Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Copyreading and headline writing, Schemes and Mind Maps of Literature

Excellent because the is from studicu file credits to them

Typology: Schemes and Mind Maps

2022/2023

Uploaded on 04/03/2024

laurence-pangan
laurence-pangan 🇵🇭

5

(1)

1 document

1 / 10

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
2 pang resort sa Chocolate Hills
nabunyag
MANILA, Philippines —Hindi lang isa kundi tatlo na pala ang resort na matatagpua n sa
Chocolate Hills.
Ito naman nabatid kaugnay ng pagsulpot ng mga resort sa isa sa mga tourist attraction
sa bansa.
Lumilitaw na bukod sa Captain’s Peak Resort, may dalawa pa umanong resort na
nakatayo sa Chocolate Hills sa Bohol.
Sa kanyang X account, ni-retweet ng TV personality na si Gretchen Ho ang mga picture
ng umano’y dalawa pang resort na itinayo sa Chocolate Hills.
Ibinunyag naman ng manager ng Captain’s Peak na si Julieta Sablas sa programang
The Big Story ng One News na may dalawa pang resort sa Chocolate Hills.
“Sana lahat makita n’yo po ‘yung mga resort po dito kung talagang Captain’s Peak lang
po ba ang nagawa ng ganitong nasa Chocolate Hills po. Mayroon pang mas malala pa
rito,” saad niya.
Trending na rin sa FB ang larawan ng tatlong resort na kinabibilangan ng Captain’s
Peak Resort, Sagbayan Peak at Bud Agta.
Pansamantala nang isinara ang Captain’s Peak Resort na iginiit na sumunod sila sa
mga patakaran na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR).
Sa pagsasara nito, sinabi ng resort na magpapatupad ito ng “various eco-friendly
initiatives” upang mapanatili ang sustainability nito.
Ngunit ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, pinaiimbestigahan niya ang posibleng
pananagutan ng Bohol LGU sa viral resort na itinayo sa protektadong lugar ng
Chocolate Hills.
Nakatakda na ring magsagawa ng imbestigasyon ang Senado at Kamara sa nasabing
kontrobersiya.
Warrant of arrest vs Quiboloy ilalabas
na ng Kamara
pf3
pf4
pf5
pf8
pf9
pfa

Partial preview of the text

Download Copyreading and headline writing and more Schemes and Mind Maps Literature in PDF only on Docsity!

2 pang resort sa Chocolate Hills

nabunyag

MANILA, Philippines —Hindi lang isa kundi tatlo na pala ang resort na matatagpua n sa Chocolate Hills. Ito naman nabatid kaugnay ng pagsulpot ng mga resort sa isa sa mga tourist attraction sa bansa. Lumilitaw na bukod sa Captain’s Peak Resort, may dalawa pa umanong resort na nakatayo sa Chocolate Hills sa Bohol. Sa kanyang X account, ni-retweet ng TV personality na si Gretchen Ho ang mga picture ng umano’y dalawa pang resort na itinayo sa Chocolate Hills. Ibinunyag naman ng manager ng Captain’s Peak na si Julieta Sablas sa programang The Big Story ng One News na may dalawa pang resort sa Chocolate Hills. “Sana lahat makita n’yo po ‘yung mga resort po dito kung talagang Captain’s Peak lang po ba ang nagawa ng ganitong nasa Chocolate Hills po. Mayroon pang mas malala pa rito,” saad niya. Trending na rin sa FB ang larawan ng tatlong resort na kinabibilangan ng Captain’s Peak Resort, Sagbayan Peak at Bud Agta. Pansamantala nang isinara ang Captain’s Peak Resort na iginiit na sumunod sila sa mga patakaran na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Sa pagsasara nito, sinabi ng resort na magpapatupad ito ng “various eco-friendly initiatives” upang mapanatili ang sustainability nito. Ngunit ayon kay DILG Sec. Benhur Abalos, pinaiimbestigahan niya ang posibleng pananagutan ng Bohol LGU sa viral resort na itinayo sa protektadong lugar ng Chocolate Hills. Nakatakda na ring magsagawa ng imbestigasyon ang Senado at Kamara sa nasabing kontrobersiya.

