain 3 Pagsagot sa mga Tanong : Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

  1. Sino ang persona sa tula? A. Ina B. Anak C. Ama D. Kapatid
  2. Paano ipinakita ang kasiningan ng tula? Ano ang mapapansin sa mga salitang ginamit sa tula? A. Ang tula ay mayroong sukat at tugma B. Ang tula ay may indayog at tono C. Ang tula ay kinapapalooban ng matatalinghagang pananalita D. Ang tula ay binubuo ng mga persona na nagtataglay ng kabayanihan
  3. Sa huling saknong una at pangalawang taludtod, “Iingatan mo ang kanyang libingan kung siya’y nahimlay. Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.” Ano ang iyong mahihinuha batay sa isinasaad na bahaging ito ng tula? A. Pagtanaw ng utang na loob sa taong namayapa na B. Pagbibigay halaga sa pangalang ibinigay sa kaniya C. Pag-alala sa taong nagbigay buhay sa kaniya D. Pagpapahalaga sa yumaong kamag-anak
  4. Anong anyo ng tula ang binasa? A. Tradisyonal C. blanking berso B. Malayang Taludturan D. may sukat walang tugma
  5. Anong simbolo ang ipinakikita sa salitang mandirigma? A. katapangan C. kakisigan B. kabayanihan D. katalinuhan

Magaling! Nagawa mo nang mahusay ang mga gawaing ibinigay.

Patuloy mo pang palawakin ang iyong kaalaman.

Matapos mong pag-aralan ang tula at pagbibigay kahulugan sa matatalinghagang pananalita na ginamit sa akda, narito ang mga dapat mong tandaan.

  1. Ang tula’y isang pagbabagong-hugis ng buhay, isang paglalarawan na likha ng guniguni’t ipinararating sa damdamin ng mambabasa o nakikinig sa mga salitang nag-aangkin ng wastong aliw-iw, at higit na mainam kung may sukat at tugma sa taludturan.
  2. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na elemento: sukat, tugma, saknong, larawang-diwa, simbolismo at kariktan. Mayroon pang isang gawain ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga natutuhan. Basahin ang nilalaman ng tula at suriin ayon sa elementong nakapaloob dito. Tandaan Pag-alam sa mga Natutuhan

Modyul sa Filipino 10

Kalayaaan

ni Pat Villafuerte

sa Balintawak ang gumising ay isang sigaw bumalik ang sagot na tila alingawngaw KALAYAAN at sa bawat lugar ay mauulinig ang dala ng hanging may saliw na awit KALAYAAN narinig namin doon sa taniman narinig namin sa mangangalakal narinig namin hanggang doon sa karagatan KALAYAAN bawat makata awit ang nalilikha at ang mga titik apoy ang ibinabadya KALAYAAN narinig namin sa manggagawa ng niyugan narinig namin sa mangingisda ng karagatan naring namin sa manininda ng pondohan KALAYAAN lahat ng Tao iisa ang sigaw kahit ang kapalit ay kanilang buhay KALAYAAN sa puntod ng alipin at punong mga angkan iisa rin ang tinig na itinitighaw KALAYAAN sa ituktok ng bundok hanggang sa kapatagan palakas ng palakas palakas ng palakas ang mapapakinggan KALAYAAN Narinig namin sa magwawalis na dukha Narinig namin sa maghahabing maralita Narinig namin sa panday na sa yaman ay wala KALAYAAN Mula sa Templo, Mula sa Pook dalanginan Ang Kris at Gulok nagtagis parang kidlat Kasabay ang sigaw na ang Hudyat KALAYAAN Narinig namin sa mga hikbi, hinagpis at panaghoy Narinig namin sa Pulong di matalunton Narinig namin hanggang sa Dakong Paroroon KALAYAAN https://kalipunanngmgaakdangpilipino.wee bly.com/ Upang lalo mo pang mapalawig ang iyong kaalaman sa pag - aanalisa ng tula, iminumungkahi ko na iyong panoorin sa you tube ang tula mula sa ating bansa na pinamagatang “Isang Punungkahoy”. Buksan lamang ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=PwvMq9dv4aM. Alamin ang elementong nakapaloob sa tula. ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI A. Tugma B. Simbolo C. Larawang-diwa D. Talinghaga Rubrik sa Pagwawasto 4 Tiyak at hindi naging paligoy-ligoy ang kasagutan 3 Medyo paligoy-ligoy at hindi tiyak ang kasagutan 2 Paligoy- ligoy at walang katiyakan ang kasagutan 1 Walang katiyakan ang kasagutan

Modyul sa Filipino 10

FILIPINO 10

SAGUTANG PAPEL

Ikatlong Markahan- Ikaapat na Linggo Pangalan: _______________________________________ Guro: __________________________ Baitang at Seksyon: ____________________________ Petsa: __________________________ Paunang Pagsubok: Balik-tanaw

Mga Gawain Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan 1 2 3 4 5 Gawain 1.2 Pagbibigay-Kahulugan 1 2 3 4 5 Gawain 1.3 Pagsagot sa mga Tanong 1 2 3 4 5 Pag-alam sa mga Natutuhan ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI A. Tugma B. Simbolo C. Larawang-Diwa D. Talinghaga Pangwakas na Pagsusulit 1 2 3 4 5 Pagninilay (Isulat sa sagutang papel)