Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Epekto ng Labis na Paggamit ng Social Media (Facebook Messenger), High school final essays of Literature

Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at indibidwal.

Typology: High school final essays

2023/2024

Uploaded on 05/09/2024

1 / 22

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
EPEKTO SA PAGGAMIT NG FACEBOOK MESSENGER BILANG
HATIRANG PANGMADLA O SOSYAL MEDYA SA AKDEMIKONG
FILIPINO NG PILING ESTUDYANTE NG NEUST – BSBA
ISANG PAPEL NG PANANALIKSIK
Na Iprinisinta kay:
Ginoong Kim Bryan Villamael
Sa Asignaturang Filipino sa Iba’t-ibang Disiplina
Ipinasa Nina:
RUTH MAE ATENCION
CINDY FORTUNA
ARIANNE RUFINO TINIO
CAMILLE VILLAFLOR
ALYSON GARNA
MAY0 2024
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa
pfd
pfe
pff
pf12
pf13
pf14
pf15
pf16

Partial preview of the text

Download Epekto ng Labis na Paggamit ng Social Media (Facebook Messenger) and more High school final essays Literature in PDF only on Docsity!

EPEKTO SA PAGGAMIT NG FACEBOOK MESSENGER BILANG

HATIRANG PANGMADLA O SOSYAL MEDYA SA AKDEMIKONG FILIPINO NG PILING ESTUDYANTE NG NEUST – BSBA

ISANG PAPEL NG PANANALIKSIK

Na Iprinisinta kay: Ginoong Kim Bryan Villamael

Sa Asignaturang Filipino sa Iba’t-ibang Disiplina

Ipinasa Nina: RUTH MAE ATENCION CINDY FORTUNA ARIANNE RUFINO TINIO CAMILLE VILLAFLOR ALYSON GARNA

MAY0 2024

PASASALAMAT

Isang pribelihiyo ang makagawa ng pananaliksik, kaya naman gusto naming pasalamat ang mga nakiisa para magawa ito. Sa aming butihing guro, Ginoong Kim Bryan Villamael sa pag-bigay kaalamanan at suporta sa adhikain naming magawa ang pananaliksik na ito. Sa NEUST-MGT sa pagbibigay ng karagdagang impormasyon na aming kailangan para masagawa ito. Sa mga Respondente na naglaan ng oras para masagutan ang mga kuwestyon na aming inihanda para maging batayan ng aming pananliksik.

emosyonal na aming pangagngailangan.^ Sa aming mga magulang na walang sawang sumusuporta sa amin pinanysal at Sa aking kamag-aral na miyembro na tumulong magbigay ng impormasyon tungkol sa aming paksa. At higit sa lahat, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa poong maykapal na nakabagay at nagpalakas ng loob para maisagawa ang aming layunin at pananaliksik.

DEDIKASYON

Ang pananaliksik na ito ay inihahandog namin sa bawat indibidwal kabataan, mag-aaral at pa na rin sa mga nakakatanda para malaman ang importansya sa tamang paggamit at epekto na pwede mangyari kung hindi natin mabibigyan ng inmportansya.

magkaroon ang mga tao ng kaalaman sa mga maaaring maging epekto nito sa kanilang mga sarili.

BATAYANG KONSEPTWAL

  1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa; a. Panagalan b. Kasarian at; c. Edad at;
  2. Ano ang antas ng iyong kaalaman tungkol sa Facebook Messenger??
  3. Gaano kahalagang alamin ang tamang paggamit ng Facebook Messenger?
  4. Masasabi mo bang maayos ang iyong paggamit ng Facebook Messenger?
  5. Gaano kahalaga ang paggamit ng Facebook Messenger sa iyong pag-aaral?
  6. Gaano kadalas kang magbukas ng Facebook Messenger?
  7. Sa iyong palagay, nakabubuti ba o nakasasama ang paggamit ng Facebook Messenger?
  8. Naranasan mo na bang ma-bully sa Facebook Messenger?