Warrant of arrest vs Quiboloy ilalabas

na ng Kamara

MANILA, Philippines —Inihahanda na ng Kamara ang warrant of arrest laban sa kontrobersyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy. Una rito, binigyan ng taning na hanggang Biyernes ng House Committee on Legislative Franchises sa pamumuno ni Parañaque City 2nd District Rep. Gus Tambunting ng hanggang Biyernes (Marso 15) si Quiboloy matapos itong isyuhan ng contempt at kung hindi ay ipalalabas na ang warrant of arrest laban dito. Ang panel ni Tambunting ang dumidinig sa paglabag sa legislative franchise ng Swara Sug Media Corporation na nago-operate sa Sonshine Media Network International (SMNI) na iniuugnay kay Quiboloy. Ang nasabing network ay nasangkot sa red tagging at fake news. Sa kasalukuyan, nakahanda na rin ang detention facility ng Kamara na pagkukulungan kay Quiboloy na ipinasilip sa media ni House Secretary General Reginald Velasco. Inihayag pa ng opisyal na ang warrant of arrest laban kay Quiboloy ay posibleng isilbi na sa susunod na linggo ng mga law enforcement agencies partikular na mula sa PNP na inatasan para hanapin si Quiboloy at dalhin sa Kamara. Nakatakdang lagdaan ang warrant of arrest ni Tambunting habang maari ring lumagda dito si Velasco at House Speaker Martin Romualdez tulad ng inisyung subpoena kay Quiboloy. Naniniwala naman si Tambunting na hindi hahantong sa “worst case scenario” ang pag- aresto kay Quiboloy na bantay sarado ng kaniyang mga tagasunod sa KOJC kaugnay ng pangambang may mga armado sa mga ito na handang mamatay para protektahan ang religious leader.

Quiboloy sumagot na sa Senado

MANILA, Philippines — Sumagot na sa Senado ang kampo ni Pastor Apollo Quiboloy nitong Biyernes upang mapigilan ang napipintong pag-aresto sa lider ng Kingdom of Jesus Christ. “The ongoing Senate investigation compelling the appearance of respondent to testify over his alleged commission of grave crimes is not in aid of legislation but is tantamount to usurpation of judicial beyond the powers of the Senate,” nakasaad sa sagot ni Quiboloy na ipinadala sa Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros, sinabi ng abogado ni Quiboloy na si Melanio Elvis Balayan. Nauna rito, isang show cause order ang inilabas ng Senado kung saan pinagpapaliwanag si Quiboloy kung bakit hindi siya dapat arestuhin sa ilang beses na pagbalewala sa imbitasyon ng Senado sa kanya.

siyang ipo-post sa mga social media sites ang naturang sex video kung hindi siya magbibigay ng pera. Bunsod nito, nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad na kaagad nagkasa ng entrapment operation at nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek. Nakumpiska mula sa suspek ang isang iPhone 13 Pro max at P10,000 entrapment money.

Magkapatid na menor de edad, patay

sa sunog

MANILA, Philippines — Patay ang magkapatid na menor de edad habang sugatan naman ang isang babae sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Mandaluyong City kamakalawa ng hatinggabi. Kinilala ang mga biktima na sina Justine Dave Postigo, 6, kindergarten pupil, at Joyce Anne Postigo, 15, Grade 10 student. Samantala, sugatan naman sa sunog si Angelou Quintana, 22, na nagtamo ng lacerated wound sa kanyang mukha. Batay sa ulat ng Mandaluyong BFP, dakong alas-11:51 ng gabi kamakalawa nang maganap ang sunog sa tahanang matatagpuan sa Star Interior, Brgy. Poblacion, Mandaluyong City at mabilis na kumalat sa mga katabing tahanan. Ayon sa mga imbestigador, bago ang sunog, napaulat na hindi nakalabas ng kanilang tahanan ang mga biktima. Sa panayam sa ginang sa radyo, sinabi nitong nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng kanilang bahay kung saan natutulog ang magkapatid. Nagkataon naman umanong bumaba siya ng bahay upang kumuha sana ng arinola su- balit mabilis aniya ang pangyayari, hindi na niya nagawang balikan pa at iligtas ang mga anak. Agad na nagsagawa ng mopping operation at nadiskubre ang mga bangkay ng magkapatid. Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa 50 bahay ang tinupok ng apoy at nasa 150 pamilya ang naapektuhan nito. Nahirapan umano ang mga pamatay-sunog na pumasok sa lugar dahil sa masisikip na eskinita doon.

