












































Study with the several resources on Docsity
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Prepare for your exams
Study with the several resources on Docsity
Earn points to download
Earn points by helping other students or get them with a premium plan
Community
Ask the community for help and clear up your study doubts
Discover the best universities in your country according to Docsity users
Free resources
Download our free guides on studying techniques, anxiety management strategies, and thesis advice from Docsity tutors
risk reduction and development guide
Typology: Lecture notes
1 / 52
This page cannot be seen from the preview
Don't miss anything!
Ang Barangay Development Council (BDC): Ang Barangay Development Council (BDC) na magsisilbing Local Disaster Risk Reduction and Management Council sa antas ng barangay ang magiging konseho kung saan direktang makikipag-ugnayan ang Barangay Disaster Risk Reduction and Management Committee (BDRRMC). Ang magiging tungkulin ng BDC ay ang mga sumusunod:
Kung hindi pa sila rehistrado sa anumang ahensiya ng gobyerno, maaari rin silang magbigay ng sulat sa barangay na naglalayong kilalanin sila bilang isang lehitimong samahan. Maaaring sumangguni sa DILG MC No. 2018-146 para sa mga alituntunin sa akreditasyon ng mga NGO at ang kanilang pagiging miyembro sa mga institusyong nakabase sa barangay tulad ng BDRRMC. Ang iba't ibang ahensya ng gobyerno tulad ng DILG, LGA, OCD at iba pa ay nagbibigay ng kaukulang pagsasanay at oryentasyon upang patuloy na palakasin ang kapasidad ng mga BDRRMC na magampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkulin. Ang resulta ng QAS para sa BDRRMP/C ay isa rin sa mga basehan ng mga ahensyang ito sa pagbibigay ng tulong teknikal. Kailangang bumuo ng organogram (organizational structure) ang BDRRMC kung saan may kanya- kanyang responsibilidad ang bawat mabubuong sub-committee. Ang dami ng sub-committees ay nakadepende sa konteksto ng lugar o barangay. MGA TUNGKULIN AT GAWAIN NG BDRRMC Ang Barangay Disaster Risk Reduction Management Committee (BDRRMC), sa ilalim ng Barangay Development Council (BDC) ay may mga tungkulin na dapat gampanan na walang pinapanigan o kinakampihan. Ito ay ang mga sumusunod:
Tema Tungkulin/Gawain Pag-iwas at Mitigasyon (Prevention and Mitigation) Magbigay ng mga pagsasanay sa mga response teams at iba pang miyembro ng BDRRMC para sa agarang pagtugon sa anumang kalamidad; at Makipag-ugnayan at makipag-tulungan sa Barangay Health Stations (BHS) at Rural Health Units (RHU) sa pagsasagawa ng mga aktibidad na magpapataas sa antas ng kaalaman ng mga residente ukol sa mga naaangkop na kaugalian sa kalusugan at nutrisyon. Paghahanda (Preparedness) Manguna sa pagsasagawa at pagbubuo ng mga plano sa barangay patungkol sa DRRM/CCA/Health Emergency at response (Hal.: BDRRM Plan, Contingency Plan, Public Service Continuity Plan); Pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang mga People’s Organizations, Sectoral Groups, NGOs, CSOs, at iba pang mga lokal na ahensya ng pamahalaan, para sa mga gawaing paghahanda, tulad ng mga pagsasanay, pagpapalakas ng abilidad, at pagpapataas ng antas ng kaalaman tungkol sa DRRM, climate change adaptation at pampublikong kalusugan; Magsagawa ng regular na simulation exercises o drills kaugnay sa mga natukoy na pangunahing peligro o panganib; Magpakalat ng mga impormasyon ukol sa paghahanda sa panahon ng sakuna, disaster o anumang uri ng emergency sa lahat ng taong nasasakupan ng barangay, lalo na sa mga nakatira sa delikadong lugar; Tiyakin na ang Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) ay aktibo at may natatanggap na mga pagsasanay patungkol sa pag-protekta sa mga bata at mga batang may kapansanan bago, habang, at pagkatapos ng kalamidad; Magbigay ng mga pagsasanay sa mga grupo na tutugon sa mga pangangailangan ng mga bulnerableng grupo, tulad ng mga kababaihan, mga buntis, nakatatanda, may mga kapansanan, at iba pa; Tiyakin na ang mga ginawang plano ng paaralan at ng barangay ay magkaugnay; Tiyaking kumpleto ang mga kagamitan para sa paghahanda at pag-responde sa panahon ng kalamidad; Tiyaking may maayos at kumpletong kagamitang pang-komunikasyon at may sistema para sa regular na pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad; MGA TUNGKULIN AT GAWAIN NG BDRRMC (Pagpapatuloy)
