Docsity
Docsity

Prepare for your exams
Prepare for your exams

Study with the several resources on Docsity


Earn points to download
Earn points to download

Earn points by helping other students or get them with a premium plan


Guidelines and tips
Guidelines and tips

Batas ng wika: history of Philippine language, Lecture notes of Pedagogy

This notes is a history of Philippine also law

Typology: Lecture notes

2023/2024

Uploaded on 09/02/2024

ggs-3
ggs-3 🇵🇭

1 document

1 / 4

Toggle sidebar

This page cannot be seen from the preview

Don't miss anything!

bg1
BATAS NG WIKA
1. Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
Saligang Batas (1935) -
"
...ang
Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagkakaroon ng
isang wikang pambansa na
ibabatay sa isa sa umiiral na
katutubong wika...
"
2. Batas Komonwelt bilang 184
(1936) - Lumikha ng isang lupon at
itinakda ang mga kapangyarihan
nito kabilang na rito ang pagpili ng
isang katutubong wika na siyang
pagbabatayan ng wikang
pambansa.
3. Kautusang tagapagpalaganap
blg. 134 (1937) - Ipinahayag na
ang tagalog ay siyang magiging
batayan ng wikang pambansa ng
Pilipinas.
4. Kautusang Tagapagpalaganap
blg. 263 (1940) - Nagbibigay
pahintulot sa pagpapalimbag ng
isang diksyunaryo at balarila ng
wikang pambansa, at
itinatagubilin din ang pagtuturo ng
wikang pambansa sa mga
paaralan, pambayan man o
pribado.
5. Batas Komonwelt blg. 570
(1946) - Pinagtibay na ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay maging
isa sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas.
6. Proklama blg. 12 (1954) -
Nilagdaan ng Pangulong Ramon
Magsaysay na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa
Marso 29 hanggang Abril 4 ayon
sa mungkahi ng Surian ng Wikang
Pambansa.
7. Kautusang Pangkagawaran blg.
7,s.1959 - Nillagdaan ni Kalihim
Jose E. Romero at itinatagubilin na
kailaman at ang tinutukoy ay ang
wikang pambansa, ang salitang
Pilipino ay siyang itatawag.
8. Kautusang Pangkagawaran
blg.24,s.1962 - Nilagdaan ni
Kalihim Alejandro Roces at
nag-uutos na simulan sa taong
-aralan 1963-1964. Ang mga
sertipiko at diploma ng
pagtatapos ay ipalilimbag na sa
wikang Filipino.
9. Kautusang Tagapagpaganap
blg. 60 s. 1963 - Nilagdaan ng
Pangulong Diosdado Macapagal
na nag-uutos na awitin ang
Pambansang Awit sa titik nitong
Filipino.
10. Kautusang Tagapagpaganap
blg. 96 s. 1967 - Nilagdaan ng
Pangulong Ferdinand Marcos at
nagtatadhana na ang lahat ng
edipisyo, gusali at tanggapan ng
pamahalaan ay pangalanan sa
Filipino.
11. Memorandum Sirkular blg. 172
(1968) - Nilagdaan ni Kalihim
Tagapagpaganap Rafael Salas at
ipinag-uutos na ang mga
"
letterheads
"
ng mga tanggapan
ng pamamahalan ay isulat sa
Filipino. Kalakip ang kaukulang
teksto sa Ingles. Ipinag-uutos din
na ang pormularyo sa panunumpa
sa tungkulin ng mga pinuno at
kawani ng pamahalaan ay sa
Filipino gagawin.
12. Memorandum Sirkular blg. 199
(1968) - Itinatagubilin ang pagdalo
sa seminar sa Filipino ng mga
kawani ng pamahalaan. Ang
seminar ay idaraos ng Surian ng
Wikang Pambansa sa iba
'
t ibang
purok linggwistika ng kapuluan.
13. Kautusang Tagapagpaganap
blg. 187 (1969) - Nilagdaan ng
Pangulong Marcos at nag-uutos
sa lahat ng kagawaran,
kawanihan, tanggapan at iba pang
sangay ng pamahalan na gamitin
ang wikang Fillipino hanga
'
t maari
sa Linggo ng Wikang pambansa at
pagkaraan man nito sa lahat ng
opisyal na komunikasyon at
transaksyon.
14. Memorandum Sirkular blg. 384
(1969) - Pinalabas ni Kalihim
tagapagpaganap Alejandro
Melchor na nagtatalaga ng mga
may kakayahang tauhan upang
mamahala ng lahat ng
komunikasyon sa Filipino sa lahat
ng kagawan, kawanihan,
pf3
pf4

Partial preview of the text

Download Batas ng wika: history of Philippine language and more Lecture notes Pedagogy in PDF only on Docsity!

