



Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
Ang wika ay isa sa mahahalagang bagay na pinanghahawakan ng isang bansa. Sapagkat kung wala ito, magiging mahirap ang pakikipag-ugnayan ng bawat isa at hindi rin maipapahayag nang maayos ang mga impormasyong nais ilahad. Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maaari itong magdulot ng kaguluhan.
Typology: Summaries
1 / 6
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
Papel ng Wika sa Lipunan Nicanor, Carlo D. Ang wika ay isa sa mahahalagang bagay na pinanghahawakan ng isang bansa. Sapagkat kung wala ito, magiging mahirap ang pakikipag-ugnayan ng bawat isa at hindi rin maipapahayag nang maayos ang mga impormasyong nais ilahad. Magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan at maaari itong magdulot ng kaguluhan. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang bansa, kung saan sila ay nagkakaisa. Sila ay kabilang sa isang grupo ayon sa kanilang pinagmulan, at nararapat silang kilalanin bilang ganito. Sa madaling salita, ang wika ang nagsisilbing tulay sa pagkakaroon ng isang matatag at mapayapang lipunan, upang maipahayag ang mga impormasyong dapat maunawaan ng bawat indibidwal. Baltazar, G (2017) Ano ang papel o mga papel na ginagampanan ng wika sa lipunan? Retrieved from https://brainly.ph/question/ Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na namumuhay sa tiyak na teritoryo at may karaniwang pag-uugali, ideya, saloobin na ginagamitan ng wika. Ayon naman kay Durkheim (1985), isang sociologist, nabubuo ang lipunan ng mga taong naninirahan sa isang pook. Ang mga taong nasa isang lipunan ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Sila ay namumuhay, nakikisama, at nakikipagtalastasan sa bawat isa. Ang wika naman, maaaring pasalita o pasulat, ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na may lipon ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng isipan. Tinatawag na lingua franca ang wikang ginagamit ng mas nakararami sa isang lipunan. Ito ang wikang ginagamit upang mas lubos na magkaunawaan ang mga namumuhay sa isang komunidad. Itinuturing ang Filipino na lingua franca sa Pilipinas ayon na rin sa pag-aaral ng Unibersidad ng Ateneo sa Manila noong 1989. Sa Pilipinas, 92% ang nakauunawa ng Filipino, 51% ang nakauunawa ng Ingles, at 41% ang nakauunawa ng Cebuano. Kung itatanong ang “Ano ang gamit ng wika?”, maiisip ng karamihan na ito ay instrumento ng komunikasyon. Ngunit ayon kay Michael Alexander Kirkwood Halliday o M.A.K. Halliday , ang mga tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang aklat na Explorations in the Functions of Language (Explorations in Language Study) ay ang sumusunod:
1. INSTRUMENTAL Ang wika ay instrumental ay ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan. Ito rin ay nagagamit sa pakikipag-usap o pag-uutos. Halimbawa: pagsasalaysay o pagpapahayag, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, pag-uutos, at pagmumungkahi
Ang wikang regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Itinuturing ring instruksiyon o ang pagkokontrol sa anong rapat gawin tulad ng pagtakda ng mga regulasyon, direksiyon o proseso sa kung paano igawa ang isang partikular na bagay, pag-ayon, pagtutol, at iba pa. Halimbawa: “Bawal mamitas ng bulaklak.” “Itaas ang inyong kamay kapag kayo ay sasagot.”
3. INTERAKSYONAL Ginagamit ito sa pagpapanatili ng relasyong sosyal katulad ng pagbati sa iba’t-ibang okasyon, panunukso, pang-iimbita, pasasalamat, pagpapalitan ng kuro-kuro tungkol sa isang partikular na isyu. Iba pang halimbawa: liham pangkaibigan at pangangamusta 4. PERSONAL Ang wika ay personal kung ito ay nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon. Halimbawa: pasalita: pormal o di-pormal na talakayan pasulat: liham sa patnugot 5. HEURISTIKO Ito ay wikang naghahanap ng mga impormasyon o datos. Halimbawa: pasalita: Ininterbyu ni Ana ang mga nagtitinda ng gulay tungkol sa pagtaas ng presyo nito. pasulat: Pinasagutan ni Ramon ang sarbey na kanyang ginawa para sa kanyang thesis. 6. IMPORMATIBO Ito ay wikang nagbibigay impormasyon sa parang pasulat at pasalita na kabaligtaran ng heuristiko Halimbawa: Ayon sa World Atlas, ang Pilipinas ay may 7,641 na isla. Ayon sa Ethnologue, labing-isa ang bilang ng namamatay na wika sa Pilipinas. 7. IMAHINATIBO
“Huwag gumamit ng plastik sa pamamalengke para makaiwas sa global warming.” “Bawal pumarada dito, magmumulta ng 200 piso.
