Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Education Lesson plan in Filipino 9, Summaries of Education Planning And Management

lesson plan about noli me tangere. Hope may help everyone. Happy to hel po. yeah

Typology: Summaries

2023/2024

Uploaded on 04/01/2024

geraldine-galvez-1
geraldine-galvez-1 🇵🇭

1 document

1 / 3

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 UNANG ARAW NG ABRIL, 2024
BAITANG 9- DRACO 11:00-12:00
I. LAYUNIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IVa-b-56)
Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng:
pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito;
pag-iisa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito;
pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang
panahon sa lipunang Pilipino.
II. PAKSA
Panitikan :Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
Kagamitan :Sipi ng iparirinig na teksto, Speaker, Larawan
Sanggunian :Noli Me Tangere ni Guzman-Laksamana-Guzman
https://www.carousell.ph/p/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-tagalog-version-by-
guzman-laksamana-guzman-1187508537/
III. PROSESO NG PAGKATUTO
Gawaing Rutinari
Pagtatala ng Liban
Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
Pagsasagawa ng munting energizer upang pampapukaw sa diwa ng mga mag-aaral bilang
pagsisimula sa ikaapat na markahan.
A K T I B I T I
1. Motibasyon
May ipakikitang larawan ng saranggolang lumilipad ang guro. Pagkatapos, piliin sa bolang
Kristal ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.
Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe, matayog ang pangarap ni ______________.
Isinulat niya ang ___________ upang ang ”Kalayaan” ay makamit.
Gabay na Tanong:
Paano naging matayog ang pangarap ni Rizal para sa mga kapwa
Filipino?
Bakit kailangang sumulat siya ng akda tungkol sa kalayaan?
2. Pokus na Tanong
3. Presentasyon ng Aralin
Mungkahing Estratehiya: PAGTATALA NG MAHAHALAGANG DETALYE
May mga larawan/video clips ng nobelang Noli Me Tangere na inihanda ang guro.
Makikinig ang mga mag-aaral tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me
Tangere.
Itatala ng mga mag-aaral ang mahahalagang detalye batay sa napakinggan.
a. Bakit kailangang pag-aralan ang nobelang Noli Me Tangere?
b. Paano nakaimpluwensiya ang Noli Me Tangere sa pagka-makabayan ng mga Filipino?
Apolinario
Mabini
Andres
Bonifacio
Jose Rizal
Ang
Bayan Ko
Noli Me
Tangere
Alab ng
Puso
pf3

Partial preview of the text

Download Education Lesson plan in Filipino 9 and more Summaries Education Planning And Management in PDF only on Docsity!

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 UNANG ARAW NG ABRIL, 2024

BAITANG 9- DRACO 11:00-12:

I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F9PN-IVa-b-56)  Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa pamamagitan ng:  pagtukoy sa layunin ng may-akda sa pagsulat nito;  pag-iisa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito;  pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa lipunang Pilipino. II. PAKSA Panitikan :Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere Kagamitan :Sipi ng iparirinig na teksto, Speaker, Larawan Sanggunian :Noli Me Tangere ni Guzman-Laksamana-Guzman https://www.carousell.ph/p/noli-me-tangere-ni-dr-jose-rizal-tagalog-version-by- guzman-laksamana-guzman-1187508537/ III. PROSESO NG PAGKATUTO Gawaing Rutinari  Pagtatala ng Liban  Pagtse-tsek ng Takdang Aralin  Pagsasagawa ng munting energizer upang pampapukaw sa diwa ng mga mag-aaral bilang pagsisimula sa ikaapat na markahan. A K T I B I T I

1. Motibasyon May ipakikitang larawan ng saranggolang lumilipad ang guro. Pagkatapos, piliin sa bolang Kristal ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.  Matayog ang lipad ng saranggola ni Pepe, matayog ang pangarap ni ______________.  Isinulat niya ang ___________ upang ang ”Kalayaan” ay makamit. Gabay na Tanong:  Paano naging matayog ang pangarap ni Rizal para sa mga kapwa Filipino?  Bakit kailangang sumulat siya ng akda tungkol sa kalayaan? **2. Pokus na Tanong