Sa lakas ng apoy, kaagad na itinaas sa ikalawang alarma ang sunog matapos lamang ng ilang minuto. Dakong ala-1:01 na ng madaling araw nang maideklara itong under control at tuluyang - naideklarang fire out bago mag-alas-2:00 ng madaling araw. Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa insidente, upang matukoy ang pinagmulan nito, gayundin ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy.

21-anyos sinalpok ng van, utas

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider nang salpukin ng driver ng van sa kahabaan ng Mindanao Ave. kahapon ng madaling araw sa Lungsod ng Quezon City. Dead-on-the-spot ang biktimang Jan Andrei Baldago, 21, ng B6 L96 Southville 8C Brgy. San Isidro Rodriguez Rizal habang nasa kustodiya naman ng pulisya ang driver ng Isuzu Wing Van Truck na si Alfie Miguel Burdeos Villacillo, 36, ng Bagong Silang, Cabiao, Nueva Ecija. Batay sa pagsisiyasat ni PMSg Winston Semaña ng QCPD-District Traffic Enforcement Unit-Traffic Sector 6, nangyari ang insidente dakong ala 1:40 ng madaling araw sa panulukan ng Mindanao at Congressional Avenue, Brgy. Bahay Toro Quezon City. Kapwa patungong North Avenue ang biktima na sakay ng Honda Click 125 Motorcycle na may plate number 504-UYQ at suspek na nagmamaneho ng Isuzu Wing Van Truck may plakang WQW-260 nang mangyari ang insidente. Dahil sa bilis natumbok ng Isuzu wing van ang motor ng biktima ay agad bumagsak sa kalsada na naging dahilan ng kamatayan nito. Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property with Homicide ang suspek.

Mag-ina pinatay, ibinaon sa bakuran!

Pagkauwi ng ‘Pinas mula Japan

TAYABAS CITY, Philippines — Kapwa patay na at nakabaon sa lupa ang mag-inang naiulat na may tatlong linggo nang nawawala at nahukay sa madamong bahagi ng likod-bahay sa isang subdivision sa Barangay Isabang ng lungsod na ito, lalawigan ng Quezon kamakalawa.

COTABATO CITY, Philippines — Maagap na napigil ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency ang tangkang paghatid ng isang motoristang dealer ng isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana sa isang contact sa Zamboanga City nitong Huwebes. Sa ulat nitong Biyernes ng regional office ng PDEA-9 sa Zamboanga City, naka-detine na ang may dala ng marijuana, si Ernest Jan Tabayag Yting, nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Sakay ng kanyang motorsiklong Suzuki Raider 150 si Yting, dala ang isang kilong tuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P200,000 na ihahatid sana sa kung saan nang siya ay naharang ng mga operatiba ng PDEA-9 sa Guadalupe Drive sa Barangay Tetuan sa Zamboanga City sa tulong ng mga impormanteng alam ang kanyang ruta noong Huwebes. Pinasalamatan ni Mayor John Dalipe, chairman ng Zamboanga City Peace and Order Council, ang PDEA-9 at mga residente ng kanilang lungsod na nagtulungan sa operasyong nagresulta sa pagkasamsam ng P200,000 na halaga ng marijuana mula kay Yting at sa pagkaaresto sa kanya.

4 arestado sa P3.4 milyong droga

MANILA, Philippines — Kalaboso ang apat na katao kabilang ang mag-live in partner na umano’y high value individual sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakumpiskahan ng nasa P3.4 milyong pisong halaga ng droga sa Zone-1, Brgy.Tara, Sipocot, Camarines Sur, kamakalawa ng gabi. Sinampahan na ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang mga suspek na kinilalang sina Samson Villanueva Broqueza, 52, karpintero; Lilian Sabaria Diezmo, 47, kapwa residente ng naturang lugar; Eduardo Dogos Villagracia Jr., 47, ng Brgy. Impig, Sipocot; at isang 16-anyos na binatilyo. Sa ulat, alas-7:44 ng gabi sa tulong ng mga tauhan ng Camarines Sur Police Provincial Intelligence Unit at Sipocot Police ay inilatag ng mga ahente ng PDEA-Camarines Sur ang buy-bust operation laban sa mga suspek na inaresto nang tanggapin ang bayad sa biniling shabu sa nagpanggap na buyer. Nabawi sa apat ang dalawang bungkos ng transparent plastic bag na may lamang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 500-gramo at may street value na P3. milyong piso at boodle money na ginamit sa buy-bust.