G. Bilang at Pangalan ng mga Samahan ng mga Mamamayan at Sektoral sa Barangay Uri ng Kalsada Sukat/Haba ng Kalsada (Kilometro) Sino ang nagmi-mintina ng kalsada A. Konkreto (concrete) B. Aspalto (Asphalt) K. Graba (Gravel) D. Natural Earth Surface Tema Tungkulin/Gawain Paghahanda (Preparedness) Manguna sa paggawa ng mga plano na may mga mekanismo at sistema kung paano ipatutupad, susubaybayan, at tatasahin ang mga programa, proyekto, at gawain ng barangay sa DRRM-CCA, at mga isyung pangkalusugan; Tiyaking may sapat na partisipasyon ang mga kinatawan ng sektor ng mga bata, mga kabataan, mga kababaihan, mga buntis, mga nanay na nagpapasuso, mga may kapansanan, mga nakatatanda, at mga katutubo, at iba pang mga sektor/ grupo na nasa loob ng barangay sa mga gagawing pag-aaral, pananaliksik, pagpa- plano, at pagpapatupad ng mga programa, proyekto at gawain ng barangay sa DRRM-CCA; Tiyaking lahat ng kasapi ng BDRRMC ay nabigyan ng sapat na kaalaman tungkol sa mga batas, tulad ng RA 10121, RA 9729, RA 10821, RA10174, RA 9003 at iba pang mga batas na may kaugnayan sa DRRM-CCA, health emergency, conflict, at iba pa; Tiyaking may maayos na Early Warning System ayon sa mga natukoy na pangunahing peligro o panganib, tulad ng kalamidad, health emergency, conflict, at iba pa; Tiyaking ang Early Warning System ng mga paaralan ay may koordinasyon at naaayon sa sistema ng maagang babala ng barangay; Tiyaking ang Early Warning System ng barangay ay may koordinasyon at naaayon sa sistema ng maagang babala ng munisipyo o siyudad na nakasasakop dito; Tiyaking may sapat na imbak ng mga gamit, tulad ng gamot at relief goods (Non
MGA TUNGKULIN AT GAWAIN NG BDRRMC (Pagpapatuloy) Tema Tungkulin/Gawain Pagtugon sa Kalamidad (Response) Magsagawa ng search, rescue and retrieval operations na may koordinasyon sa mga awtoridad; Magsagawa ng paglilinis o clearing operations matapos ang disaster o kalamidad upang masiguro ang kalinisan ng kapaligiran at kaligtasan ng mga residente ng barangay; Makipag-ugnayan sa munisipyo o siyudad para sa deklarasyon ng ‘state of calamity’; I-activate ang lahat ng grupo o volunteer na makakatulong sa pagtugon sa mga kalamidad; Magsagawa ng agarang pagpu-pulong para sa sistema ng pag-responde; Tiyaking may maayos na pamamahala sa mga Evacuation Centers, alinsunod sa mga protocols ng Camp Coordination and Camp Management; Magtalaga ng mga breastfeeding stations, child-friendly space, women-friendly space, WASH facilities, atbp. sa loob ng mga evacuation centers; Magtalaga ng mga “ specific / designated ” na palikuran na nakalaaan para sa mga lalaki, babae, at mga taong may kapansanan; Pagsubaybay sa mga may sakit o karamdaman upang masiguro na walang mahahawa, lalo na ng mga nasa evacuation centers; Regular at tamang pag-uulat ng mga maysakit, na nakita o nabatid sa rural health unit o sinumang available na doktor o medical personnel na malapit sa evacuation center; Agarang pag- isolate o paghihiwalay sa mga taong nabatid na may karamdaman na maaaring makahawa sa evacuation centers; at Tiyaking lahat ng serbsiyong pangkalusugan (Esssential Health Service Package- EHSP), tulad ng Medical and Public Health, kasama ang Minimum Initial Service Package (MISP) for Sexual and Reproductive Health (SRH), Mental Health and Psychosocial Support (MHPSS), Water Sanitation and Hygiene (WASH), at Nutrition in Emergencies, ay maaaring makuha mula sa mga barangay health centers at evacuation centers at sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng Health cluster
Tema Tungkulin/Gawain Pagtugon sa Kalamidad (Response) Sa panahon ng epidemya/pandemya: Tiyakin na ang mga pangkalusugang protocols ay sinusunod ng mga miyembro ng komunidad; Magsagawa ng paunang pagkakakilanlan ng mga taong apektado ng sakit at isumite ito sa C/M Health Officer; Magsagawa ng regular na pagbisita sa bawat bahay ng mga residente na nagkaroon ng sakit o sa mga taong nasa ilalim ng pagsubaybay ( persons under monitoring ); Tiyaking natutugunan ang mga pangangailangan ng apektadong populasyon, partikular ang pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan (basic necessities), at matukoy kung kinakailangang sila ay ihiwalay sa kanilang pamilya o kasama sa bahay; Simulan ang contact tracing; Tumulong sa pamamahala ng mga