Proseso

mananaliksik ng serbey^ Gumawa ang mga pasagutann sa mga mag aaral^ kwestyoneyr upang kolehiyo na mga mag aaral^ na nasa unang baitang ng ng NEUST-MGT para mas maging kapani paniwala at isinagawang pananaliksik.^ mas mapadali ang

Bungan ng Paggawa

Epekto sa piling estudyante sa paggamit ng Faceboook kung paano ito gamitin sa^ Messenger at solusyon tama.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito na may paksang “EPEKTO SA PAGGAMIT NG FACEBOOK MESSENGER BILANG HATIRANG PANGMADLA O SOSYAL MEDYA SA AKDEMIKONG FILIPINO NG PILING ESTUDYANTE NG NEUST – BSBA naglalayong tumugon sa mga sumusunod na suliranin: ” ay

Partikular, hinangahad nitong sagutin ang mga tanong tulad ng sumusunod:

  1. Ano ang propayl ng mga respondente batay sa; a. Panagalan b. Kasarian at; c. Edad at;
  2. Ano ang antas ng iyong kaalaman tungkol sa Facebook Messenger??
  3. Gaano kahalagang alamin ang tamang paggamit ng Facebook Messenger?
  4. Masasabi mo bang maayos ang iyong paggamit ng Facebook Messenger?
  5. Gaano kahalaga ang paggamit ng Facebook Messenger sa iyong pag-aaral?
  6. Gaano kadalas kang magbukas ng Facebook Messenger?
  7. Sa iyong palagay, nakabubuti ba o nakasasama ang paggamit ng Facebook Messenger?
  8. Naranasan mo na bang ma-bully sa Facebook Messenger?

pamamagitan ng mga ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga mungkahing paraan at solusyon para malimitahan ng mga estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa social media. Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap: Ito'y magsisilbing sanggunian ng mga mananaliksik na may kaangkupan ang pag-aaral. Sa tulong ng pag-aaral na ito, mabibigyan din sila ng ideya tungkol sa social media at sa hatid nitong epekto sa mga gumagamit nito. Maaari rin nila itong mapagkunan ng mga impormasyon na magagamit nila sa kanilang pag-aaral.

SAKLAW AT LIMITASYON Saklaw  Layunin Ang layunin ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:

  1. Upang malaman ang epekto ng Messenger (Sosyal Medya) sa mga estudyanteng nasa sa piling estudyante ng Nueva Ecija Univeristy of Scrience Technology sa kursong BSBA
  2. Upang malaman kung ang Messenger ay nakakasama sa pag-aaral ng mga sa piling estudyante ng Nueva Ecija Univeristy of Scrience Technology sa kursong BSBA.
  3. Upang malaman kung ang Social Media ay nakakatulong sa pag-aaral ng mga piling estudyante ng Nueva Ecija Univeristy of Scrience Technology sa kursong BSBA

 Paksa

Ang paksa ng pananaliksik ay tungkol sa Facebook Messenger isang sosyal medya, makabagong paraan ng komunikasyon at iba.

Aspekto ng Pag-aaral Maisasagawa ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sarbey na kung saan ang mga mananaliksik ay magbibigay ng talatanungan sa mga napiling sample.

Limitasyon  Sino Ang pananaliksik na ito ay para sa mga estudyante ng ng Nueva Ecija Univeristy of Science and Technology sa kursong BSBA.

 Saan Ang pananaliksik ay ginanap sa loob ng Nueva Ecija Univeristy of Science and Technology.  Kailan Ang pananaliksik ay nag-umpisa ng ikalawang semester ng unang taon sa baiting unang taon, sa taong dalawang libo’t dalawanpu’t apat. (2014).

KATUTURAN NG TALAKAY Account – pagmamay-ari ng isang taong gumagamit ng Messenger.