  1. Presentasyon ng Aralin Mungkahing Estratehiya** : PAGTATALA NG MAHAHALAGANG DETALYE  May mga larawan/video clips ng nobelang Noli Me Tangere na inihanda ang guro.  Makikinig ang mga mag-aaral tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere.  Itatala ng mga mag-aaral ang mahahalagang detalye batay sa napakinggan. a. Bakit kailangang pag-aralan ang nobelang Noli Me Tangere? b. Paano nakaimpluwensiya ang Noli Me Tangere sa pagka-makabayan ng mga Filipino? Apolinario Mabini Andres Bonifacio Jose Rizal Ang Bayan Ko Noli Me Tangere Alab ng Puso

A N A L I S I S

 Batay sa mga naitalang impormasyon mula sa napakinggang “Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere”.

  1. Ano ang mahalagang layunin na binanggit kaya isinulat ni Dr. Rizal ang Noli Me Tangere?
  2. Isa-isahin ang kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere.
  3. Bakit may pinagdaanang sakripisyo si Rizal habang isinusulat ang nobela? Ano-ano ang mga sakripisyong ito?
  4. Nakaimpluwensiya ba ang Noli Me Tangere sa mga Filipino sa panahon ng pananakop ng mga Kastila? Patunayan. 4. Pagbibigay ng Input ng Guro A B S T R A K S Y O N Mungkahing Estratehiya: IKONEK: HISTORI-AKDA Paano masasabing may mahalagang kaugnayan ang Kaligirang Pangkasaysayan ng akda sa uri ng lipunan noon at sa uri ng lipunan ngayon? A P L I K A S Y O N Mungkahing Estratehiya: DAMAHIN MO! Buuin ang pahayag.  Ako ay isang Filipino sa puso at diwa, isang kabataang naniniwala sa paninindigan ni Dr. Rizal at may pagpapahalaga sa katarungan upang maipagpatuloy ang kaniyang adhikain. Ako ay _______________________. E B A L W A S Y O N Panuto: Basahing Mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.
  5. Ano ang Kahulugan ng pamagat na "Noli Me Tangere"? a. Huwag Mo Akong Isilang c. Huwag Mo Akong Isalang b. Huwag Mo Akong Salangin d. Huwag Mo Akong Lasingin
  6. Anong aklat ang naging inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng kanyang nobela? a. Banaag at Sikat b. Uncle Tom's Cabin c. Dekada '70 d. Daluyong
  7. Alin sumusunod ang tema ng Noli Me Tangere? a. Tungkol sa mga kalapastanganang ginagawa ng mga prayle at mga Kastila sa gobyerno b. Tungkol sa Paghihiganti laban sa mananakop c. Tungkol sa kalaswaan ng mga kaparian noong panahon ng pananakop d. Tungkol sa paghihirap ng mga dayuhan sa ating bayan at pang-aapi ng mga Filipino sa kanila
  8. Alin sa mga sumusunod ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere? Pumili ng tatlo. a. Maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkakamit ng kalayaan at kaunlaran para sa bansang Pilipinas. b. Paslangin ang mga Espanyol na nagmamalupit sa mga Pilipino c. Sanayin sa kakayahan at interes ang mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring pag- iisip, at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at realidad ng totoong buhay. d. Mahubog sa kabutihan ang mga kabataang susunod at maging sa kasalukuyang henerasyon na maging lider ng ating bansa at magiging pag-asa ng ating bayan. Alam mo ba na… Iniaalay ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere sa Inang-Bayan. Habang nasa ibang bansa ay ginugunita niya ang Pilipinas at ang nakikita niya ay larawan ng isang may sakit na kanser na panlipunan dahil minimithi ni Dr. Rizal ang kabutihan para sa bayan, pagsisikapan niyang mailarawan ang kalagayan ng bansa sa paraang tapatan at walang pangingimi, iwawaksi ang lahat alang-alang sa katotohanan maging ang pag-ibig sa sarili, sapagkat bilang anak ng Inang-Bayan ay nagtataglay rin siya ng mga kapintasan at kahinaan. Sanggunian: Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal: Guzman-Laksamana-Guzman