isolation facilities at tiyakin na ang mga kinakailangang suplay at kagamitan ay kumpleto at nakahanda sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa C/M Health Office; Panatilihin ang madalas na pakikipag-ugnayan sa C/M Health Office; at Siguruhing makipag-ugnayan sa inyong LGU para sa mga bagong health protocols sa inyong siyudad o lungsod. Pagbangon at Rehabilitasyon ( Recovery and Rehabilitation) Katuwang ang C/MDRRMO, at iba pang mga tanggapan sa lokal na pamahalaan, tumulong sa pagsasagawa ng damage assessment, at recovery and rehabilitation plan sa mga nasasakupan; at Tiyaking may ginawang konsultasyon sa iba’t-ibang mga kinatawan sa loob ng barangay, tulad ng mga bulnerableng sektor, kasama ang mga bata, may kapansanan, kababaihan, matatanda, katutubo, CSOs, at iba pa, upang makakuha ng mga suhestiyon para sa agaran at pang-matagalang ( sustainable ) solusyon sa naging epekto ng kalamidad o pandemya sa mga miyembro ng komunidad. MGA TUNGKULIN AT GAWAIN NG BDRRMC (Pagpapatuloy)
Bahagi (Component) Pagsasalarawan ng Proseso (Process Description) Sanggunian (Reference/Data Source) Participatory Community Risk Assessment (PCRA)
Bahagi (Component) Pagsasalarawan ng Proseso (Process Description) Sanggunian (Reference/Data Source) Participatory Community Risk Assessment (PCRA)
Bahagi (Component) Pagsasalarawan ng Proseso (Process Description) Sanggunian (Reference/Data Source)
Bahagi (Component) Pagsasalarawan ng Proseso (Process Description) Sanggunian (Reference/Data Source) 3.1 Public Health Vulnerability (^) Tingan ang Annex D para sa Public Health Vulnerability Assessment Matrix Tukuyin ang mga lugar na pinaka-bulnerable sa mga peligro. Isulat kung aling mga purok/ sitio ang maituturing na bulnerable. Isaalang-alang ang mga sumusunod na salik ( parameters) sa pagtukoy sa mga kahinaan ( vulnerabilities ) ng isang komunidad:
Bahagi (Component) Pagsasalarawan ng Proseso (Process Description) Sanggunian (Reference/Data Source) 6.1.2 Detalyadong Bilang ng mga Taong May Kapansanan Alamin ang bilang ng mga taong may kapansanan na maaring maaapektuhan ng mga pangunahing peligro o panganib ayon sa edad at kasarian (mag-base sa column ng bilang ng Persons with Disabilities na maaapektuhan ng peligro o panganib mula sa table 6.1.1) 6.1.3 Bilang ng pamilya ayon sa nakasulat sa mga column sa ba- ba na maaapektuhan ng peligro o panganib kada sitio/purok/ block/street Alamin ang bilang ng mga pamilyang maaapektuhan ng peligro o panganib ayon sa mga nakasulat sa column:
Bahagi (Component) Pagsasalarawan ng Proseso (Process Description) Sanggunian (Reference/Data Source) 6.1.4 Bilang ng tao na may mga karamdaman o sakit na nakakahawa Makipag-ugnayan sa inyong Barangay Health Centers at Municipal Health Offices upang makuha ang mga bilang ng mga taong may karamdaman o sakit na nakahahawa base sa mga pangunahing sakit ( Priority Diseases/ Syndromes) at mga kondisyong naka-target para sa pagsubaybay (Conditions Targeted for Surveillance) ng DOH. Tingnan ang Annex F para sa Listahan ng mga Prayoridad na Karamdaman, S i n t o m a s a t K o n d i s y o n n a kinakailangang bantayan. DOH PIDSR Manual of Procedure 7.1 Epekto ng Peligro o bantang Panganib Alamin ang bilang ng mga tao o pamilyang maaring maapektuhan ng mga pangunahing peligro o bantang panganib sa bawat purok, sitio, sona ( zone ), block o kalye ( street ) ayon sa tatlong kategorya Gawing basehan ang ginawa o kinuhang mapa ng mga pangunahing peligro o panganib ( hazard ma ps) sa C/MPDO/ C/MDRRMO o https://hazardhunter.georisk.gov.ph/ Ito ay dapat gawin para sa bawat peligro o panganib na nangangailangan ng mga programa o intervention. 7.2. Imbentaryo ng mga kagamitan, imprastraktura, establisyemento, pasilidad at pangkabuhayan ng mga tao na maaaring maapektuhan ng peligro o panganib Ilagay sa ikalawang column ang kabuuang bilang ng mga nakasulat sa unang column, kung meron nito sa loob ng barangay at tantyahin kung ilang porsyento ang maaaring epekto nito kung sakaling maapektuhan ng pangunahing peligro o panganib. Sa ika-apat na column, isulat ang pangalan ng lugar kung saan ito makikita o matatagpuan. Ito ay dapat gawin sa bawat peligro na dapat magkaroon ng mga programa o intervention. Puwede itong makita o makuha mula sa barangay profile o sa Community- Based Monitoring System (CBMS)