Pamamaril sa mga residente sa

Angeles City, pananagutin

MANILA, Philippines — Pananagutin ang umano’y nasa likod ng mga pamamaril sa Angeles City, Pampanga, na ikinasugat ng ilang residente sa paglusob ng demolition team. Ito ang pangako ni Angeles City Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin Jr. at kinokondena ng pamamaril sa mga residente, nitong nakaraang Marso12, sa Sitio Balubad, Barangay Anunas,kung saan anim ang nasugatan. Batay sa ulat, nag-ugat umano ang madugong kaganapan bunsod sa matagal nang alitan sa pagitan ng mga residente sa nasabing lugar at ng demolition team ng Clarkhills Properties Corp. dahil sa pinagtatalunang lupain. Nagsimula umano ang planong demolisyon sa nabanggit na lugar noong Oktubre 2023 ngunit hindi umano ito natuloy dahil sa pagharang ng mga residente ng Sitio Balubad,noong Pebrero 8, 2024, nagsagawa umano ng sorpresang demolisyon ang demolition team ng Clarkhills na nagresulta ng mainit na komprontasyon nito sa mga residente. Nabatid na ilang beses umanong nagsagawa ng demolisyon sa nasabing sitio na hanggang sa humantong sa pamamaril nitong Marso 12. Ayon sa mga testimonya ng mga saksi, ang mga security guard ng Clarkhills ay nagpaputok umano ng baril patungo sa mga residente habang itinatayo nilang muli ang kanilang mga pader na winasak ng mga demolition crew, na nagresulta sa pagkakasugat ng mga ito. Ayon sa mga residente, hindi umano ito ang unang pagkakataon na nagpaputok ang mga tauhan ng nasabing kompanya ng real estate.

Trader nagpanggap na abogada,

natimbog!

3 presong ‘kliyente’, kinikilan

CAVITE, Philippines — Arestado sa inilatag na operasyon ng pulisya ang isang negos- yante na nagpanggap na abogado upang makakuha ng malaking halaga sa tatlong wanted person na naaresto ng pulisya, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Kalubkob, Silang, Cavite.

Tumanggi ring magkomento ang pulisya kung ang pamamaril ay may kaugnayan sa naunang dismissal ng biktima sa police force.

4 Pinoy hinatulan sa US sa higit 600

‘marriage scam’

Para sa green card…

MANILA, Philippines — Apat na Filipino sa California ang nasentensiyahan sa Boston Federal Court dahil sa kanilang pagkakasangkot sa malakihang scam at pag-aayos ng mga nandaraya sa kasal para sa green card. Base sa ulat, ang mga sangkot ay sina Marcialito Biol Benitez, 50, Juanita Pacson, 48, Engilbert Ulan, 43 at Nino Valmeo, 47, kasama ang pito pa na nahaharap sa conspiracy to commit marriage fraud at immigration document fraud. Si Benitez, na sinasabing lider ng grupo at kanyang mga kasama ay pawang naninirahan sa LA. Sila ay nag-ayos ng mga pekeng kasal at naghain ng mahigit sa 600 pekeng aplikasyon para sa U.S. Citizenship and Immigration Services sa pagitan ng Oktubre 2016 at Marso 2022. Ayon sa U.S. Attorney’s Office, tinulungan ng mga sangkot ang mahigit sa 600 mga kliyente upang makaiwas sa mga batas sa immigration at makakuha ng mga green card. Bahagi ng scam ang pagkuha ng mga green card sa ilalim ng Violence Against Women Act sa pamamagitan ng maling pag-claim na ang mga hindi dokumentadong babae ay inabuso ng kanilang mga Amerikanong asawa. Nagpatakbo sila ng isang ahensya na nag-aayos ng mga kasal sa pagitan ng mga dayuhang kliyente at mga mamamayan ng US at sumisingil ng $20,000 at $35,000. Umamin si Benitez na guilty noong Setyembre 2023 at sinentensiyahan noong Marso 7 ng 22 buwang pagkakakulong at 3 taong “supervised release.” Si Pacson ay 2 taong supervised release kung saan ang unang apat na buwan ay home detention habang si Ulan ay 14 buwang pagkakulong at 3 taon ng supervised release. Si Valmeo ay hinatulan ng 3 taong supervised release kung saan ang unang anim na buwan ay home confinement.