BATAS NG WIKA

  1. Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas (1935) - "...ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika..."
  2. Batas Komonwelt bilang 184 (1936) - Lumikha ng isang lupon at itinakda ang mga kapangyarihan nito kabilang na rito ang pagpili ng isang katutubong wika na siyang pagbabatayan ng wikang pambansa.
  3. Kautusang tagapagpalaganap blg. 134 (1937) - Ipinahayag na ang tagalog ay siyang magiging batayan ng wikang pambansa ng Pilipinas.
  4. Kautusang Tagapagpalaganap blg. 263 (1940) - Nagbibigay pahintulot sa pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at balarila ng wikang pambansa, at itinatagubilin din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan, pambayan man o pribado.
  5. Batas Komonwelt blg. 570 (1946) - Pinagtibay na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay maging isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas.
  6. Proklama blg. 12 (1954) - Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Marso 29 hanggang Abril 4 ayon sa mungkahi ng Surian ng Wikang Pambansa.
  7. Kautusang Pangkagawaran blg. 7,s.1959 - Nillagdaan ni Kalihim Jose E. Romero at itinatagubilin na kailaman at ang tinutukoy ay ang wikang pambansa, ang salitang Pilipino ay siyang itatawag.
  8. Kautusang Pangkagawaran blg.24,s.1962 - Nilagdaan ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos na simulan sa taong -aralan 1963-1964. Ang mga

sertipiko at diploma ng pagtatapos ay ipalilimbag na sa wikang Filipino.

  1. Kautusang Tagapagpaganap blg. 60 s. 1963 - Nilagdaan ng Pangulong Diosdado Macapagal na nag-uutos na awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino.
  2. Kautusang Tagapagpaganap blg. 96 s. 1967 - Nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos at nagtatadhana na ang lahat ng edipisyo, gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Filipino.
  3. Memorandum Sirkular blg. 172 (1968) - Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas at ipinag-uutos na ang mga "letterheads" ng mga tanggapan ng pamamahalan ay isulat sa Filipino. Kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-uutos din na ang pormularyo sa panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Filipino gagawin.
  4. Memorandum Sirkular blg. 199 (1968) - Itinatagubilin ang pagdalo sa seminar sa Filipino ng mga kawani ng pamahalaan. Ang seminar ay idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba't ibang purok linggwistika ng kapuluan.
  5. Kautusang Tagapagpaganap blg. 187 (1969) - Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalan na gamitin ang wikang Fillipino hanga't maari sa Linggo ng Wikang pambansa at pagkaraan man nito sa lahat ng opisyal na komunikasyon at transaksyon.
  6. Memorandum Sirkular blg. 384 (1969) - Pinalabas ni Kalihim tagapagpaganap Alejandro Melchor na nagtatalaga ng mga may kakayahang tauhan upang mamahala ng lahat ng komunikasyon sa Filipino sa lahat ng kagawan, kawanihan,

tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan kabilang ang mga korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.

  1. Kautusang Tagapagpaganap blg. 304 (1971) - nilagdaan ng Pangulong Marcos na nagpapanauli sa dating kayarian ng Surian ngwikang pambansa at nililiwanag ang mga kapangyarihan at tungkulin nito.
  2. Atas ng Pangulo blg. 73. (1972)
  • Nilagdaan ng Pangulong Marcos at nag-aatas sa Surian ng Wikang Pambansa na isalin ang Saligang Batas sa mga wikang may limampung libong (50,000) mamamayan sinasalita ng alinsunod sa probidyon ng Saligang Batas Artikulo XV Pangkat 3.
  1. Kautusang Pangkagawaran blg. 25 (1974) - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura, na nagtatakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad ng patakarang edukasyong baylingwal.
  2. Memorandum Pangkagawaran blg. 194 (1976) - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel na itinatagubilin sa mga guro Ang mga bagong tuntunin sa ortogapiyang Pilipino.
  3. Memorandum ng MECS blg. 203 (1978) - Accelerating the Attainment of the Goals of Bilinggual Education.
  4. Kautusang Pangkagawaran blg. 203 (1978) - Paggamit ng katagang "Filipino" sa pagtukoy sa wikang Pambansang Pilipinas. Nilagdaan ni Kalihim Lourdes Quisumbing ng kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports.
  5. Kautusang blg. 52 (1987) - Ang Patakarang Edukasyong Bilinggwal ng 1987
  6. Kautusang Pangkagawaran blg. 54 (1987) - Panuntunan ng

Implementasyon ng Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987.