6. Patalinghaga (Poetic) Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa. Ito ay nakatuon sa mensahe. Ang mensahe ang ipinadadalang salita. Tayong Filipin (2019) Mga Gamit ng Wika sa Lipunan. https://tayofilipino.wordpress.com/2019/10/26/2/ Resus (2017) Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. https://floredelresus.blogspot.com/2017/08/gamit-ng-wika-sa-lipunan_11.html Itinuturing ni Michael Alexander Kirkwood Halliday ang wika bilang isang sistemang panlipunan na may tiyak na tungkulin sa pagpapahayag ng kahulugan sa iba’t ibang konteksto ng lipunan. Sa kanyang teoryang "Systemic Functional Linguistics," ipinapakita niya na ang wika ay hindi lamang daluyan ng impormasyon, kundi isang aktibong bahagi ng mga gawain ng tao sa lipunan gaya ng pakikipagtalastasan, pagbuo ng identidad, at pag-aangkop sa mga sitwasyong panlipunan. Samantala, binibigyang- diin naman ni Roman Jakobson ang iba't ibang tungkulin ng wika, tulad ng emotive, referential, phatic, metalingual, poetic, at conative functions, na nagpapakita kung paano nagkakaroon ng bisa at layunin ang bawat paggamit ng wika. Sa kabuuan, parehong binibigyang-halaga ng dalawang iskolar ang papel ng wika bilang makapangyarihang instrumento sa paghubog at pagpapanatili ng kaayusang panlipunan. Ang papel ng wika sa lipunan ay napakahalaga dahil ito ang pangunahing kasangkapan ng tao sa pakikipagtalastasan, pagbuo ng kultura, at pagpapanatili ng kaayusan sa lipunan. Narito ang ilang mahahalagang papel ng wika sa lipunan: 1. Wika bilang Kasangkapan ng Komunikasyon Ang wika ang pangunahing midyum ng pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito, naipapahayag ng tao ang kanyang damdamin, saloobin, at kaisipan. Ayon sa Stanford University, ang pagsasalita, pagsusulat, at pagbasa ay mahalagang bahagi ng pang- araw-araw na buhay, kung saan ang wika ang pangunahing kasangkapan para sa ekspresyon at komunikasyon. Stanford University (2019) The power of language: How words shape people, culture. https://news.stanford.edu/stories/2019/08/the-power-of-language-how-words-shape- people-culture?
2. Wika bilang Tagapagpanatili ng Kultura at Identidad Ang wika ay nagsisilbing sisidlan ng kultura. Sa pamamagitan nito, naipapasa ang mga tradisyon, paniniwala, at kasaysayan mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. Ayon sa Greenheart International, ang wika ay isa sa pinakamahalagang bahagi ng anumang kultura, na nagbibigay-daan sa mga tao na makipag-ugnayan, bumuo ng relasyon, at lumikha ng pakiramdam ng komunidad. Holmes (2016) Language: The Essence of Culture. https://greenheart.org/blog/greenheart-international/language-the-essence-of-culture/ 3. Wika bilang Kasangkapan sa Edukasyon at Pagkatuto Sa larangan ng edukasyon, ang wika ang pangunahing daluyan ng kaalaman. Sa pamamagitan nito, naipapaliwanag ang mga konsepto sa agham, matematika, sining, at iba pa. Ayon sa isang pag-aaral, ang wika ay isang kasangkapan ng komunikasyon na ginagamit ng lahat sa kanilang pang-araw-araw na buhay bilang paraan upang maiparating ang impormasyon at argumento sa iba. Rabiah (2019) LANGUAGE AS A TOOL FOR COMMUNICATION AND CULTURAL REALITY DISCLOSER (2019, p. 5). https://osf.io/nw94m/download 4. Wika bilang Instrumento ng Pagkakaisa at Pagkakaunawaan Ang pagkakaroon ng iisang wika ay nagbubuklod sa mga tao, nagpapalalim ng pagkakaunawaan, at nagpapalakas ng pambansang identidad. Ayon sa artikulo ni Professor Zel, ang wika ang bumubuo ng koneksyon sa mga tao sa isang lipunan, at ito rin ang ating nagiging sandata upang makipag-usap at makipag-ugnayan sa mamamayan. Zel (2017) Ang Papel ng Wika sa Lipunan. https://brainly.ph/question/752711? referrer=searchResults 5. Wika bilang Salamin ng Lipunan Ang wika ay hindi lamang kasangkapan sa komunikasyon kundi salamin din ng lipunan. Ayon sa Human Relations Area Files ng Yale University, sa pamamagitan ng wika, naibabahagi ng mga tao ang kanilang mga paniniwala, alalahanin, persepsyon, inaasahan, karanasan, at kaalaman—na siyang bumubuo sa kultura. Human Relations Area Files (n.d.) Human Relations Area Files. https://hraf.yale.edu/teach-ehraf/language-culture-society/