-TECHNICIAN, The Student Newspaper of North Carolina State University, February 17, 2016 issue, Abhishek Karadkhar, correspondent Napatunayang lumalago ang bilang ng mga estudyante sa mundo ng netizens, ibig sabihin malaki ang nagiging bahagi nito sa pang araw –araw nating pamumuhay. At ang ating buhay ay halos umiikot sa pag-aaral, ngayon, paano nga ba ito ( social media ) nakakaapekto sa ating pag-aaral.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban,PhD (2013), ang social media o social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Maaring magbigay ito ng oportunidad sa mga guro upang komonekta sa kaniyang mga mag aaral. Sinasabing hindi lamang sa mga mag aaral mayroong advanteyj ang social media,kundi maging sa mga guro. Batay naman sa mga pagaaral ni Fionamae Abainza 2014,ang social media katulad ng facebook. ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan. Isa na dito ay ang maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon dahiul sa paggamit nito.Isa ring dulot ng mga social media ayon sa mga pag aaral ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng mga impormasyon.

Naging malaking tulong talaga at kaagapay sa mga magaaral ang social media, huwag lamang itong aabusuhin at ito na ang kumain sa ating mahalagang panahon. Marami ang nagpahayag na mabuti ang dulot ng social media sa ating mga pamumuhay bilang estudyante.

KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa kabanatang ito ay ipapakita ang disenyo ng pag-aaral, instrumentong gagamitin at pamamaraan sa pangangalap ng mga datos o impormasyon pati narin ang ibang mga respondente na makilahok sa pag-aaral. Nakapaloob dito ang mga gagamiting taga tugon sa paksang sinisiyasat at gayundin ang uri ng estadistika na angkop sa paksa.

DISENYO SA PANANALIKSIK

Ang disenyo sa pananaliksik na ginamit ay diretsahang pananaliksik. Ilalahad at ilalarawan ang mga postibo at negatibong paggamit ng Facebook Messenger bilang Sosyal Media. Ang pananaliksik na ito ay mayroong eksaktong datos para sa napiling paksa. Ang pag-aaral na ito ay nilaan sa mga estudyante ng Nueva Ecija Unibersidad ng Agham at Teknolohiya na kasalukuyang nag-aaral. Gamit ang random sampling, kumuha ang mga mananaliksik ng limampong ( 50 ) estudyante na siyang mga respondante sa ginagawang sarbey at kwestyoners para sa pag-aaral.

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag-aaral ay isang serbey-kwestyoner o talatuntunan. Ang mga mag aaral na working student sa NEUST-MGT Talavera-off Campus ay gagawing paksa ng serbey.

Hakbang sa paglikom ng mga datos Sa paglikom ng mga datos, gagamitin ang serbey na kwestiyonaryo na ihahanda ng mga mananaliksik kaugnay sa nakalahad na layunin ang suliranin sa pag- aaral. Idadaan ito sa pagwawasto sa gurong tagapayo, guro sa asignatura at eksperto sa Filipino.

Estatistilkang pamamaraan Ginamit bilang istatistikong pamamraan sa pagtitimbang at pagbilang ng mga datos ang pagkuha ng porsyento. Kinuha ang porsyento upang Makita ang kinalabasang gagawing pagsusuri batay sa mga sagot ng mga respondante. Ginagamit din ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdang bilang ng mga sumagot, hindi sumagot at magkakamukang sagot sa isang particular na tanong. Ang ginamit na pormula ay ang nasa ibaba.

P ¿ F N x 100 P= bahagdan o porsyento F= bilang ng sumagot N= kabuuan ng respondent

KABANATA IV

PAGTULKLAS

1. Personal Na Inpormasyon Tinutukoy ng talahanayan 1 na ang porsyento ng mga babaeng respondente ay 54% (n=29) at ang mga lalaki ay 46% (n=25).

Talahanayan 1: kasarian ng mga respondenteng estudyante.

Lalaki 46% Babae 54%

Kasarian ng Respondenteng Estudyante

Babae Lalaki

Tinutukoy ng talahanayan 1.2 ang edad ng mga respondate na gumagamit ng Facebook Messenger. Ang porsyento ng mga nasa edad 20 taong gulang ay 24% at ang mga estudyante na sa edad 16-17 taong gulang ay 76 %. At 0% porsyento sa 14- 15 taong gulang at 18-19 taong gulang.