  1. Kautusang Pangkagawaran blg. 81 (1987) - Ang Alpabeto at patnubay sa ispeling ng Wikang Filipino.

1955 (Set 23) Nilagdaan ng Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 ng 1954. na sa pamamagitan nito'y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 ng Agosto hanggang ika 19 ng Agosto. Saklaw nito ang kaarawan ng pangulong Manuel Quezon, ang ama ng Wikang Pambansa.

1959 (Agosto 13) Pinalabas ni kalihim Jose E. Romero ng kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Big. 7 na nagsasaad ng kailanma't tutukuyin ang wikang pambansa, ang salitang PILIPINO ang siyang gagamitin.

1967 (Okt 24) - Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang isang kautusang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay diin sa pagpapairal ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay iniaatas din ang mga ulong-liham ng mga kagawaran at mga tanggapan, at mga sangay ng pamahalaan ay naraaapat na nakasulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang salin sa Ingles, iniatas din na ang mga panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay gagawin sa Filipino.

1968 (Agosto 6) Nilagdaan ng pang. Marcos ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na nag-aatas na gamitin hangga't maaari sa lahat ng kagawaran, kawanihan at iba pang sangay ng pamahalaan ang wikang Pilipino sa Linggo ng Wika at gayun din pagkaraan nito sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan.

Sakasalukuyan, kapag sinabi mong ang batayan ng wikang pambansa at Tagalog, marami ang tumutol na sa ilang bahagi ng Cebu at Mindanao. Ito ang sagwil sa mabilis na pagpapalaganap ng wikang pambansa.

Marami rin ang nagtatanong kung ito bang "Filipino" ay ang Linggua Franca na ginagamit sa Maynila.

Ayon na rink ay Dr. Ernesto Constantino ng UP na dahil naging salungat ang mga di- Tagalog, baka di malayong ang wikang "English" an gating maging wikang pambansa.

Ang Tagalog ang hindi 'mother tongue'ng pinakamalawak na pangkat linggwistiko bagama't maaaring masabi na ang Tagalogang may pinakamaraming nagsasalita, ang kaniyang katunggali rito ay ang wikang Cebuano na lalong may maraming nagsasalitang katutubo. Sa buong Pilipinas ay may 52% ang nagsasalita sa Filipino/Tagalog.

Sa ilang mga talakayan hinggil sa wika ay lumitaw ang maraming suliranin kung tagalong nga ang bataayn ng wikang pambansa tulad nang pairalin ang "Bilingual Education System" dahil ditto ay inalis sa mga paaralan ang paggamit ng iba pang wika sa pagtuturo maliban saEnglish at Filipino (batay sa Tagalog): naging bunga sa mga llawigan tulad ng Negros Occidental, na kung saan ang lahat ng mga mag-aaral at mga guro ay mga Ilonggo at Hiligaynon.

Isang suliranin din ito sa isang pamilya na kung saan ang mga magulang ay nagsasalita ng magkaibang wika, Ilokano at Kapampangan o Bisya at Bikol, atbp., samantalang sa paaralan at Tagalog at English. Wala itong suliranin sa Metro Manila, dahil sa Maynila ay nagkakaroon ng paglilipat sa Tagalog ang wika ng mamamayan.

Sa kabilang dako, naniniwala si Direktor Ponciano pineda ng Komisyon ng Wika na ang paggamit ng wikang Filipino ay walang suliranin, mauunawaan ito at nagagamit ng mga di- Tagalog, kasama ang Bisaya at Mindanao, ang kailangan lamang ay pagpapaliwanag,

bagama't kailangan muna ay magkasundo ang gumagawa ng patakaran sa wika dahil kung sila mismo ay hindi nagkakaisa, hindi maniniwala ang pinagpapaliwanagan.

Hindi makaila na an gating pamahalaan ay gumawa ng mga hakbang tungo sa pag- unlad ng ating wika. Nagpalabas ang pangulo ng kautusan blg. 335 noong Agosto 25, 1988 na nag-uutos ng:

  1. Gumawa ng hakbang sa paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng opisyal na komunikasyon, translasyon at korespondensya sa kani-kanilang tanggapan maging pambansa o local.
  2. Magtakda ng isa o higit pang tauhan na mamahalasa lahat ng komunikasyon at korespondensya na nakasulat sa Filipino.
  3. Isalin sa Filipino ang mga pangalan ng tanggapan, gusali at tanggapang pampubliko, ang mga signboard ng lahat ng mga tanggapan at dibisyon samantala maaari na lamang isulat sa wikang English sa maliit na titik ang salin nito.
  4. Gawin sa Filipino ang 'panunumpa sa tungkulin' ng mga opisyal at mga tauhan ng pamahalaan.
  5. Magsagawa ng mga pagsasanay sa paggamit ng Filipino sa mga tauhan ng bawat tanggapan sa opisyal na komunikasyon at korespondensya.