1.3: Kaalaman ng mga respondenteng estudyantes sa Facebook Messenger

52% 48%

Kaalamanan ng Respondenteng Estudyante

tungkol sa Facebook Messenger

Alam na Alam Katamtamaan Kaalaman Walang Kaalaman Walang Pakialam

Tinutukoy ng talahanayan 1.4 ang kahalagahan sa paggamit ng Facebook Messenger, 20 % Ang porsyento ng respondenteng estudyante na nagsabing napakahalaga alamin ang paggamit ng Facebook Messenger, 80% porsyento naman ang nagsabing medyo mahalaga alamain ang paggamit nito at 0% porsyento ang nagsabing hindi mahalaga at walang pakielam. 1.4: Kahalagahan sa paggamit ng Facebook Messenger:

Napakahalag a 20%

Mahalaga^ Medyo 80%

Kahalagahan para alamin ang paggamit ng

Facebook Messenger.

Napakahalaga Medyo Mahalaga Hindi mahalaga Walang pakialam

Tinutukoy ng talahanayan 1.5 kung gaano kaayos angg paggamit ng Facebook Messenger, 18 % Ang porsyento ng respondenteng estudyante na nagsabing maayos na maayos ang paggamit ng Facebook Messenger, 76% porsyento naman ang nagsabing medyo medyo maayos ang paggamit nito at 6% porsyento ang nagsabing hindi maayos ang paggamit nito at 0% porsyento ang nagsabing walang pakialam sa paggamit nito.

1.5 Gaano kayos ang paggamit ng Facebook Messenger

Maayos na maayos 19%

Maayos 76%

Hindi maayos 6%

Gaano kaayos ang paggamit ng Facebook

Messenger

Maayos na maayos Maayos Hindi maayos Walang Pakialam

Tinutukoy ng talahanayan 1.6 ang kahalagahan sa paggamit ng Facebook Messenger, 28 % Ang porsyento ng respondenteng estudyante na nagsabing napakahalaga ang paggamit ng Facebook Messenger,65% porsyento naman ang nagsabing mahalaga alamain ang paggamit nito at 7% porsyento ang nagsabing medyo mahalaga ang paggmit nito at 0% porsyento ang nagsabi hindi mahala.

1.6 Kahalagahan ng paggamit ng Facebook Messenger

Tinutukoy ng talahanayan 1.7 kung gaano kadalas ang paggamit ng Facebook Messenger, 89 % Ang porsyento ng respondenteng estudyante na nagsabing araw- araw ang paggamit nila ng Facebook Messenger, 4% porsyento naman ang nagsabing dalawang beses sa loob ng isang linggo ang paggamit nila nito at 4% porsyento naman ang nagsabing tatlong beses sa loob ng isang linggo ang at paggamit nila nito at 4% porsyento ang nagsabi tatlo o higit pang beses sa loob ng isang linggo..

1.7 Gaano kadalas ang paggamit ng Facebook Messenger:

88%

4%

4% 4%

Gaano kadalas ang paggamit ng Facebook

Messenger

Araw-araw Dalawang beses sa loob ng isang Linggo Tatlong beses sa loob ng isang linggo Tatlo o higit pang beses sa loob ng isang linngo

Tinutukoy ng talahanayan 1.8 kung gaano nakakabuti ba or nakakasama ba ang paggamit ng Facebook Messenger, 85 % Ang porsyento ng respondenteng estudyante na nakakabuti ang paggamit nila ng Facebook Messenger, 15% porsyento naman ang nagsabing nakakasama ang paggamit nito.

1.8 Nakakabuti o nakaksama baa ng paggamit ng Faceboook Messenger:

85%

15%

Nakakabuti o Nakakasama ba ang

paggamit ng Facebook Messenger:

Nakakabuti Nakaksama

Tinutukoy ng talahanayan 1.9 kung gaano nakakabuti ba or nakakasama ba ang paggamit ng Facebook Messenger, 22 % Ang porsyento ng respondenteng estudyante ang nakaranas pang –bu-bully gamit ang Facebook Messenger, at 78% porsyento naman ang nagsabing hindi nakaranas ng pangbu-bully gamit ang Facebook Messenger. 1.9 Nakaranas ng pang-bu-bully gamit ang Facebook Messenger

22%

78%

Nakaranas ng pang-bu-bully gamit ang

Facebook Messenger

Oo Hindi